MSKM 13

202 14 17
                                    

THIRTEEN


MAGKAHAWAK-KAMAY kaming naglalakad ni Orlan. Plano kasi namin na pumunta sa Wonderland Road. Doon kasi makikita ang parks, toyshop at baby's store.

"Anong inaname natin ka baby?" tanong nito. Napaisip naman ako.

"Wala nga akong maisip actually." at umiling pa.

"Sige saka na natin pag-isipan pag lumabas na."

"Wow ha. Masyadong ma-effort naman tayo. On the spot. Hello! First baby kaya natin to." nakangusong sabi ko. Nanggigil naman na pinisil nito ang nakanguso kong labi.

"Ang cute mo!" nanggigil na sabi nito at inakbayan ako. Natigilan naman ako. Tumingin ako dito. Nakita ko na nakangiti lang ito habang nakatingin sa daan. Mukhang kontento sa buhay. Nahawa naman ako sa pagngiti nito. Tumingin ito sa akin.

"Ayan. Ganyan ka dapat lagi. Para nakangiti lagi si Baby natin." nakangiting sabi nito.

"Kung lalaki, sana kamukha mo."

"Kung babae, sana kamukha mo."

"Pero masisiguro ko na maganda o gwapong bata yan pag sa akin niyo pinaglihi yan." biglang sabi ng kung sino sa likod namin at gulat kaming napalingon.

"Hayop ka talaga, Erskin!" asik ni Orlan dito.

"Pero mas maganda talaga kung sa akin yun." biglang singit sa likod ulit namin.

"Pakyu ka, Eoin!" bulyaw ko dito.

"Girlie! Bawal magmura! Baka marinig ni baby yan."mariin na bulong ni Orlan sa akin. Napanguso naman ako.

"Kasi naman silang dalawa eh." naasar na bulong ko.

"Huyy kayong dalawa. Kung ayaw niyo maging bugnutin yung anak namin, lumayas layas kayo sa tabi namin." taboy ni Orlan sa dalawa. Sabay naman na ngumuso sila.

"Grabe ka sa amin, Orlan." sabi ni Erskin. "Samantalang sinasamahan mo kami sa laro namin ng basketball para may cheerer kami." nagtatampong sabi pa nito.

"Oo nga." segunda pa ni Eoin. "Tapos ikaw, Girlie, papasama ka kay Orlan para makaporma dun sa mga cheerdancers." dagdag pa nito.

Nasabi ko ba na mga kababata din namin 'tong mga kumag na ito?

Pinaikot naman ni Orlan ang mga mata at ganun din ako.

"Tara na nga at mag-almusal. Baka gutom na si buntis." nakangiting sabi ni Eoin.

"Bakit lilibre mo ba kami?" tanong ni Orlan na nakataas ang isang kilay.

"Syempre hindi! Ikaw manlibre!" at nakipaghigh five pa kay Erskin. Napailing naman kami.

"Lakas ng loob mo mag-aya tapos papalibre ka pala." asar na sabi ko.

"Su ikaw din naman ganun nung nag-aaral pa tayo." sabi ni Erskin.

"Bestfriend kasi ako." Nag tongue out naman ako.

"Oo na. Kain na lang tayo. Gutom na talaga ako." sabi ni Eoin na hinihimas pa ang tiyan at naunang maglakad palayo. Sumunod naman si Erskin dito. Di makapaniwalang sinundan lang namin sila ng tingin.

"Paano nga ba natin sila naging kaibigan ulit?" takang tanong ni Orlan at nagkbit balikat na lang ako.




"KASI NGA magkakapitbahay tayo. Kakalipat niyo lang at dahil wala pa kayong friendships at dakilang friendly kami nitong ugok na ito, nakipagfriends kami." kwento ni Eoin habang kumakain ng cake dito sa Superman's Bakery and sweets.

Music and Lyrics series.Book 1: Maging Sino Ka Man.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon