Chapter Five

5 0 1
                                    

"Sigurado ka ba jan sa desisyon mo?" tanong ni Pauie. Sinabi ko na kasi sa kanya na si Andy na ang bagong vocalist ng banda.

Tumango lang ako sabay ngiti. Niyakap ako ni Pauie. May kasama pang konting luha. Bruhang to. Masyadong madrama.

I made a decision without consulting my band mates. I don't care about their reactions. I just want to help.

For some weird thing, maybe. I dunno.

Ayokong may isang taong nalulungkot dahil sa karamutan ko. Ayokong maging selfish. Well hindi naman talaga ako maramot. Tsaka isa pa, panahon na din para magfocus ako sa ibang bagay. Sa loob ng apat na taon, sapat na siguro yun para sa experience sa pagbabanda.

It's time for a change na din. I'm sure, magiging okay din yun sa mga kabandmates ko.

Sinabi na din ni Pauie kay Andy na magsisimula na sya sa Saturday. Since yun ang big night dito sa bar. Ipapakilala na sya bilang bagong vocalist ng The Band Aid.

"Sige guys. Alis na ko. Late na e. Good luck Andy." ngumiti ako sa kanya at lumakad na ko palabas ng bar.











Pasakay na ko ng kotse nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

Si Andy.

"Yes?"

"Gusto ko lang mag thank you ulit sayo."

"Ano ka ba? You're welcome. Gagalingan mo naman ha. Wag mo kong ipapahiya ah." patawang sabi ko.

"Walang problema." ngumiti sya. May something talaga sa ngiti nya.

"Uuwi ka na ba?" tanong nya.

"Oo e. Maaga pa ko bukas sa trabaho."

"Sige. Ingat ka ah. Thank you so much Riva." sabay kindat. Sinamaan ko sya ng tingin. Pumasok na ko sa kotse. Pinaandar ko na ito. Nakikita ko sa side mirror si Andy. Kumakaway.

Napangiti ako.

Gumaan bigla ang loob ko sa taong yun. Ang weird.











Nakarating na ko ng bahay. Agad akong nagbihis para makapagpahinga na. Bigla nalang nag beep ang phone ko.

Thank you nang sobra, Riri.

At may isa pang text.

Riva pala. Hehe. Andy here. I just want to say good night. Hiningi ko number mo kay Pauie.

Napangiti na naman ako.

Makulit na bata talaga tong si Andy. Hindi ko na sya nireplyan dahil na din sa pagod. Gusto ko ng matulog.













Biyernes.

Ang pinakapaborito kong araw. Sino bang hindi matutuwa. Kinubakasan, Sabado at Linggo. Day off sa pagtuturo.

Ginawa ko na ang dapat gawin sa umaga. Since Friday na, hndi na din ako gagamit ng kotse. Maaga din akong natapos sa mga gawain. Naisipan kong mag commute. Tipid din sa gas.

Wala akong masyadong dala ngayon dahil Biyernes naman. Nakasakay na ko ng jeep. Madami na ding estudyante dito. Binati ako ng ilan dito at ang iba dedma lang.

Mabilis ang byahe dahil wala pang masyadong traffic. Tiningnan ko ang relo ko. Medyo maaga pa. Kinuha ko muna ang headset ko. Sinalpak sa phone at nagsimulang makinig ng mga kanta sa playlist ko.

Battle For LoveWhere stories live. Discover now