Chapter 21

26.2K 228 18
                                    

The Ex

Therese

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Akalain niyo malapit na kaming mag iisang taon na kami ni Greg?

And I'm so excited! Balak ko siyang i surprise sa araw na iyon. Pambawi na din dahil maging mas busy ako sa trabaho noong nagbalik ako makalipas ang mahabang bakasyon.

May mga plano na ako pero tska ko na muna iisipin lahat ng iyon. For now work muna ang focus ko.

Nagsimula na ako sa trabaho ko ng may kumatok sa pinto.

"Pasok! sabi ko sa kung sino man ang kumatok.

Bumukas ang pinto at sumilip doon si John.

"Maam, andito na po iyong next na ka-meeting niyo papasukin ko na ba po?"

" Yes please, thank you John." pagkasabi ay binalik ko ang tingin sa laptop ko.

Saglit nawala si John pero ilang saglit pa ay bumalik din ito at deretso sila sang pumasok sa loob ng office ko.

Inihanda ko naman ang sarili ko para sana magalang na bati sa kararating.

"Maam this is Mr. Sy po".  Doon na ako ng angat ng tingin.

Ang inihanda kong ngiti na para sana sa pagbati ko ay unti unting nawala at napalitan ng hindi maipaliwanag na emosyon.

"excuse me po sa labas lang po ako if you need anything". sabi ni John. Ni hindi na nga niya ako na hintay magsalita at tuluyan na itong lumabas ng opisina ko.

Nanatili ako sa ganoong pwesto. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"T-Therese---" sabi ng lalaki sa harap ko.

I swallowed hard bago kinalma ang sarili ko at pekeng ngumiti.

"P-please... ha-ve a sit Kelv-- ahm Mr. Sy." Ang lakas ng kabong ng puso ko, malamang hindi ko lang talaga inaasahan na pagkikita namin ngayon.

umupo naman ito sa may visitor's chair sa tapat ko.

"ahh? You want anything before we star our meeting? Or gusto mo sa may couch area tayo magusap para mas komportable ka?" natataranta ako. Hindi ako ready sa sandaling ito.

"No its okay I'm fine here" ngumiti ito.

Pinagpasalamat ko naman at kahit papaano ay nabawasan na ang tabog ng puso ko. I need to act normal and professional kahit ang awkward awkward na ng sitwasyon ko ngayon.

*like hello! Kaharap ko lang naman ang Ex ko ngayon na sinaktan ako ng todo!*

Sa dinami dami kasi ng Mr. and Ms. Sy sa mundo e hindi na ako nag abala pang alamin mula kay John ang mga details ng client na i memeet ko ngayon.

"So? How may i help you Mr. Sy? You want me to plan your? What? wedding?" kaswal kong tanong.

Ngumiti naman ito saakin.

"No, 18th birthday kasi ng sister ko. And she really wanted na ikaw ang personal na mag handle ng party niya. Super fan mo siya. Actually dapat kasama ko siya ngayon pero may pasok kasi siya so ako nalang ang nakapunta" Saad niya.

Hottest Bachelors Club Book #1- Rafael Greg EldridgeWhere stories live. Discover now