Chapter 4

1K 29 7
                                    

It's Axel, the one who knocked the door.

"Oh, hi!" masiglang bati ko kay Axel pagkakita dito.

"Hi, Claire."

"Pasok ka," aya ko dito. Pumasok na nga ito at nang makalapit kay Mommy ay nagbeso sila at nagkamustahan.

Maya-maya umalis na din si Mommy at pumasok na sa kuwarto nito.

"Tagal mong di nagpakita," ani ko at umupo sa tabi ni Axel.

"Well, I was just busy this past few days."

"Yeah. That is too obvious."

"Oo nga pala, pinapaabot ni Cindy," anito at iniabot sa akin ang isang invitation card na kanina pa nito hawak. Kinuha ko naman iyon at binasa.

"Her debut?"

"Yeah, she told me to invite you. She really wants you to be there."

Napangiti ako sa huling sinabi ni Axel. Na-miss ko tuloy bigla si Cindy. Ang kulit din ng isang iyon eh.

"Pakisabi sa kanya. Salamat," nakangiting sabi ko at tumango naman ito.

"Oo nga pala. Ano ba iyong sinasabi mo sa text noong nakaraan?" pag-iiba nito sa usapan.

"Ha?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang tinutukoy nito.

"Ah, siguro nga na-wrongsend ka lang nga."

"Teka,wait. Ano ba yung sinabi ko sa text?"

"You're congratulating me for having that so called -"

Napapitik naman ako bigla at natampal si Axel sa balikat nang maalala iyon. Hindi na tuloy nito naituloy ang sasabihin dahil sa ginawa ko.

"Ah! That was just a joke," aniko at hindi ko napigilan ang sarili kong mapahalakhak. Grabe, halatang sineryoso ni Axel yung text ko.

"Ang dami mo talagang alam," anito at akmang babatukan ako. Mabilis akong nakaiwas at lumipat sa kabilang sofa.

"Eh paano! Tini-text kita, hindi ka naman nagreply. Tapos tinawagan nalang kita. May sumagot nga eh!" paliwanag ko. Napakunot noo na naman tuloy si Axel sa pagtataka at ako? Tawa lang ulit ng tawa.

"Huwag ka ngang tumawa! Imposibleng may sumagot sa cellphone ko, lowbat kaya yun nung mga oras na yun!"

"Basta ang sabi nya... The number you have dial is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.. The number you have dial is either unattended or out of coverage area. Please try your call later... TUT-TUT-TUT!!!" dire-diretsong sabi ko at ginaya ang boses ng network operator even the beep.

Pagkarinig sa sinabi ko ay tumayo si Axel at lumapit sa akin. Binatukan pa ako ng wala sa oras ng isang ito. Pasalamat ito, mahal ko siya.

"Aray ! That's hurt you know!" eksaheradang sabi ko habang nakahawak sa parte ng ulo kong kinaltukan nito.

"Maloko ka talaga! Napaisip ako sa text mong yun ah," mahinang sabi nito at umupo sa tabi ko. Tahimik lang na napatingin si Axel sa kung saan. Halatang nagtatampo ito. Yayks. Ano ba itong nagawa ko?

"Sorry na," sabi ko at sumiksik dito. Idinantay ko ang kamay ko sa braso ni Axel at sumandal sa balikat nito.

"Ano nga ba ang sasabihin mo?" tanong nito maya-maya pagkatapos humugot ng buntong hininga.

"About Gina and Mike," sabi ko at nakasandal pa din sa balikat nito.

"What about them?" tanong nito sa akin at ramdam kong tumingin sa akin si Axel.

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now