Chapter 5

71 4 1
                                    


Jaymi's POV

"Kailangan mong ipaliwanag sa akin kung anong kalokohan na naman itong ginawa mo.".


Nandito kami sa canteen ngayon nina Trixie and Monica. As usual, break time kaya dito kami dumidiretso. Tinatanong ko siya ngayon about sa kagagahan na gusto niyang mangyari.


"What? Kalokohan ka dyan. Seryoso kaya ako sa gusto kong mangyari. At tsaka ayaw mo 'yun? Hindi ka na NBSB!". Sagot sa akin ng kaibigan kong gaga.


"Pwes ayaw ko! Alam mo namang wala akong kaalam-alam sa bagay na iyan. Nandyan naman si Monica.". Sagot ko.


"Sino bang hindi pumunta sa debut party ko?". Medyo mataray niyang sagot.


"Kahit na. Pwede namang iba na lang ipagawa mo 'di ba. At gusto ko 'yung magiging "first" boyfriend ko ay 'yung gusto ko talaga.".


"Ang arte mo ah. Ayaw mo pa kay Daniel? Gwapo na, mayaman na, at higit sa lahat, HOT! O 'di ba? Kaya wag ka nang choosy dyan. One month lang naman. Enjoyin mo na lang.".


Wala na talaga akong magagawa. May point naman siya. Gwapo naman itong si Daniel. Mukha nga lang pinagkaitan ng katalinuhan. Lol. At isa pa, hindi ko siya type no.


"Hey girls!". May dumating na tatlong lalaki. 


"Hi babe.". Sabi ng isang lalaki sa akin sabay akbay. Pinanlakihan ko siya ng mata.


"No touch!". Bulong ko sa kanya pero medyo madiin. Agad naman niyang inalis 'yung pagkakaakbay niya sa akin.


"Wow. Ang sweet naman ng boyfriend mo bes.". Sabi ni Trixie.


Sweet siya dyan. Nakakairita nga e. Lalo na hindi ako sanay. Ngumiti na lang ako.


"Kumain ka na ba? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang at pagsisilbihan kita.". Sabi ng "boyfriend" ko. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Akala mo naman ang cute.


"Uyyyyyy!". Sabay-sabay sigaw ng mga kasama namin.


"Ah. Meron. Pero gusto ko magkasama tayong bumili. Tara!". Sabi ko sa kanya saba hila sa kamay niya. Narinig ko pa 'yung hiyawan ng mga kasama naming mga baliw.


Hinila ko siya palabas ng canteen. Napunta kami sa parking lot ng school. Nagtaka siya kung bakit doon ko siya dinala.


"What are we doing here? Akala ko ba meron kang gustong bilhin?". Pagtataka niyang tanong.


"Anong ibig sabihin nito?!". Medyo napataas ang boses ko. Nakakainis kasi e.


"What?". Ang slow naman ng lalaking ito.


"May kumain ka na ba? nagugutom ka ba? ka pang nalalaman! Nakakairita sa totoo lang."

Just a MonthWhere stories live. Discover now