Chapter Four

15 0 0
                                    

Talagang nananadya ang mokong na ito ah.

"Kamusta po kayo?" nakangiting sabi nya. Nagtilian naman ang mga babae sa crowd. May nakikisigaw ding lalaki. Pati si Pauie, nakikitili na din. Ano ba yan.

"Andy Rodriguez po ng bandang Broken Stereo." mas lalo pang nagsigawan ang mga babae. Hay naku. Kilala pala sya. O baka nakikisigaw lang yung iba.

Nagsimula na syang kumanta. Lahat ng tao sa crowd sumasabay sa kanta nya.  Hindi talaga mawawala ang tilian ng mga babae. Naiimbyerna ako.

"What do you think girl?" biglang tanong ni Pauie.

"Anong what do you think ka jan?"

"Kasi Riva. I'm thinking of this kanina pa. Kaya lang baka kasi hindi ka pumayag na...."

"Just say it. Ayoko ng suspense." matagal bago sya makasagot.

"What if, magsama kayo sa band?"

"Huh? Ano?Magsama sa band? With this guy este with this girl?"

"Yes. Mas papatok kasi sa tao if magkasama kayo sa iisang banda. I mean, look at this point in time. Doble ang tao. What more kung magsama kayo in one band. Edi mas masaya." paliwanag nya.

Nasisiraan na ba sya ng ulo? Ipapartner nya ko sa lalaking yun este sa les na yun. Ano ba lagi nalang ako nagkakamali e. Paano bang mapapagkamalang tomboy yan e lalaking lalaki ang boses. Ang buhok. Ang porma. Very masculine. Saang parte ng katawan nya ang magsasabing babae sya.

Hay naku Riva. Ang isip mo. Tumatagilid. Ang bobo mo talaga. Malamang sa genitals nya. Naturingan ka pa namang teacher.

Nakakainis talaga.

Natapos na ang kanta nya. Buti naman at natapos na. Biglang may sumigaw pa ng "Isa pa!" biglang lahat na sila e nagsigawan na.

Mukhang may tatapat na sa amin. Nakakainis.

At mukhang may susunod pang kanta.

(Just click. Hoho. Imagine nyo ang mukha ni Riva. Beast mode sya. Hahaha.)







Lakas nyang maka-entertain ng mga tao ah. May hugot ang pagkakakanta nya.

Parang may something.

Sustained ang lakas ng sigawan at palakpakan ng mga tao. Tapos yung kanina, ilang lines palang, may nagtitilian na. E di sya na.








Bumaba na sya ng stage. Mukhang tapos na ata sya. Hay sa wakas. Pero yung direksyon na pupuntahan nya, malapit sa table namin. Hanggang sa palapit na nang palapit nang.....





"Hi Sunget." sabay kindat. Nasa harapan na namin sya.

May sakit ba to sa mata? Lagi nalang kumikindat e. Kuuuu!

Inirapan ko nalang sya. Favorite habit ko yun e. Ang mang irap.

"Andy, si Riva nga pala. You know her right?" tanong ni Pauie kay Andy.

"Oo, I know her very well." seryosong sabi nya.

Bigla akong napalingon sa kanya. Kilala nya ko?

"Just kidding. Ikaw naman hindi na mabiro." sabay upo sa tabi ni Pauie. Halatang kinikilig si bakla.





Kung si Andy, les and si Pauie, gay. Ohmygosh. This can be. Hahaha.

Battle For LoveWhere stories live. Discover now