22."FINALE"

14.9K 313 125
                                    

Last Chapter na po ^^..



8 Months Later . . .

[WEISURY'S POV]

Ilang buwan ang nakalipas mula nang mawala si Abby. Ilang araw mula nang mamatay 'sya ay nasunog ang bahay namen. Sabi nila kagagawan daw yun nang Mama ni Abby. Halos mabiyak ang puso ko habang nakatingin sa bahay nameng tinutupok nang apoy. Halos wala kameng gamit na naisalba.

Sa bahay na yun na ako lumaki at naging parte na din yun nang buhay ko nang dahil kay Kahel. Ang unang nilalang na minahal ko. Huling pag kikita namen ay noong hinalikan 'nya ako, noong nakita kong may puti na 'syang pakpak.

"Ipinapangako ko Weisury huli na ito. Kahit anong mangyari wag mong kakalimutang mahal na mahal kita. Minahal kita nang buo noon at mas lalo kitang minahal sa ikalawang pag kakataon ngayon."

Yan ang huling mag salitang narinig ko mula sa kanya. Ang akala ko totoong lahat yun pero pag katapos 'non ay hindi ko na 'sya muling nakita pa. Kahit anong tawag ko ay walang kahel na sumasagot oh nagpapakita sa harapan ko.

Pagkatapos masunog nang bahay namen ay inilipat si Papa nang lugar na babantayan. Sa city na ito nadestino. Libre ang tirahan namen kaya kahit paano ay nakapag simula kame ulit. Bagong bahay nanaman at bagong buhay.

Kahit na walong buwan na ang nakalipas sariwa pa din sa akin ang lahat. Nahinto ako sa pag aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal . Ngayon, nag tatrabaho ako bilang cashier sa isang Mall.

Pasukan nanaman, kaya madaming tao halos araw araw sa Mall na pinapasukan ko. Lunch time namen at magccr muna sana ako. Dahil sa kanina pa ako ihing ihi hindi lang ako makaalis sa counter ko.

"Weisury bilisan mo sabay tayong maglunch!" Pahabol nang katrabaho kong si Odesa.

"Oo saglit lang ako!" Balik sigaw ko.

Binaybay ko ang cr na pinakamalapit. Pagliko ko sa coridor may nabungo akong matigas. Ang akala ko ay pader dahil sa nagmamadali ako. Napatingala ako at ganun nalang ang pagkabigla ko nang makita ang taong nabangga ko.

Ilang segundo akong natulala habang nakatingin sa muka 'nya. Pakiramdam ko pati yung ihi ko nalimutan ko na sa sobrang pag kabigla. Ilang beses akong kumurap pero nandoon padin 'sya sa harapan ko. Nalilito din 'syang nakatingin sa akin.

Ang lalaking hinintay ko nang walong bwan na magpakita sa akin. Ang lalaking ilang beses kong tinatawag paulit ulit bago ako matulog sa gabe, nasa harapan ko na. Nangilid ang luha ko, bigla ko 'syang sinunggaban nang yakap.

Mahigpit na mahigpit ang yakap ko sa katawan 'nya habang umiiyak. Halos lahat nang sakit at pangungulila ko sa walong buwan ay ibinuhos ko sa yakap na yun.

"Miss, ok ka lang?" Biglang tanong 'nya. Ulitimo boses 'nya naiiyak ko nang narinig ko. Pero teka bakit Miss ang tawag 'nya sa akin.

Inilayo ko ang sarili ko at pinunasan nang palad ko ang mga pumapatak kong luha.

"Nakakainis ka Kahel. Matapos kang mawala nang walong buwan ganyan ang ibubungad mo!" Sinuntok ko 'sya sa dibdib sa inis ko.

"Woah stop right there. Ok lang nayakapin mo ako at punasan nang luha mo pero wag mo akong susuntukin bigla. Hindi pa naman tayo close. And to inform you Kalel ang name ko hindi Kahel. Its Kalel Shin by the way."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi 'nya pinagloloko ata ako nang lalaking to muli ko 'syang hinampas sa dibdib at pag tapos non ay napatigil ako. May iba sa kanya. Isang hampas pa ulit ang ginawa ko at napangiwi naman 'sya.

"I think the you're mistaken me for someone. And please stop hitting me nagugusot ang uniform ko, Ginawa mo na ngang tissue eh!"

Pinagpag 'nya ang polo 'nya. Dun ko lang napansin na naka uniform nga 'sya nang isang kilalang university dito sa city. Muli ay hinawakan ko ang dibdib 'nya.

"Woah too much chansing na yan ah!"

Hindi ako napaso o anu man. Tinignan ko ulit ang muka 'nya. Imposible kamukang kamuka 'nya si Kahel, mas mukang bata nga lang 'sya dito.

"Kalel Shin?"

"Right..." Dinukot 'nya ang wallet nya sa bulsa at inilabas doon ang isang drivers license.

"...Kalel Shin Davis." Muli ay pakilala 'nya.

Hindi 'sya ang Kahel ko.  Mas lalo akong napaluha sa isiping yun. Kung ganun bakit magkamukang magkamuka sila. Posible ba yun?

Sabagay sa mga nangyaring kababalaghan sa buhay ko nung mga nakaraang buwan ay wala nang imposible. Pero si Kahel posible ko pa bang makita 'sya ulit. Muli ay nalungkot nanaman ako.

"Im sorry. Napagkamalan lang kita."

"Teka Miss-"

Tumakbo na ako at hindi pinansin ang pag tawag 'nya. Pag dating ko sa cr ay nagmamadali akong pumasok sa isa sa mga cubicle. Natulala ako nang ilang segundo at muli ay tumulo nanaman ang luha ko.

Lalo ata akong pinapahirapan nang tadhana. Kung kelan gusto ko na syang makalimutan saka naman may magpapakita para ipaalala 'sya sa akin.

"Kahel nasaan kana ba?" Bulong ko sabay takip sa muka ko para bigilan nanaman ang muling pag hagulgol ko.

[KALEL SHIN'S POV]

"Hello kuya! You wont believe what happen to me a while ago." Sabi ko sa nagiisang kuya ko at bestfriend ko.

"Oh well i believe you, hindi mo naman ako iistorbohin sa trabaho ko para lang tumawag nang walang dahil." Sagot nito sa kabilang linya.

"Kuya Gav yung babae sa panaginip ko! Nakita ko 'sya kanina. And you know what? Its weird after 'nya akong mabangga bigla nalang 'nya akong niyakap." Excited na sabi ko.

Nakaupo ako ngayon sa isang fast food resto sa loob nang Mall. Wala naman akong balak magtagal dahil may binili lang ako sandali sa bookstore pero tigil ang mundo ko nang makita ko yung babae kanina.

Halos walong buwan ko na din 'syang napapanaginipan. Noong una hindi malinaw pero simula last week kitang kita ko ang muka 'nya sa panaginip ko.

"Baka naman nahihibang kana naman. Oh anong ginawa mo hindi mo naman ba hinaras. Huhulihin kita pag nang-haras ka nang babae kahit kapatid pa kita." Tumawa 'sya sa kabilang linya.

"No ofcourse not! Hindi ako ganun no, i told you she's my soulmate. At ngayon nakita ko na 'sya imagine that! Ang weird lang kase parang kilala 'nya ako. She mistaken me for someone else. A guy named Kahel. Sounds close to mine."

"Baka naman imbento mo lang yan. Or kamuka lang 'sya nang napapanaginipan mo!"

"No seryoso kuya Gav its her! Ang weird kase bigla nalang 'syang umiyak-"

"So hinaras mo nga?" He cut me off.

"Hindi nga kulit nito! Actually sya pa nga ang nangharas sa akin ilang beses 'nya akong sinuntok sa dibdib matapos 'nya akong yakapin at iyakan."

"Maybe that girl is a psycho. Hala ka Shin baliw ang soulmate mo." Kuya Gav and I are super close, he call me by my second name. Kahit na sa Manila 'sya nag aral hindi pa din kame nag babago sa isa't isa. Im so lucky to have an older brother like him.

"Tumigil ka nga! I swear magkikita kame ulit she's just around somewhere here kase naka uniform 'sya nang mall."

"Oh 'sya ituloy mo lang ang pag da-daydream mo little brother at marami pa akong gagawin."

He ended the call. Napangiti ako, i cant believe na makikita ko ang babaeng nasa panaginip ko. All along totoo pala 'sya. I just felt weird nong umiyak 'sya at sinuntok ako kanina pakiramdam ko nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman 'nya...



※※THE END※※







Author's Note:

Book two? Hahaha pag iisipan ko pa. Salamat po sa tumangkilik kahit Jeje pa yung story ko. I promise I'll do better next time. Kelangan ko nalang talagang tapusin to. Nawiwirduhan na kase ako sa mga naiisip ko haha.

Again Thank You Guys. And read the next series na din po FORSAKEN and FORGOTTEN.

Vote » Comment » Have fun 😘

©xmorgiana

FORBIDDEN [Completed]Where stories live. Discover now