Chapter Two

23 0 0
                                    

Nagsimula ng pukpukin ni Kyle ang kanyang sticks. Hudyat na simula na ng kantahan.

(Just click this. Hehe. Rakenroll tayo.)


Halos lahat ng mga tao sa loob e nagwawala na dahil na din sa kanta. Nakikisabay sila sa kanta. Yung iba naman, itinataas pa ang kanilang mga inumin habang sumasabay sa kanta.

Natapos na ang isang kanta at hindi pa din magkamayaw ang mga tao sa ingay at saya na dala ng kanta namin.

"Ayan, ang saya saya naman makarinig ng isang dagasaang palakpak at sigawan jan. First song palang po yun kaya po magreserve reserve po tayo ng energy ah. Bawal malasing nang sobra dito.", pagbibiro ko. Napatawa naman sila sa sinabi ko.

"Kung meron po kayong song requests, ay maaari po kayo lumapit sa akin at we're trying our best to sing your request. Thank you.", paalala ko sa kanila. Pag ganitong karaming tao kasi, madaming nagrerequest ng mga kanta mostly love songs. What do we expect ba e puro bagets ang nandito e.

After some announcements and stuffs e nagpasada ulit kame ng isang kanta.

(One of my favorites. My heart by Paramore)

Natapos na ang kanta at muli malakas na palakpakan at sigawan ang naririnig namin sa mga tao. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito ang mga naririnig namin mula sa kanila. Yung bang pansamantala muna namin nakakalimutan ang mga problema namin.

Pansamantala lang.

Natapos na ang Rock session namin. Break muna kami for a few minutes then salang na ulit kami para sa next session. Tatlong session kasi itong ginagawa namin. First e yung rock session kanina, second is ang tinatawag naming Hugot sessions and lastly is the jamming session which is may audience na makikijam sa amin on stage.

Nagpunta muna ako ng CR para makapag ayos. Pagkapasok ko sa cr agad akong nagpunta sa cubicle. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mukhang may pumasok ata.

"Girl, alam mo, ang gwapo gwapo nung kambal no?", halatang kinikilig na sabi nung babae. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Kesyo gwapo daw yung kambal, mukhang babaero daw si Kyle. At talagang nahalata nila.

"At yung vocalist nila, ang lupit maka rockstar pero ang ganda nya no?"

"Oo nga girl, pero alam mo yun may something sa vocalist nila. I dunno where pero parang kilala ko sya."

Kilala nya ko? Imposible.

Lumabas na ko ng cubicle at halatang nagulat sila nang makita nila ako. Nagpapicture sila sa akin. Nakakatuwa lang na may umiidolo sayo kahit na hindi nila ako lubusang kilala.

Kinausap nila ako tungkol sa mga kabanda ko at mukhang kinikilig sila. Halatang crush na crush nila ang kambal.

Nakakatuwang maging teenager.

"Nagkita na po ba tayo dati?". Tanong ng isang babae. Malamang sya yung kaninang nagsabi na may something sakin.

Tiningnan ko sya sa mukha. Wala naman akong natatandaan na mukha nya. I think.

"Ay nevermind nalang po. Sige po labas na po kami." sabay labas na sila ng cr. Naintriga ako sa batang yun ah.

Nagretouch muna ako para sa aming 2nd set. Biglang bumukas na naman ang pinto.

Battle For LoveWhere stories live. Discover now