Chapter 4

3K 112 6
                                    

Franco Ruiz Lorenzo's P.O.V

Kanina ko pa inaantay yung merlat na yun. Bakit ba ang tagal niyang umuwi. Kanina pa aketch pabalik balik sa paglalakad. Dehins lang lang aketch ininform kung where na siya. Pero nagulat na lang aketch ng may magdoorbell. Dali dali naman akembang nagbukas sa pagaakalang si Ylissa ang nasa pintuan pero nagulat aketch ng salubungin ako ng yakap ni Josh. Anyare?

"Franco, may dahilan na ako para hindi pakasalan si Nicole." Sabi ni Josh. May tuwa sa boses niya. Pinakawalan din niya aketch kaagad. Halos mapunit naman ang ngiti ni Josh.

"Really? Pero bakit mo naman aayawan pakasalan ang merlat na 'yon? Mabait naman ahh." Sabi ko. Yung ngiti niya napalitan ng lungkot. Pero bago pa man makasagot si Josh ay narinig kong tumunog yung elevator kaya napasilip ako.

"Ylissa, sa susunod wag ka ng iinom." Medyo pamilyar yung boses nung hombre. Napakunot noo ako ng makitang lungayngay na ang merlat na yon! Na sight kong tumawa ang merlat.

"Mesherep keyeng mag nomnom! Haha!" Sabi nito habang tumatawa. Napairap na lang ako at lumabas para salubungin ang merlat.

"Hey, where did you go?" Tanong ko sa babae. Hindi ko pinansin yung lalaking itey. dehins ko siya bet. Kaazar. Napatingin si Ylissa sakin. Medyo mapungay na ang mga mata dahil sa kalasingan.

"Uyy! Nandyan ka pala? Kasama mo na rin pala si boyfie mo! Hehehe! Edi masaya na siya, uyy! Hahaha!" Sabi niya habang tumatawa. Napailing na lang aketch bago kargahin ang manang. Tila pa nagulat yung lalaki. Wala akong pake sa kanya. Pwe! Tinalikuran ko na siya, baka kasi magwala yung kamao ko at dumapo sa mukha niya. May hitsura pa naman.

"Where are you going to take her?" Tanong nung guy. Napairap naman ako bago tumingin sa kanya. Nakakunot noo ito.

"To my unit." Sabi ko at tinignan ko ang merlat na nakasandal na sa dibdib ko bago ulit dun sa guy. "She trust me na wala akong gagawin sa kanya. Dyan ka na." Sabi ko tapos ipinasok ko sa unit ko si Ylissa. Tinignan ko muna si Josh na seryosong nakatingin sakin. Problema nito?

"Bukas na lang tayo mag-usap, Josh." Sabi ko at isinara ko na yung pinto. Hay, nako! Saan ba nagsusuot ang babaeng itey? Amoy alak! Inihiga ko siya sa kama ko.

"Hmm..." umayos siya ng higa. Naka-uniform pa ang babaeng itey. Kumuha ako ng bimpo sa cabinet ko at kumuha din ako ng palangganita. Nilagyan ko ng malamig na tubig yung palangganita at itinabi ko sa side table. Pinunasan ko ang babaeng 'to. napatingin naman ako sa Mukha niya.

Bahagyang nakabuka ang mga labi niya. Hindi ko namalayan na napakagat ako ng ibabang labi ko.

*dug*dug*dug*

Ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Parang, kakaiba. Oo kakaiba naman talaga ehh. Dehins ko pa 'to naramdaman kay Josh kapag titingin ako sa mukha niya. Oh may gash! Di kaya may sakit ako sa bato? --este sa puso?

"Hmm.." napaside view siya ng higa at nakaharap sakin.

*dug*dug*dug*

Ano ba 'tong nararamdaman ko? It started to happen nung nagpunta kaming dalawa ni Ylissa sa tabing dagat.

*Flashback*

Parehas na day-off namin ni Ylissa. Bawat isang linggo, may day-off kaming isang araw. At napagdisisyunan namin na magpunta sa tabing dagat na malapit sa condo unit na tinnirahan namin. Magkatabi lang ang unit naming dalawa at dehins ko inaasahan 'yon.

"So, this past few days naging close din tayo." Sabi ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Eto na rin ba ang treat mo sakin sa pag-iwan mo sakin sa Front desk at harapin ang 'Fiancèe' mong warfreak?" Tanong niya. Nailagay ko ang kamay ko sa baba ko. Yung index finger at thumb na nakahawak sa baba ko. Yung parang nagiisip ganun.

In-LABabo With Mr. GAY Manager!Where stories live. Discover now