Chapter 1

4.8K 51 21
                                    

Introduction

Minsan hindi ka naman talaga naro-wrongsend eh. Sinasadya mo lang kasi nami-miss mo siya o kaya naman siya talaga ang iniisip mo habang may katext ka. Tama ba?

Sabi nga, there are different ways of expressing our love to someone. Nasa atin nalang kung anong gagamitin nating paraan para doon. At sa kwentong ito, ano kaya ang magiging malaking role ng tinatawag nating WRONG SEND para maisakatuparan at matuklasan ang kwentong pag-iibigan ng ating mga bida!

Hope you'll enjoy reading it! Thank you!

____

CLAIRE POV

Hi! Bigyan niyo ko ng pagkakataong ipakilala ang sarili ko, ako pala si Claire Gomez. A college freshman. Sabi nila, hindi naman daw ako pangit, hindi din sobrang ganda, sapat lang kung baga at sa madaling sabi ay "CUTE"

Oo, aminado silang cute ako pero hindi ko masyadong iniintindi yun, wala kasi akong panahon sa mga ganoong usapin.

Madaming nagtatanong kung bakit never pa daw ako nagka-boyfriend at lagi ko nalang silang iniignora and I immediately change the topic.

Bakit nga ba? Ewan ko ba! Siguro kasi naniniwala akong dadating din ang taong para sa akin. Yung taong ibibigay sa akin ni Papa God. Yung taong magiging deserving para sa pagmamahal ko. Pamilyar ka ba sa ganiyan linya? Well, isa kasi ako sa mga nabubuhay sa paniniwalang iyan. Wala naman sigurong masama.

Madami ng nanligaw sa akin, totoo yun. Pero wala ni isa sa mga iyon ang sinagot ko, sa madaling sabi ay basted. To think na almost 3/4 sa mga nagtangkang mabingwit ang matamis kong oo ay crush ko pa.

Month of June, I met a guy whose name is Axel Cruz. A tall , dark and not so handsome guy - not so handsome para safe - Aminado akong malakas ang appeal nito.

Nameet ko ito sa birthday ng bestfriend ko. Classmate kasi nito si Axel. Naalala ko pa nga, sa unang pagkakataon na narecognize ng mata ko si Axel ay parang wala lang ito sa akin. Kung baga parang ordinaryong tao lang na araw araw kong naeengkwentro. At dahil birthday nga ang dahilan kung bakit nagkasama sama kami, hindi siyempre mawawala ang inuman. Oo, may inuman pero audience lang ako. Nakatikim naman na ako ng alak pero isang beses lang. Hindi ko na inulit, hindi ko feel ang lasa at hindi din matanggap ng aking sistema.

Mayamaya, nakaramdam ako ng pagkabored. Hindi naman kasi ako makarelate sa usapan ng mga kasama ko, halos lahat about engineering o di kaya naman sa plate na di ko naman maintindihan. Halos lahat kasi ng bisita, classmate ng bestfriend ko. Yung iba naman naming kaibigan, kung hindi architecture o engineering ang course eh drafting naman. Kaya ang drama, bukod sa boredom eh out of place pa ko. But of course, I won't let this happen. Bisita din kaya ako.

Sakto namang napakadako ang tingin ko sa ilalim ng center table. May nakita akong cards. Naisip kong ayain silang maglaro. Tapos siyempre, dapat may thrill. Kasi baka mamaya, maaya ko nga sila pero di naman sila sumali. Edi useless lang.

"Guys, stop that conversation please. Bukod po kasi sa audience lang ako ng inuman niyo eh hindi naman po ako makarelate sa pinag-uusapan niyo. Can you at least do me a favor? Let's play a game nalang. At least, if all of us were playing wala ng magseselfpity na gaya ko," singit ko sa papalawig na usapan nila. Feeling ko naman di pa sila lasing kasi alam pa nila ang ginagawa nila. So, makakapaglaro pa kami ng maayos.

"Anong laro naman?" tanong sa akin ni Axel.

"123 pass! Eto oh may cards akong hawak," yung ini-expect kong pag-agree nila, ayan at nagtawanan pa sila.

"That's boring. Mas masarap pang pagkuwentuhan yung mga professor na walang ibang ginawa kundi mambagsak ng mga inosenteng estudyante na nangangarap maging inhenyero," ani Jade - yung best friend ko.

WRONG SEND (For editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ