Chapter 1

69.7K 471 3
                                    

Therese

"Good morning Ma'am!" Bati sakin ng mga empleyado kong nakakasalubong papasok sa opisina.

"Good morning!" masigla ko din bati sabay ngiti.

Halos mapunit ang bibig ko kakangiti at kababati bago ko makarating sa office ko. Mahirap kasi baka masabihan akong suplada.

"Good morning John!" Bati ko sa secretary ko. Oo, lalake ang secretary ko wala namang masama diba? And beside napaka galing at napaka efficient niyang sekretarya.

"Good morning ma'am Therese!" bati naman ni John sabay tayo at kinuha ang planner at sumunod sakin sa loob ng office ko.

"So ano schedule ko for today?" Ng unat unat muna ko bago umupo sa swivel chair ko. Panigurado siksik nanaman schedule ko ngyon.hayy! Life!

Binuklat naman ni John ang kanyang planner at binasa. Hinanda ko na sarili ko dahil malamng sa malamang wala nanamang pahingahan to.

"10:00am po kayo with Mr. & Mrs. De Guzman- wedding anniversary po".

"1:00pm naman po kay Mrs. Tan para sa Debut ng anak niya".

"3:00pm kay Ms. Gonzales for her birthday"

"5:00pm Mr. De Vera for a surprise birthday and wedding proposal po". pabulong na sabi ni john.

Natawa naman ako.baliw din to minsan e. Pero parang naexcite ako sa isang un . A surprise birthday and a proposal? Wow!

"Okay ka lang maam?" tannong ni john.

"Yah! Yah! I'm okay! Go on meron pa ba?" Basag trip.

"Yes ma'am 8:00pm kay Mr & Mrs Eldridge . Company anniversary and party para sa pag tatake over daw ni Mr.Eldridge sa company nila".

Nagulat ako sa huling sinabi ni John Mr. Richard Eldridge is one of our VIP clients.nakilala ko siya sa US noong ngtratrabaho pa ko bilang isang receptionist sa isang hotel.naging mabait sakin and matanda at maging asawa nitong isa ding Filipina. katunayan ng nalaman ng mg asawang aalis na siya sa trabaho at babalik na ng Pilipinas ay nalungkot sila.

Pero naintindihan naman daw nila ang pakiramdam ng di mo nakakasama ang pamilya mo asa malayo.kaya naman ilang araw bago ang flight ko pabalik ng Pilipinas ay inaya nila akong mg dinner na malugod ko namang tinanggap. napaka bait ng magasawang un. Matagal na din muna ng huli ko silang nakita.

Naging sobrang busy din kasi ako dito sa Lavender kaya di ko sila mabisita noong bumalik na ako dito sa Pilipinas. Malamang ay ganun din sila.mejo nagulat din ako noong nalaman kong sila pala ang may ari ng Eldridge Hotel and Resort Groups, Hotel, Resort,Condos at pinasok na din nila pati Malls isa ito sa mga na sikat na sikat na kumpanya dilang dito kunti pati abroad.
Mejo na excite din tuloy ako para mamaya.

"Mag reretire na pla si Mr. Eldridge? Sino kayang papalit? Ang bata pa ni Troy at Sofie para magpatakbo ng kompanya nila?" Nacurious tuloy ako. alam ko bata pa ang panganay ni Mr. Eldridge at ang bunso ay babae.

Hottest Bachelors Club Book #1- Rafael Greg EldridgeWhere stories live. Discover now