MSKM 3

184 14 23
                                    

THREE


ABURIDONG-ABURIDO ako. Kaninang-kanina pa ako naghihintay ng tawag pero ni text wala!

"Nasaan kaya si Cardo?"

Maya't maya kong tinitignan ang cp ko. Hindi na nga ako mapakali.

"Sir?"

"Huh?" gulat kong sabi at napaangat ng tingin. Nakita ko naman si Tami na nasa harap ko. Isa siya sa mga manager sa isa sa mga branches ng business ko.

"Kanina pa ako nandito, Sir."

"Sorry, Tams. Medyo may iniisip lang."

"Ang kagandahan ko ba, Sir?" at pinapungay pa nito ang mga mata.

"Yung akin. Etchosera to." nakangusong sabi ko at tumawa lang ito.

"Naku naman Sir Orlan. Wag ka ng magreklamo dyan at magkalevel lang naman tayo ng kagandahan eh."

"Sige na nga."

"Wow ha. Napilitan ka pa ata."

"Kasi pareho naman nating alam na mas maganda ako sa'yo."

"Okay. Pero tunay na babae pa din ako." nakangising sabi nito. Inirapan ko naman ito.

"Eh di ikaw na! Etchosera ka talaga."

Tumawa naman ito. "Sir Orlan. Ipapaalala ko lang."

"Ang?"

"Nakalimutan mo na?"

"Ang alin nga?"

"Ang kagandahan ko!" at winave pa ang buhok nito. Pinaikot ko naman ang mga mata ko.

"Umayos ka Tamarind o aalis ako?"

"Si Sir Orlan naman. Opisina mo ito tapos ikaw pa magwawalk out?"

"Oh sige hindi ako magwawlk out. Pero ikaw kaya magtigil ka!" at pinanlakihan ko pa ito ng mga mata. "Sabihin mo na yung sasabihin mo."

"Kasi Sir Orlan. May beauty pageant akong sasalihan eh. Magtatanong sana ako kung may gown ba dyan na pwede kong hiramin. Alam ko naman kasi na saksakan na ako ng yaman sa kagandahan. Pero hindi sa budget. Kaya Sir Orlan, baka meron sana." at pinapungay pa ang mga mata.

Ito talagang si Tamarind oh. Pinuri puri pa ng todo ang sarili. Pwede naman na deretsuhin na lang kasi.

"Oo na. Ano bang pageant yan?"

"Talaga?" nagningning pa ang mga mata nito. Tumango naman ako.

"Aaahhhhh!!! Thank you Sir Orlan! Actually battle ito ng mga past champions. And I want to be the best among the rest! Kaya kailangan ang gown ay galing dito para pak na pak ang kagandahan ko!" sabi nito at winave na naman ang buhok. Agad naman akong napatayo sa sinabi nito.

"Bet na bet! Tarush! Gusto ko yan! Igagawa na lang kita! Kailangan irampa mo ng bonggang bongga ang gagawin kong gown!" naeexcite na sabi ko.

"Oh my gosh talaga Sr Orlan! Igagawa mo pa ako ng gown!" nagtatalon sa saya na sabi nito.

"Oo! Kailangan kabugin mo silang lahat dahil pangalan din ng negosyo ko ang dala-dala mo!" bilin ko dito.

"YES! Di lang ang Orlan's Dressing Room ang nakataya dito... kundi pati na din ang kagandahan kong maladyosa!" nakatingalang sabi nito. Tapos tumingin sa akin. Tumingin din naman ako dito. Tinaas nito ang dalawang kamay at hinawakan ko naman. Magkatapat halos ang mukha namin dahil na din sa matangkad si Tami at nakahigh heels pa.

"Tami."

"Sir Orlan."

"Siguraduhin mo na winner ka teh! Pag nanalo ka sa'yo na yung gown na susuotin mo! Plus one pa!"

Music and Lyrics series.Book 1: Maging Sino Ka Man.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon