Hindi Kita MahalHindi niya ako magawang tigilan
Pilitin ko man na siya ay iwanan
Nais parin ng puso niyang ito'y ipagpilitan
Kahit na siya pa ay aking ipagtabuyan
❤
Pinipilit paring babalikan ang lumipas
Gusto paring ipinta ang letratong kumupas
Sadya bang makitid lang ang utak
Ang tulad mong isang umaasang wasak
❤
Ilang ulit mang sabihing, hindi kita mahal
Iparamdam na, hindi kita mahal
Naandyan parin tangang naghihintay
At na nanatiling patay na patay
❤
Pakiusap tigilan mo na
Katahimikan, ay nais ko na
Wag mong hintayin ang mga masasakit na salita
Sapagkat ayaw ko rin ang masaktan ka sinta
❤
Paumanhin ginoo
Dito na matatapos ito
Wala man ang sinasabing matamis na 'oo'
Makikita mo rin ang para sayo.
CZYTASZ
POEMS: Thoughts of Existence
PoezjaHighest rank #24. July 20, 2016. My very own composed poem's (credited from my lovely friends, don't worry I'll mention them), a very low messages hidden in every words of my own master piece (credited). I wish everyone will understand coz it's so...