Althea- 4.

2.1K 100 18
                                    


Author's Note: Dami ko sanang sasabihin pero wala eh, di' ko alam paano ko sisimulan. Ganito na lang, dahil po sa uri ng trabaho ko rito sa ibang bansa. Naasign po ako sa "karapit bansa" at di' ko po mabuksan ang account na'to, humihingi ng confirmation at kung anu-ano pang re-updates kuno ng email.

Anyway sorry kung parang kabute ako, sa mga naiinis, nawalan ng gana eh feel free po to read other stories. 'Andito lang po ako sa mga nagtatyagang naghihintay sakin'. Gusto ko lang pong sabihin na anytime po eh tuluyan na yata akong magpapaalam dito sa wattpad, kahit po kasi ako'y ayuko' rin ng ganito. 'Yung di' tuloy-tuloy ang updates kaya naiintindihan ko rin 'yung mga naiinis diyan, pero 'yung mga nagmumura aba ate kuya, block niyo na lang po ako or sumbong ko kayo key Mr. Wattpad! Yun' na nga, tinatapos ko lang ang mga hanging stories ko at di' ko alam kung keylan ako magbybye ng tuluyan... Miss you all!



            Hindi ko alam kung ilang oras akong tumakbo at di' ko rin alam kung saan nako' naroroon. Ang tanging alam ko lang ay malayo na ang narating ko, malayo sa Ukbiran, malayo sa mga kalahi ko, malayo kina' ama...

Nagpasya akong magpahinga sa isang malagong puno na halos sumayad na sa lupa ang mga tangkay nito. Umupo ako sa isa sa mga sanga nito at napatingin sa malayo. Muling bumalik sa isipan ko ang totoong sitwasyon ko at napangiti na lang ako ng mapait nang maalala ko na naman.

Wala akong kwenta sa kanila, wala!

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. 'Di makakatulong sakin' ang pagiging iyakin.

Huminga ako ng ilang beses at inayos ang sarili.

Tumingala ako sa langit para alamin kung anong oras na. Isa pa ay nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil na rin siguro sa kahinaan ko at sa matuling pagtakbo ko. Muli akong napailing, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng panghihina at pagkagutom. Ito ba ang gusto ni ama, ang maging inutil akong busaw?!

Tsk!

Nagpasya akong tumayo at naglakad-lakad para maghanap ng kahit ano mang hayop para maibsan kahit papaano ang nararamdaman kong gutom.

Malayu-layo na rin ang nalalakad ko nang mapahinto ako. Muli kong sininghut-singhot ang hanging tumatama sa mukha ko at nang makumpirma ko ang iniisip ko'y agad akong nagtago.

Mabilis akong umakyat sa isang mayabong puno. Nang makapwesto akong mabuti ay sinadya kong ilabas ang dila ko't pinahaba ito. Dahan-dahan kong dinilaan ang parte ng katawan kong naaabot ng dila ko, nang sa gayu'y di' nila ako maramdaman at maamoy.

Ito lang naman ang kagandahan na mapabilang ka sa mga maharlikang busaw. May mga bagay-bagay na nagagawa mo at sadyang imposible sa mga ordinaryong busaw.

Di nga nagtagal at naririnig ko na ang kanilang mga yabag. Ang kanilang pag-uusap at paghuli sa isang mabangis na baboy ramo.

Nanatili pa rin akong nag-aabang. Sadyang nilulukob na ng isipan ko at ng nararamdaman ko ang buong pagkatao ko.

Ilang minuto pa ang nakakalipas at naaaninag ko na sila. Pinilit ko silang kilalanin at sa itsura pa lamang ay nakakasiguro akong di' sila taga-Ukbiran.

Mahahaba ang wala sa ayos nilang mga buhok na naghalo na sa balbas nilang umaabot hanggang dibdib. Marungis ang mabalahibong katawan at tanging natatakpan lamang ng saplot na yari sa kung anomang uri ng dahon ay ang maseselang bahagi ng kanilang katawan. Isang hudyat na ang mga nilalang na ito'y di' pa yata nasisilayan ang mundo ng mga mortal.

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon