Chapter 1: Own little dyings

704 4 1
                                    

KEVIN’S POV

____________ 1. This are used to agree the balance of cash per company records and the balance of cash per bank statement.

____________ 2. Journalized and posted to the ledger as they would be in a service business.

____________ 3. It is the list of all remaining accounts with balances which at this point, will be composed of real accounts since all the nominal accounts have already been  closed.

.

.

.

____________ 35. A supporting document prepared by the seller as evidence of downward adjustment in the amount due from the customer.

????????????????

Shit! Ano toh? Ni isa wala akong alam. Wala naman akong matandaan na diniscuss toh ah? Teka, baka absent ako nung dinuscuss toh, baka nasa traning ako nun. Tama! Sasabihin ko nalang kay pof para ma-excuse ako.

I was about to stand up and tell my professor about my thought when my eye caught Tata, ayun siya at derederetso sa pagsagot. Pa easy easy lang. Kung alam niya toh, ibig sabihin andito siya, andito kami, nung mga panahong diniscuss toh. So hindi uubra ang naisip kong excuse.

I looked for Kim and Aljon, malamang wala ring alam yung mga yon. But I was wrong, andun silang dalawa sa magkabilang dulo ng second row at derederetso ring nagsasagot. Naks, nagreview ang mga gago!

So ako lang pala ang wala alam, lahat sila nagreview. Isip isip din ng paraan para magka-score! Naghanap ako ng pwedeng maibato.. sakto may scratch paper na nakakalat sa floor, pinulot ko at binato kay Tata, mas malapit kasi siya sakin kumpara kila Aljon at Kim.

Sapul! Napatingin siya sakin, nakakunot ang noo, nasaktan ata. Hahahaha.

“Pengeng sagot!” I mouthed.

He immediately get the paper I throw, write on it and throw it back to me.  Sa wakas, magkakasagot narin ako. “Salamat.” I mouthed again. Tumango naman siya as response.

Bago magsulat tumingin muna ako sa paligid, if ever na may nakakita samin. Si Anne. Nakita kami ni Anne. She’s still looking at me while I’m holding the cheat paper. At yung tingin niya.. tsk! Akala mo kung sino. Yung ginawa ko? Hindi lang naman ako ang gumagawa nun, nasaktuhan lang na ako ang nakita niya.

Finally, inalis na niya ang tingin niya sakin at humarap sa papel niya. Nakita ko siyang umiling-iling. Ano bang problema niya?

..

After class..

“Paps! Tara na, gutom na ko.” Tawag ko Aljon, ang bagal kasing kumilos.

“Ano? Nagutom ka sa kakakopya?” Hindi lang pala si Anne ang nakakita, pati si Aljon.

“Yabang! Ngayon ka lang hindi kumopya eh.”

“Eh ikaw kelan ka hindi kokopya?” Isa pa ‘tong si Kim, ang galing magmalinis.

“Ang yayabang niyo! Pag ako nag-aral humanda kayo!”

“Hahahahahaha asa naman kaming mangyayari yun!” Sabay pa sila. Ang lalakas tumawa.

“Eh kung hindi ka nagbabasketball, nangchichicks ka.” Dinagdagan pa ni Kim.

“Hiyang hiya naman ako sa paiba-ibang babaeng dinidate mo.”

“Atleast nag-aaral.” Sumagot pa ang loko. Sinabayan pa ng pang-asar na tawa ni Aljon.

Tinignan ko sila ng masama. Nakakapikon na ah. Nangopya lang naman ako pero para na akong nakapatay ng tao.

OH, SWEETHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon