Chapter 16: Untitled

315 6 5
                                    

ANNE’S POV

“Sa wakas! Ginamit mo na rin yang utak mo.” Sabi ni Patricia habang naglalakad kami papuntang library.

Hindi na ako umimik. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa o kung kaya ko bang kalimutan si Kevin. Araw araw kaming magkikita, paano ko magagawa yun? Paano ko siya iiwasan kung gusto gustong ko siyang makausap at makasama palagi.

“Ano pang sinabi mo sakanya?” Usisa ni Patricia.

“Sabi ko lalayuan ko na siya.”

“Hay! Thank you Lord!” Tinaas pa niya yung dalawa niyang kamay sa ere. “Ano pa?”

“Na sana maging masaya siya.”

“Ha? Kahit sinasaktan ka niya?”

“Okay na yun atleast isa sa amin masaya.”

Umiling siya. “Hindi ko talaga alam kung anong pinakain sayo ng Kevin na yan at baliw na baliw ka sakanya. Ano pang sinabi mo?”

“Sinabi kong mahal ko siya.”

“Ano?! Bakit mo sinabi yon?”

“Bakit hindi? Eh yun ang totoo.”

“Anne naman! Hindi ka ba nag-iisip? Nung sinabi mo sakanyang mahal mo siya para mo na ring sinabi sakanya na tanga ka at kaya kya ka niyang utuin!”

“Wala akong pakialam Pat! Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga. Mahal ko si Kevin! Mahal na mahal ko siya at hindi magbabago yun kahit anong kagaguhan pa ang gawin niya.” Binilisan ko ng maglakad at iniwan si Patricia sa hallway papuntang library.

Hindi ko siya maintindihan. Kaibigan ko siya. Dapat nararamdaman niya yung nararamdaman ko. Dapat alam niya kung gaano ako kalungkot ngayon at kung gaano kamisirable ang tingin ko sa sarili ko. Pero hindi. Imbis na yun yung gawin niya mas lalo pa niyang dinidiin sa akin na tanga ako.

Papasok na ako ng library. Kung ayaw niya akong samahan, ako nalang hahanap ng mga librong kailangan ko.

“Hi ma’am! Hindi niyo po ata kasama si Sir Kevin ngayon?” Napatigil ako ng magsalita si manong guard.

Yung huling beses na punta ko ng library si Kevin yung kasama ko at nasanay narin siguro siya kasi ilang beses din kaming pabalik balik ni Kevin dito dahil sa project. Napabuntong hinga ako. Anong isasagot ko sakanya?

“Busy kasi siya kuya. Tsaka hindi na rin ulit kami magkakasama.” Mahina kong sagot.

“Ganon ba. Bakit naman? Sayang ang cute niyo pa namang tignan. Bagay na bagay kayo.”

Bagay? Ako siguro, oo. Bagay ako kasi napaglaruan ako ni Kevin. Pero siya.. tao siya. Taong minamahal at patuloy na mamahalin  kahit niloko at sinaktan ako.

Ngumiti nalang ako. “Kalimutan niyo na yun kuya. Sige, akyat na ako.”

Yun naman ang dapat diba, kalimutan ang lahat. Kasi hindi naman totoo. Kasi trip lang naman. Pero ang hirap. Pagdating ko sa Civil Law section, sinimulan ko ng hanapin yung librong kailangan ko. Text book on the Philippine Constitution by Hector de Leon. Ang daming Text book on the Philippine Constitution pero iba naman yung mga author. Tsk. Pumunta ako sa kabilang shelf baka andun yung hinahanap ko pero wala parin dun.

Napansin ko yung lalaki at babaeng nakaupo sa dulong table. Commerce students din at ang sweet nila. Doon kami palaging umuupo ni Kevin, favorite spot namin kasi malayo sa librarian desk para makapag ingay kami pero wala din, palagi parin kaming napag iinitan ng librarian sa ingay niya. Pero ngayon, mas imposible pa sa pagputi ni Abdul kung makakaupo ulit kami ng magkasama dun.

OH, SWEETHEARTحيث تعيش القصص. اكتشف الآن