Chapter 13: He loves and let go

424 7 8
                                    

ANNE’S POV

Nandito na kami sa tapat ng condo. At ang lakas narin ng ulan.

“Salamat.”

“Wala yun. Basta gusto ko ligtas kang makauwi palagi.”

Napangiti ako. Bakitttt huhuhu

Tumingin ako sa labas. Ang lakas na talaga ng ulan.

“Gusto mong pumasok muna sa loob? Baka kasi maaksidente ka sa daan niyan eh.”

“Pwede ba?”

“Yayayain ba kita kung hindi pwede?” Medyo tanga lang, Kevin Ferrer?

Ngumiti siya. Shit.

“Sabi ko nga.”

“Tara na.”

“Teka, kukunin ko muna yung payong ko baka mabasa ka.”

“Wag na.”  Binuksan ko na yung pinto at tumakbo sa lobby ng condo.

“Huuuy!” Narinig ko pa yung sigaw ni Kevin sa kotse. Ambagal ng kupal na yon.

Pagdating niya sa lobby.

“Bakit ka tumakbo?” Reklama niya. Galit ba ‘toh?

“Eh antagal mo eh.”

“Kasi kinukuha ko yung payong parang hindi ka mabasa. Tapos tumakbo ka naman. Ayan! Nabasa ka tuloy.” Kinuha niyo yung panyo niya at pinunasan yung mukha at braso ko. “Paano kung nagkasakit ka niyan?”

“Kev! Kahit naman magpayong tayo mababasa parin tayo, ang lakas kaya ng ulan. Tsaka hindi naman nakakamatay yung basa ng ulan no.”

“Kahit na! Kailangan mag iingat ka parin. Ang dulas dulas pa nung dinaanan mo, paano kung nabaltog ka?”

“Chill okay? Wala namang masamang nangyari sakin eh.” Minsan OA din ‘tog si Kevin eh.

“Buti nga wala eh.” Sabi niya at bigla akong niyakap. “Hindi ko alam anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo.”

Nagulat ako. Pero hindi alam kung ano pumasok sa isip ko at nilagay ko yung mga kamay ko sa likod niya, inshort niyakap ko siya pabalik.

Ang higpit nung yakap niya. Parang wala kami sa lobby.

“Uhhmm.. Kev, akyat na tayo sa taas.”

Pero imbis na bitawan niya ako, mas lalong humigpit yung yakap niya sakin.

“Magpromise ka muna sakin na palaging kang mag-iingat.”

“Opo. Nagpropromise po ako. Pwede na po ba tayong umakyat? Kasi pinagtitinginan na po tayo ng mga tao eh.”

“Very good.” Bumitiw na siya sa pagkakayakap. “Hayaan mo sila, inggit lang sila kasi wala silang kayakap.”

Naglakad na kami papuntang elevator, hawak niya yung kamay ko habang naglalakad kami. Hanggang sa pagpasok namin ng elevator, hanggang sa loob at hanggang makarating kami sa unit ko. Ayoko sanang umangal pero..

“Uhhm, Kev?”

“Mmmn?”

“Yung kamay ko?”

“Oo ung kamay mo, hawak ko. Bakit?”

“Pwede pakibitawan saglit kasi bubuksan ko yung pinto?”

“Sa kaliwa nalang.”

Ayaw pang bitawan. “Kev, hindi naman ako kaliwete eh.”

“Akin na garod, ako nalang.”

OH, SWEETHEARTWhere stories live. Discover now