Chapter 9: He's got a name *edited*

844 16 2
                                        

"hmm" 

Bakit masyado naman atang komportable yung higa ko ngayon? Ang natatandaan ko eh nahiga ako kanina sa kama na punong puno ng mga matatamis kaya dapat eh may mga maliliit na bagay bagay na dapat nararamdaman ko nang tumutusok tusok sa balat ko ngayon lalo na yung mga plastic wrapped.

Nagpagulong gulong at bumabaluktot baluktot ako sa buong kama. Bat ang lawak naman ata? Parang king size bed na ata to? Saka ano tong nakapatong sa akin ngayon? 

Kinapa kapa ko yung nakabalot sa akin..

Comforter? Wala naman akong natatandaan na  nagkumot ako kanina huh. Saka ang lakas naman ng AC dito. Buti na lang pala nakacomforter ako kundi baka nagyelo na lahat ng pwedeng magyelo.

 "Hayyy" napabuntong hininga ako sa sobrang sarap ng buhay ko dito sa loob ng eskwelahan. May kwarto na nga ako sa bahay ng council meron pa din sa headquarters ng mga bball players. Seriously hindi ko lubos maisip ang laki ng school na to.

 Kung totoong kwarto ko na nga lang sana to eh di hayahay ang buhay kaya lang hindi pwede eh.Supposedly pahingahan lang ang purpose nito at pwede lang pumunta dito in between classes. Kaya sayang di sana libre na ang board and lodging ko at hindi ko na kelangan mangupahan sa isang bulok na apartment. 

 Matapos ang ilang minuto ng pagdedesisyon kung mumulat na ba ako ng mata oh matulog na lang ulit ay nabuo ang konklusyon kong manatili muna sa kama.

 Umayos na ako ng higa at sana'y papatulog na ng makarinig ako ng mga tunog ng naguumpugang tasa at pagdaloy ng tubig.

 Napamulat naman agad ako ng mga mata ko at narealized kong wala ako sa kwarto ko sa headquarters.

 Kulay asul yung kumot ko dito at sa pagkakatanda ko itim ang kulay ng kumot ko sa headquarters.

 Nilibot ko ang mata ko sa paligid at nakitang may mga mamahaling paintings na nakasabit sa mga dingding at may kumikintab na chandelier sa kisame. 

 Hindi lang malaki ang kama kundi higante pati yung comforter ko mukhang mamahalin pa. 

 Napaupo ako ng maayos at napansing may katawan ng lalaki sa di kalayuan sa aking harapan. 

 Nakasuot siya ng school uniform at hindi ko maitatangging matangkad siya. 

 Bumaba ang tingin ko sa damit ko at chineck kung presentable ba akong tignan at unti unting pinlantsa gamit ng palad ko ang mga parteng nagusot. 

 Tumingin uli ako sa kanya. 

 "Hoy!" pagkatawag ko lumingon din sya agad. Kasalukuyan pala siyang nagbubuhos ng mainit na tsaa sa isang maliit na tasa.

 "Gising ka na pala" ngumiti siya pero halatang may halong hiya yun. Teka ako ba ang dahilan? Pero pano naman nangyari yun? Eh ang kapal kapal ng mukha niya pagdating sa akin.

 Binuhat niya ang tray na naglalaman ng white teapot, dalawang tasa, at iba pang mga utensils sa ibabaw.

 Umupo siya sa isang upuan malapit sa kama at ipinatong ang tray sa isang maliit na mesa sa tabi.

 "Inumin mo to. Makakabuti to sayo" iniabot niya sa akin yung maliit na tasa kasabay ng pagtitig ko sa kanya.

 Namumula ang dalawang pisngi niya abot hanggang tenga. Bakit? Napano naman tong lalaking to? Di kaya may lagnat to?

 Ipinatong ko yung kanang kamay ko sa noo niya at yung isa sa sarili kong noo.

 "Medyo may sinat ka ata" sita ko sa kanya pero tumawa lang siya na parang hindi mo aakalaing totoong tawa dahil mukhang alangan pa siya sa ginagawa niya.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERWhere stories live. Discover now