MSKM 09

159 14 12
                                    

NINE


"OKAY ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko kay Girlie. Tumango naman ito.

"Kaya ko pa. Saglit lang naman ito. Kakayanin ko pa naman."

"S-sige. Basta sabihin mo lang pag nahihilo ka na o masama na pakiramdam mo."

"Oo."

"Sige upo ka lang dito, ha? Ako na muna mag-iikot para mag-entertain sa mga bisita." paalam ko kay Girlie. Tumango naman ito. Pero bago ako umalis ay kinuhanan ko muna ito ng mga pagkain saka drinks saka ako umalis.

Pumunta naman ako sa mga nagkukumpulan na mga kaibigan ko.

"Yo Pare! Congrats!" agad na sabi sa akin ni Dunk. Nakipagkamay naman ako dito.

"Thanks Dunk."

"Welcome to the married life, my buddy." masayang sabi ni Neo art niyakap pa ako.

Pinaikot ko naman ang mga mata ko. "Sissy, Neo." pagtatama ko.

"Sus. Magiging tatay ka na. Kaya tanggapin mo na." nakangising sabi nito. Inirapan ko naman ito.

"Akalain niyo yun noh? Dahil lang sa alak ko... ikinasal si Orlan." sabi ni Kaleb.

"Oo nga. Sorry, Pare. Lie-low muna ako." sabi naman ni Eoin.

"Oh bakit?" takang tanong nito.

"Baka kasi kakabar ko ako sumunod eh. I'm not yetch redy!" sabi ni Erskin at nagtawanan sila.

"Mga baliw! Kahit naman mag-inom kayo ayos lang. Wala naman kayong mga chics eh." asar naman ni Nev. Eoin and Erskin just raised their middle fingers at him. Napailing na lang.

"Kumusta naman si Girlie?" tanong ni Neo.

"Pinaupo at pinakain ko muna. Kasi baka mahilo at mapagod. Alam mo naman na maselan ang lagay niya." sabi ko. Tumango naman ito.

"Eh bakit nandito ka? Alam mo naman pala na maselan eh. Dapat di mo iniiwan. Mamaya nagduduwal na pala yun di mo pa alam." naiiling na sabi nito. Natigilan naman ako at napatingin dito.

"Nagduduwal?"

"Oo naman. Normal sa pregnancy yun."

"Eh bakit nandito ka din? Nasaan si Dory?"

"Ayy shit! Nasa tabi ko lang! Baka naghahanap na naman ng baga yun!" balisang sabi ni Neo. Lahat naman kami ay napatingin dito.

"Baga?" sabay-sabay na tanong namin.

"Oo eh. Ewan ko dun. Gustong-gusto makakita ng mga baga. Ilang araw na nga kaming ihaw kaya nga kinain ko ibang putahe eh!" kwento nito. Natawa naman kami.

"Baka mahilig kumain ng apoy yan." komento ni Eoin.

"Palagay mo sa anak ko, pangcircus? Pakyu to." asik nito. Tapos nun ay nagmamadali ng umalis at hinanap si Dory.

"Ohh ano pang ginagawa mo dyan?" tanong naman ni Dunk.

"Nakatayo?" sagot ni Erskin. Binatukan naman ito ni Kaleb.

"Ibig sabihin, bakit nandyan ka pa? Puntahan mo na din si Girlie. Kung iniisip mo na dapat mag-entertain ka, ayos lang kahit wag na." sabi ni Nev.

"Saka malalaki na kami noh. Hindi naman kami mga pitong taon para bantayan pa. Kaya na namin sarili namin." -Eoin.

"Sus kaya daw ang sarili. Halos ubusin mo na nga yung handa sa buffet kasi masyadong kaya mo na." asar pa ni Erskin.

"Masarap kaya! Luto ni Eras yun. Saka libre pa!" depensa ni Eoin.

Music and Lyrics series.Book 1: Maging Sino Ka Man.Where stories live. Discover now