Althea- 12.

1.9K 95 11
                                    

Di' ho ako snobby' mga bhebes, inuuna ko lang ang mag-update kahit nasa working place ako. For sure naman po'y nababasa ko lahat ang magaganda niyong comments, at maraming salamat diyan! Isang sekreto 'yan para mavotivate niyo ang mga writer (in my own belief ah) Anyways, sa mga kapatid kong muslim readers, Ramadhan Kareem sa'ting lahat, ^___^
.
.
.
.
         Tahimik lamang akong nakasilip sa bintana at iniisip sila ina. Sa totoo lang, gusto ko nang umiyak. Kung ito man ang kapalit sa lahat nang pinaggagawa ko noon... sana, sana naman matapos na. Wala naman akong ginawang masama, naging sobrang bilib lang ako sa sarili ko, ginagawa at sinasabi kung anong nasa isipan ko. Tingin ko' nama'y  hindi kalabisan 'yun para mangyari sakin' ang lahat ng toh'.

Napasilip ako sa may gawing likuran ng bahay. Bigla kasing  may narinig akong mga pagaspas. Pero di' naman ako nababahala, alam kong mga taong-ibon lang ang mga ito.

Hayyy, kailan pa nga ako naglakbay ng malayo? Matagal na rin, nakakamiss tuloy ang lumipad sa kalawakan.

Ngiti ko at muling sumandal sa upuan.

Tinignan ko ang buwan.

Dati pag' nasa Maguellas ako, 'pag wala alonv magawa at gustong mapag-isa eh nakikinig lamang ako sa mga awitin ng mga mortal. Isang kanta lamang ang bumukod tangi sa lahat, 'yun bang tumatak sa puso mo.  Una ko ring narinig ito sa kanya, kay Alexander kaya siguro matatawag ko itong espesyal.

Pumikit ako at inalala ang kantang 'yun, hanggang sa kantahin ko na rin ito nang mahina..

Sumapit man ang dilim...
Hindi mangangamba...
Magkakanlong sa dilim...
Hindi nag-iisa...
Dahil kapiling ka ooh...

Napangiti pako' nang alalahanin kong mga kasunod nito.

Lumalim man ang gabi...
Hindi mahihimbing...
Aabangan ang buwan...
Habang binibilang ang mga bituin...

Pero agad rin akong napadilat nang maisip kong ipinagkasundo pala ako. Hanggang ngayon pala eh di' ko pa siya nakakausap. Saka na, uunahin ko munang malutas ang problema kong ito bago siya.

Tama nga naman si Ben, nakakamit lang ang kasayahan kung mahal mo ang kasama mo.

Kumusta na kaya siya, sana dinggin ng mga Dios ang dalangin ko. Sana ligtas siya saan man siya naroroon ngayon.

Nahinto ako sa pag-iisip sa kanya nang mula sa kinauupuan ko'y kumuha ng atensyon ko ang bahagyang paggalaw ng mga punong kahoy sa gilid ng batis.

Paggalaw na papalapit na nang papalapit sa bahay, hanggang sa napatitig ako sa isang porma ng tao na lumitaw sa sinasabi kong kakahuyan.

Agad akong napatayo.  Magkahalong saya at pag-alala ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil muli ko siyang nakita at pag-alala dahil sa bakit di siya natuloy.

"Ben...?" Tawag ko pa sa kanya pero hindi siya kumibo. Nakatingin lamang sakin' hanggang sa hawakan niya ang kanyang balikat.

Bigla akong kinabahan, may nangyari sa kanya sa daan kaya nakabalik.

Patakbo pakong' bumaba at maingat na naglakad sa maliit na sala ng bahay dahil nakakagawa ako ng ingay sa bawat hakbang ko.

Paglabas ko'y napasinghap ako sa lamig ng hangin. Ang lamig naman, bahagya kong nayakap ang sarili ko habang sinasalubong si Ben na papalapit na rin sa halamang "bakod" ng bahay. Nakatungo lamang siya kaya alam kong may nanggyari sa kanya.

"Ben... Ben..." Tawag ko sa kanya. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko nang huminto siya sa may bungad. "Anong nangyari sa'yo?" nag-aalala kong tanong at ako na mismo ang lumapit sa kanya.

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon