Chapter 2

1.5K 29 4
                                    

-------------

Si Axel naman po ang

nasa Multimedia tab :)

-------------

Graduate na kami ni Axel ng college. He's still a friend. Kilala na nga ito nang pamilya ko ganun din naman ako sa pamilya nito. Naging close pa nga ang pamilya namin dahil sa aming friendship. Sa ilang taon naming mag kaibigan, mas naging close at solid ang pinagsamahan namin. Halos alam na nga nito ang lahat ng secret ko pwera syempre sa feelings ko for him. Sa aming mag babarkada, kaming dalawa ang madalas na itukso sa isa't isa. Masaya na ko sa takbo ng pagsasama namin. Gustuhin ko mang maging higit dun pero natatakot ako. Actually mas natatakot akong layuan ako nito once na malaman nitong may espesyal akong pagtingin para dito.

Nasa bahay ako nila Gina nang araw na 'to. Nagkukwentuhan lang kami.

"Claire, di mo pa rin ba sinasabi kay Axel?" out of nowhere na tanong sa akin ni Gina habang nakatambay sa terrace nila.

"Ano ka ba naman. Hindi na nya kailangan pang malaman," sagot ko sa tanong nito. Sabagay, ilang taon na nga naman ang itinagal ng feelings ko para dito. Kung baga sa hamon, baka inaamag na sa sobrang tagal ng pagkakaburo. Imagine, graduate na kami lahat lahat ay nandito pa din ang feelings na ito. To think na ang akala kong simpleng paghanga lang para dito ay hindi ko inaasahang lalalim at lalalim pa pala sa paglipas ng mga araw.

"Ano ka! Kailangan nya pa ding malaman yun noh!" giit naman ni Jade. Sa tutuusin, makailang beses ng nagtangka si Jade na sabihin iyon kay Axel pero napipigilan ko naman ito. Sa huli ay sumusuko din ito at sinasabi nalang na nirerespeto nito ang desisyon ko.

"Kuntento na ko, saka crush ko lang naman yung tao eh."

"Sigurado kang crush lang? Alam mo girl sabi nila kapag nag exceed daw ang crush sa 3 o 4 na buwan LOVE na daw yun!" anito. Talagang pinagbasehan nito ang mga kasabihan sa RD. Sabagay, tama nga naman ito.

"Pati dun naniniwala ka? Sira ka talaga," nakangising sabi ko naman dito.

"Oo yun. Halata naman sayo eh! Saka ano ba? Mas maganda kung higit pa sa friendship ang maging relasyon niyong dalawa!"

Minsan talaga, hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi dahil sa binigyan ako ng kaibigang katulad ni Jade. Mula pa kasi simula, halata na sa isang ito na bet na bet nito si Axel para sa akin.

"Kuntento na ko," nakangiting sabi ko. Umikot naman ang mga mata nito sa sinabi ko.

"Hay nako, hanggang kelan mo papatagalin yan? Ilang taon mo na syang tinatangi ah! Mas ako ang naeexcite sa inyo eh."

"Basta masaya na ko."

"Eh pano kung isang araw may ipakilala sya sayong babae na nililigawan nya o sabihin na nating girlfriend nya na pala. Anong gagawin o magiging reaksyon mo? Masaya ka pa din kaya?"

Natigilan ako sa sinabi ni Gina. Ano nga bang magiging pakiramdam at reaksyon ko kapag dumating sa puntong ganoon na nga ang sitwasyon? Eh basta masaya naman ako eh.

Nako, baka naman kasi masaya ka lang kasi sa ngayon nasa iyo pa ang atensiyon niya at alam mong single siya! sabi ng kung saan na namang bahagi ng utak ko.

Mula ng maging magkaibigan kami, never kong narinig o nalaman na may nililigawan o girlfriend si Axel. Regarding kay Cynthia, wala na iyon at tinantanan na ito ni Axel. Higit sa lahat hindi ko din alam ang dahilan ng break up nito sa mga past gf nito. Hindi naman daw kasi ako makakarelate. Ayos di ba?

Nagtatrabaho ako ngayon sa aming munisipyo. Ako ang taga-check ng mga records at tagahanap ng birth certificates, death certificates at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung bakit ito ang napasok kong trabaho gayong A.B Journalism ang natapos kong kurso. Pero okay na ko dito. Hindi ganoon kabigat ang trabaho.

WRONG SEND (For editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora