Epilogue

4.3K 152 27
                                    

Ylissa Ellaine Yu's P.O.V

Nakauwi na kami ni Franco sa unit namin. Wala pa rin sila Daddy. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at magkasabay na pumasok sa Condo. Naguusap pa rin kami hanggang sa matapat na ako sa Condo Unit ko.

"Bukas, Ylissa. Sasabuhin ko sayo ang mapaguusapan namin ni Josh later." Sabi niya sakin. Ngumiti lang ako tapos pinisil ko ang kamay niya.

"Kung ano man ang desisyon mo, I hope that will make you happy." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.

"Of course, Thank you girl for being there for me." Sabi niya sakin. Pininch ko ang pisngi niya.

"Wala yun, Bakla!" Sabi ko sa kanya. Babawiin mo na sana yung kamay ko ng maramdaman kong humigpit ang kapit niya sakin.

"Basta, bukas Ylissa ahh." Sabi niya. Tumango ako.

"Opo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Napakurap ako ng sunod-sunod.

"I want you to know my decision." Sabi niya sakin at hinalikan niya ako sa ulo ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. Nakakainis! Naiiyak na naman ako. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Pinakawalan niya ako mula sa yakap niya kaya agad akong napayuko. "Are you okay, Ylissa?" Tanong niya. Tumango ako at pasimpleng nagpahid ng luha tapos tsaka ako tumingin sa kanya.

"Yes! Oo naman! Magpaganda ka para kapag nagusap kayo ni Josh ay maganda ka." Sabi ko sa kanya. Masayang ngumiti sa kanya. Niyakap ko siya. This time humigpit ang yakap ko sa kaniya. "I'm happy that I got to know you Franco, sana may second chance pang mayakap kita ng ganito." Bulong ko.

"Ylissa, may sinasabi ka?" Tanong niya. Mahinang tumawa naman ako at tumingin sa kanya.

"Wala. Sabi ko, galingan mong i-seduce si Josh." Sabi ko sa kanya. Pinisil naman niya ang ilong ko habang nakangiti.

"Ayy! Ikaw talaga ateng!" Sabi niya. Napangiti lang ako. Mamimiss ko talaga ang baklang 'to. Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya. Napahawak rin siya dun pisnging hinalika ko. Natawa naman ako.

"Para kang tinuka ng ahas. Ikaw talaga. Sige na bakla! Puntahan mo na si Josh mo!" Sabi ko at itinulak siya papunta sa unit ni Josh. Pero parang tuod na ewan si Franco. "Earth to Franco?" Tawag pansin ko. Tumingin siya sakin na tulala pa rin.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong niya. ngumiti ako.

"Sort of... Thanks." Sabi ko sa kanya. And good bye na rin. Tumango siya. Pero imbis na sa Unit ni Josh siya magpunta ay nagpunta siya sa unit niya. Tulala pa rin ang bakla. Anong nangyari dun?

"Sige, later na lang. Kita kits Ylissa." Sabi niya na parang robot. Nakahawak pa rin siya sa pisngi na hinalikan ko. Pagkasara ng pinto ng Unit ni Franco ay nakangiting napailing ako sa kanya. Weird na bakla.

Pumasok na rin ako sa unit ko at nagimpake na. Onti lang naman ang gamit na dala ko. So madali na lang 'to. Huminga ako ng malalim pagkatapos mag-impake ng gamit ko. Dinala ko ang gamit ko sa sala at napaikot ang ang tingin ko sa condo unit na 'to. Dito ko nakakulitan si Franco, dito ko nakilala ng maiigi si Franco, nakatawanan, nakaiyakan at dito ko rin lalong minahal si Franco. Napaluha ako. Hinding hindi ko makakalimutan si Franco. May kinuha akong Box mula sa mga gamit ko at inilabas ang laman nun. Its a simple chain necklace. Ibibigay ko 'to dapat kay Franco. Binili ko 'to ng makuha ko yung First Salary ko. Bagay sa kanya ehh. Napangiti ako. Makikiusap na lanh siguro ako kay Carlie para ibigay 'tong necklace na 'to sa kanya.

*tok*tok*

Napatingin ako sa pinto, sila Mommy na ata 'to. Lumapit ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko si Daddy at Mommy at ilang bodyguards nila.

In-LABabo With Mr. GAY Manager!Where stories live. Discover now