Chapter 27: One Direction in the house! xD

244 5 3
                                        

Okay!!! Ang bilis ko ba? Haha! Here's the student ball pero may kasunod pa itong chapters! Hihi. I'm so happeh dahil maipopost ko na ito.. xD

Ang oh nga pala, dedicated to amodernlove dahil iniencourage niya ako sa story na to. So thank you! Also dedicated to the readers out there na patuloy na sumusuporta, those who add this story to their rl, those na nagvovote, those na nagcocomment, and of course those na nacurious at inopen ang librong ito. Basta kayo nang lahat dyan na nagbabasa nito!

Hindi ko pa rin mapigilang hindi mashock pag nakikita kong tumataas ang reads nito eh and of course pag nakikita kong may nagkakagusto sa story ko na to kahit nag-umpisa ito as simpleng trip lang. xD

Oh gosh, hindi pa ito mag-iend pero kita niyo na ang drama ko na agad. xD

Oh sige na nga, enjoy reading guys. Hope you like my update! :))

--------------------

Hindi ko mapigilang pilitin ang aking sarili na mapamulat agad nang makarinig ako ng musika. Kahit na halos hindi ko maidilat ang aking mga mata sa sobrang antok ay marahan kong ibinukas ang mga iyon. Nakakarinig ako ng mahinang tunog ng isang classical na piyesa na tinutugtog sa malayo. Magaan ang bawat pagtipa sa instrumentong hula ko eh violin kasabay ng tugtog ng piano.

Pansamantala akong napayakap sa aking sarili nang makaramdam ako ng paghaplos ng malamig na hangin. Batid ko ang pagtayo ng aking mga balahibo at nang tuluyan ko nang maibukas ang aking mga mata ay pansamantala akong nasilaw sa liwanag sa aking harapan. Napapikit akong muli at muling binuksan ang mga iyon nang makaupo ako ng maayos.

Nanggagaling ang liwang sa loob at nang igala ko ang aking mga mata ay napansin kong asa veranda ako. Nababalutan ng maliliit na puting ilaw ang pasamano. Napatitig ako sa tabi ko at nagulat ako nang makita kung ano ang andun.

"Anong ginagawa nito dito?" usal ko at napaharap doon pero agad din akong humawak sa gilid ng mesa ng makaramdam ako ng hilo. Sa tabi ko ay isang mesa na may nakapatong na isang bote ng wine sa ibabaw at isang kupita.

Mukhang nagamit ang baso dahil may ilang tirang pulang likido doon. Paunti akong tumayo at nilibot ang veranda. Paano ako napunta dito?

Ang huli kong natatandaan ay..

Si Ven! Napaigtad ako at muling nilingon ang pintuan papasok. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo roon. Nang sa wakas ay makatuntong ako sa loob ay lalong lumakas ang musika na kanina ko pa naririnig.

Humawak ako sa pahabang railings at inumpisahan kong galugarin ng paningin ang buong lugar. May ilang kumikinang na chandeliers sa kisame. May mga royal pink na nag-a-accentuate ng railings na nakapaligid sa second floor ng auditorium. Maraming tao ang nakasuot ng mga naggagandahang damit at ang iba ay nagsasayawan, yung iba naman ay nanonood lang o di kaya'y nagkukwentuhan.

Confirmed. Andito ako sa student ball. Pero paano naman ako napunta dito sa veranda??

Inumpisahan kong lumakad at bumaba sa mataas na hagdan at dahil doon hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang babae at lalaki na magkasama at naglalandian sa gilid. Kung hindi lang dahil may hinahanap ako makakatikim ng detention ang mga to. Pero sino bang niloko ko? Allowed ang mga ganito sa ganitong okasyon as long as hindi sila nagsisihubaran dito.

Pagkababa ko ay hindi ko mapigilang makafeel ng slight awkwardness sa paligid. Well, sino bang hindi makakaramdam nun kung nakatingin lang naman sila sayo? Pero hindi ko na lang iyon masyadong pinansin at nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang mga taong nakapaligid sa akin.

Napahinto ako sa tapat ng tumutugtog na orchestra at muntik pa akong mapatalon nang may maramdaman akong humawak sa aking pulso. Nilingon ko ang pinanggalingan nun at nakita ang isang matangkad na lalaking nakaitim na suit at may kalahating maskarang kulay itim na may gold glitters sa paligid nito na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERWhere stories live. Discover now