Chapter 1

4.6K 135 5
                                    

Ylissa Ellaine Yu's P.O.V

Ugh! Ayokong magpakasal! Ayoko!

"Ellaine, Listen to me! Sayo nakasalalay ang mamanahin mo dito! Kapag ikinasal ka ng Gordiano ay sigurado na ang future mo!" Pag-gigiit ni Mama. Umiling ako. No way! Hindi ako magpapakasal sa lalaking yun! Babaero na, manyakis pa!

"Ma! Ayoko sa kanya! He's a pervert! And ayoko ng perverts!" Matigas na sabi ko. Napahinga si Mama ng malalim.

"He's not a pervert, dear. He's just like your Dad! Mabait, maalaga at gwapo." Sabi ni Mama. Umiling ako.

"He's a total Playboy! Lahat ng sasabihin niya may kabastusan! Nakakainis siya!" Sabi ko at tumayo na. "If you're going to push him on me, Mom... Lalayas ako dito! Mark my words!" Sabi ko at patakbong Umakyat ng hagdan para magpunta sa kwarto ko. I'm only 24 years old. I just want to live my life to the fullest. At gusto ko ako mamimili ng mapapangasawa ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Carlie.

"Yow, Beh! Napatawag ang beauty mo?"

"Hay nako, Carlie! Guess what! Gusto akong ipakasal ni Mama kay Gordiano!" pagkukwento ko. Nakarinig ako ng pagtawa.

"Di nga? Wahahaha! Magiging Rifranze ka na! Congrats!" Tignan mo 'to! Nang-asar pa.

"Its not funny, Carlie! Alam mo naman na ayaw ko yung lalaking yun! Ayoko ng babaero!" Sabi ko. Tumawa ulit sya.

"Ano gusto mo? Bakla? Anong say ng Dad mo?" Napabuntong hininga ako.

"Wala si Papa kaya pinipilit ako ni Mama. Naiinis ako, Carlie! Kapag ipinilit pa sakin ni Mama si Gordiano! Maglalayas ako!" Sabi ko.

"Yan! Good! Very good! Haha! Sige na, Beh! Nandito ang Fiancée ko! Lets see each other next time!" Aysus! Dumating lang ang Fiancée niya, nagmamadali na! Mas matanda ako sa kanya ng 1 year, but siya ikakasal na! Hay!

"Okay fine! Bye! Ingat ahh! Wag isusuko ang bataan!" Sabi ko. Narinig ko naman na tumawa siya.

"Matagal ko ng isinuko sa kanya, kaya nga papakasal niya ako!" Ayy! Anak ng!

"CARLIE!" sigaw ko. Tumawa ulit siya. Tapos biglang tumahimik. Narinig ko naman ang pag-'ehem' ng isang lalaki. Ayy, eto na yung Fiancée ni Carlie na si Jerrald.

"That's a joke, Issa! Alam mo naman ang bestfriend mo, may sayad minsan! Takot ko na lang sayo kapag ginawa ko yun!" Pag-aasure ni Jerrald. Napangiti ako. Masunurin 'to sakin ehh. Magkasing edad lang sila ni Carlie, pero mas matanda si Carlie ng 2 months sa kanya.

"Good! Sige na! Take care of her! Bye!" paalam ko sa kanila. Narinig ko na naman ang tawa ni Carlie. Baliw talaga.

"Bye!" Sabay nilang sabi at binaba na ang tawag. May tiwala ako kay Jerrald na gagawin niya yung sinabi niya. Nagagawa naman niya lahat ng pinagawa ko sa kanya. Actually ako ang nagpahirap sa kanya bago siya sagutin ni Carlie. Si Carlie kasi hindi siya yung makilatis ehh, mabilis magtiwala pero si Jerrald ang first boyfriend niya.

"Sana magkaroon ako ng kakaibang lovelife!" malakas na sabi ko at humiga sa kama ko. Hay...

Franco Ruiz Lorenzo's P.O.V

Haru jusko nemen! Haggardo Versoza ang peg ko! Ang daming costumer ni Madame!

"Um, Excuse me Mr. Franco." May merlat na lumalabas ang kaluluwa! Ayy jusko patawarin! I want to throw up! Grabe! Ganitey na ba kalibirated ang mga babae ngayon?

"Yes, Ma'am?" Magalang na tanong ko. Ugh!! Nasusuka akeshi! Nag beautiful eyes si ateng! Endure, endure!

"Umm... Saan ang restroom? Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya. Gusto kong umiyak! Kasi wala akembang na nakitang staff ko na magdadala sa merlat na itey.

In-LABabo With Mr. GAY Manager!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon