Althea- 13.

1.8K 102 10
                                    

.

.

"Waggg!" sigaw ko pa rin at sa di' inaasahang pagkakataon ay nakapa ulit ang di' kalakihang banga. Parang may bumulong sakin' kung anong dapat kong gawin. "Sige! Sige at nang magkamatayan na tayo ngayon din!" nanginginig ang boses kong sigaw sa kanila at iniamba ang hawak ko.


Natahimik naman ang papasunggab na saking' busaw at nilingon ang kasama nito.

Pinilit ko agad na bumangon pero sadyang kumikirot ang sugat ko. Kahit nasasaktan ako'y pinilit ko pa ring maging mabilis ang kilos ko.

"Gilo, Tata Igno?" tawag ko sa kanila pero walang sumagot. Paatras pa rin akong lumalakad patungong kusina habang nakasunod ang dalawang busaw. "Gilo, Tata Igno!?" pero wala pa rin, tanging mga ugnol ang narinig ko at nang saglit ko itong lingunin ay nagimbal ako sa nakita ko.

Pinagsasaluhan ng dalawang busaw ang katawan ng walang buhay na matanda!

"Uhhhhh.... Grrreeee!" atungal nila na animo'y aagawan ng pagkain.

"He hehe... wala ka nang matatakasan pa..." anas ng nagsisilbing pinuno nila kaya muli akong napabaling sa kanila.

Ang kasama nito'y di' nako' pinansin pa, patakbo na itong sumalo sa mga kasama.

Muling tumulo ang mga luha ko, gusto ko nang sumuko. Ayuko' na pero sadyang gusto pa ring lumaban ng kalooban ko. Napatingin ako sa hawak ko at isang bagay ang agad na pumasok sa isipan ko.

Kung nagiging mortal na ako'y malamang na di' nako' sakop ng bisa ng likidong ito.

Agad kong binuksan ang hawak ko habang biglang umatungal ang kaharap ko.

"Ahhhh.... hindiiii...."

Lalong nabuhayan ako ng loob sa nakita kong reaksyon niya.

"Ngayon, subukan niyo 'kong poagsaluhan!" 'di ko alam, sa labis na takot ko'y nanginginig naman ang buong katawan ko ngayon sa pagiging agresibo. Parang nawalan nako' ng pakiramdam kaya nang mabuksan ko ang banga ay walang salitang ibinuhos ko ito sa sarili ko.

"Ahhhhh...." daing... atungal... sigaw ng mga busaw sa ginawa ko.

Tumigil sila sa pagkain at muling nagsipagtayuan. Isa-isang lumalapit sakin' at nanggigigil na kakalmutin sana ako pero di' naman nila ako mahawakan.

Napangisi ako.

Mabilis nakong' naglakad ng paatras habang hila-hila ko pa rin ang sugatan kong paa. Muli kong sinulyapan si Tata Igno'ng nakabuyangyang na ang walang lamang dibdib at napakagat-labi ako.

Tata... Gusto kong umiyak pero pinigil ko ang sarili ko. Nadamay pa ang matanda dahil sakin'.

Kahit mga mortal sila'y mahalaga pa rin sila sakin'. Ako ang dahilan kung bakit sinapit nila ang kanilang kamatayan.

Mabilis pa rin akong umaatras hanggang marating ko ang pintuan palabas na ng bahay nang mahagip ko na naman ang wala ng buhay na katawan ni Gilo sa may sulok. Wala na ang kaliwa nitong paa at nagkalat ang lamang loob nito habang patuloy pa ring kumakalat ang dugo niya sa paligid.

Nagngingitngit ang kalooban ko.

Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon, isang araw ay ipaghihiganti ko sila!

Muli kong tinignan ang mga busaw na nakasunod lang din sakin' at bigla ko silang sinabuyan ng hawak kong banga. Alam kong wala na itong laman pero ang mumunting talsik na manggagaling dito'y malaking tulong na para sila'y masaktan man lamang.

BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon