Chapter 19

31.8K 194 9
                                    

Party

Therese

I am now getting ready for the party. Alas quatro na ng hapon at ala sais ng gabi gaganapin ang party dito sa ballroom ng Sofiel hotel.

ang balak ko sana ay ako nalang ang magaayos sa sarili ko. Pero nagpatawag pala si Greg ng mga professional hair and makeup artist na kakilala ng mommy niya.

Kaya ngayon sinisumulan na nila akong ayusan. Inuunat nila ang buhok ko at nakarobe lang ko.

Kung tatanungin niyo si Greg ay asa kwarto pa, kanina kasi pagkatapos kong maligo ay sumunod naman siya.

Paglabas nito ay hindi ko pa rin siya pinapansin kuntodo pa cute pa naman ito.

Naawa lang ako sa kanya dahil napansin kong my maliit na bukol siya sa noo , dahil siguro sa magtama ng pinto sa mukha niya kaninang sinara ko iyon bigla.

Nilapatan ko iyon ng yelo para mawala na mamaya. At doon na nga dumating mga mga HMUA na pinatawag niya.

"Naku ma'am ang ganda ganda niyo po, hindi kami mahihirapan ayusan ka , natural na kasi kayong maganda". Sabi ng make-up artist.

"Truth si bakla ma'am Therese, konting ayos lang ang need pak! Dyosa na ang labas!" Sabi naman ng hair stylist

"Naku! Sige malaki tip niyo saakin ,lakas niyo mambola e" biro ko at natawa.

"Hindi kaya ma'am totoo po iyong sinasabi namin no walang halong echos!" sabi muli ng makeup artist.

"tomo ulit si bakla madam! Maganda na mabait pa! Saan ka pa? Ang swerte ni sir Greg sayo ma'am!" Si hair stylist

"Oo, sa lahat ng mga na link kay sir Greg noon ikaw ang pinaka bet namin ma'am Therese" MU artist

"Haha oo nga bakla, lam mo ba inis na inis ako sa mga iyon noon, ang aarte kala mo ang gaganda mga hipon naman! Lalo na si Margaux ba iyon?" Hair stylist.

Tahimik na nakikinig lang ako sa kanila habang nagusap.

"Oo ung malaking susang?Kay arte noon! buti wala na sila ni sir mas bet ko pa noon si Megan eh---" natigilan ang makeup artist at pinanlakihan siya ng mata ng kasama niya.

Natahimik silang pareho.

"S-sino si Megan?" Tanong ko parang may kakaiba sa pakiramdam ko kaya gusto kong malaman kung sino ito.

Hottest Bachelors Club Book #1- Rafael Greg EldridgeWhere stories live. Discover now