Chapter One

28 0 0
                                    

Umuulan na naman. Nakakainis naman o. Nakakagalit lang talaga ang ulan. Ako lang ba ang galit sa ulan?

Baka ako lang.

Bukod kasi sa nagkakalampagan sa bubong ang mga patak nito dahil wala pang kisame, e umaabot hanggang tuhod ang baha dito sa labas ng bahay.

Grabe diba?

Lumabas ako ng kwarto para makita ko kung gaano na kataas ang baha. Kundangan kasing ang bilis bumaha dito e.

Bumungad sa akin ang mga batang naliligo at naglalaro sa ulan. Kitang kita sa mga kilos nila sa sila'y tuwang tuwa. Walang problemang iniisip. Walang pakialam kung magkasakit sila basta masaya sila.

Napabuntong hininga na lang ako.

Buti nalang at walang baha. Tamang ulan lang talaga. Pero nakakagalit pa din.

May something kasi sa ulan na nakakagalit.

Nagsimula na kong mag ayos para sa gig namin. Vocalist ako ng banda pero marunong din akong tumugtog ng keyboard. Pero more on singing talaga ako. Ang weird lang kasi biglang salang ako dati sa banda tapos biglang okay na. Pasok na ko sa grupo na ito. Yun daw ang way ng audition nila. But the weirdest thing is yung pangalan ng banda namin.

The Band Aid.

Nakakatawa diba. Pero seryoso sila nung sinabi nila sakin yun. Nung una medyo natatawa ako every time na iintroduce ko ang banda namin. But then, unti unti na kong nasasanay. So yun.

Nakakita na ko ng magandang isusuot para sa gig namin tonight. Pure black para rock ang dating. Konting make up and messy bun para sa buhok. Tadan. Okay na ko sa gig.

8pm pa ang start ng gig pero dahil maaga pa, pupuntahan ko muna ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Agad na kong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito para makarating agad ako.








Lumabas na ko ng kotse dala ang paborito nyang rosas. Puting rosas. Medyo matao pa dito sa lugar na to. Pero ang tahimik.

"Hi Nay. Kamusta po? ", bungad na bati ko. Nilapag ko na din ang puting rosas sa kanyang lapida. Ganito ako palagi. Lagi akong nandito bago ako pumunta sa mga gig namin.

Kinakausap ko lang sya. Tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Tungkol sa mga nangyayari sa mga gig namin. Mga masasayang bagay.

Simula kasi ng nawala sya, mas naging miserable ang buhay ko.

Paminsan minsan, dito na din ako kumakain. Dinadala ko din mga kabanda ko dito, dayo ng jamming. Ganito ang gusto niya e. Dapat daw masaya lang ako. Positive thoughts lang daw.








"Alis na po ako, Nay. Good luck sa gig namin ngayong gabi. Sana andun kayo para naman may taga palakpak ako dun sabay sabing, "Ay! Anak ko yan.", naluluhang sabi ko sabay halik sa kanyang lapida. Ayoko pa sanang umalis kaya lang malapit ng 8pm.

Sumakay na ko ng kotse papunta sa bar na pagtutugtugan namin.







Medyo marami na ding tao dito. Nakakatuwa lang na maraming nag aabang sa tugtog namin. Yung iba dito, regular customers but karamihan, mga dayo. Mga galing pa sa malalayo. Mostly mga kabataan. But don't get me wrong, hindi sya as in bar na puro inuman. Bar and restaurant sya. Nagkataon lang na puro bagets ang nandito.

May website at YouTube channel kasi kami kaya lage silang updated sa mga gig events and upcoming gig shows.

Nakita ko na ang aming manager slash ang owner ng bar and resto na ito slash bestie ko, si Pauie. Mukhang hinihintay nga talaga ako. Malamang high blood na naman to.

"Oh bruha, bakit ngayon ka lang?", kunot noong sabi nya.

Sabi na e. Mainit ang ulo. Meron kaya sya? Imposible. Sa gwapong to. Yes, he's gay.

"7:45 palang oh, excited ka masyado.", patawang sabi ko.

Tinitingnan nya ko na para bang kinikilatis nya ko.

"Ang gara mo tonight ah. Magtapat ka nga, are you with someone ba?"

"May nakikita ka bang kasama ko? Sige nga. Diba wala?".

"O sya, gora ka na sa backstage. Andun na sila". Hindi ko na sya sinagot at agad na kong nagpuntang backstage.





Andito na kami sa stage at medyo nag checheck muna kung okay na ang mga instruments. Ako naman, mic test mic test dito. Ilang minuto nalang at magstart na ang kantahan.

Bumalik din kami sa backstage after naming icheck ang mga dapat icheck para makapagdasal na maging maganda ang performance namin ngayong gabi.

Pagbalik namin sa stage biglang nagpalakpakan na sila hudyat na magsisimula na ang tugtugan.

"Good evening mga repapips!"

Naghiyawan na ang mga bagets. Halatang excited na sila sa tugtugan.

"Kami nga pala ang The Band Aid. Ang maghahatid ng mga kanta na tatama sa puso nyo. Rakenroll tayo!". Mas lumakas ang hiyawan nila. Nakakaexcite lalong magperform. Yung iba nga e naka rock and roll sign pa.

"Pero bago kami magstart, magpapakilala muna kami para friends tayo.", dagdag na sabi ko.

"For our drums, we have Kyle.", tumayo si Kyle. Ang chick magnet sa banda. Napakababaero pero mabait yan. Totoong mabait.

"For our bass, we have Clarence.", kumaway lang si Clarence. Ang boy genius ng banda. Accountant sya but at the same time, professor sya sa isang university.

"Sa guitars naman both acoustic and electric, ang aming kambal, JC and JM.", nagtilian ang mga babae sa buong resto ng mag hello ang kambal. Gwapo nga talaga sila. Pero parehas pihikan sa babae ang mga yan. Parehas silang Coach sa sports. Si JC sa basketball habang si JM ay sa football.

"Si Daryl po para sa ating keyboard.", kumaway si Daryl. Sya naman ang pinakatahimik sa banda namin. Pero wag magkakamaling lumaban sa kanya, magaling sa mixed martial arts yan.



"And syempre, yours truly, Riva, The Band Aid vocalist."










--------------------------------------------

Hello po. First story ko po. Medyo lame pa po pero itatry ko po ang best para mapaganda ang story.

Comment and vote na din po.

Thank you po. 😊

Battle For LoveWhere stories live. Discover now