Chapter 16

50 1 0
                                    

Daniel's POV

"Bro bilisan mo."


"Sandali lang. Nakita mo namang nagpapapogi pa ako e. Kung gusto mo mauna ka na."


"Kanina ka pa kasi diyan. Hindi ka matapos-tapos. Nagpapapogi? Wala nang pag-asa bro."


"Ulul."


Nandito kami ngayon sa banyo ng dalawa kong kaibigan. Breaktime na. Ugali na namin itong bago pumunta sa canteen, sa banyo muna ang diretso. Ito kasing si Jordan gusto niya minu-minuto nag-aayos ng sarili. Daig pa ang babae sa sobrang tagal kung mag-ayos.


Nakakapanibago lang kasi ngayon lang nagmadali itong si Michael. Usually naman kasi nakakapaghintay siya kahit gaano katagal. Ganoon na lang ba katindi ang gutom niya kaya siya nagmamadali?


"Tapos na ako. Masaya ka na?". Sabi ni Jordan.


Hindi na nagsalita itong si Michael. Bagkus ay nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Nagtinginan lang kami ni Jordan na para bang nagsasabing 'ano bang problema nun?'. Lumabas na rin kami at pumunta sa canteen.


As usual, pagdating namin sa canteen ay tinginan lahat ng tao sa amin. Correction, sa akin lang pala. Para silang nakakita ng artista na may kasamang personal assistant. Dumiretso kami sa table namin. May particular table kasi kami na laging pinupwestuhan. Nandoon na rin si Michael na para bang hindi mapakali. Tingin ng tingin sa paligid. Ano bang problema nun?


"Hello boys!".


Dumating na rin sina Trixie, Monica, at syempre ang "girlfriend" ko.


"O bakit ganyan ang mukha mo? Hindi mo ba ako na-miss?". Salubong ko kay Jaymi.


"Tigilan mo ako. May atraso ka pa sa akin baka nakakalimutan mo.". Nanlilisik 'yung mga mata niya. Scary. Hahaha!


"Parang wala yata akong natatandaang may ginawa akong atraso sa iyo.". Sabi ko sabay akbay sa kanya.


"Anong tawag mo doon sa ginawa mo kagabi?!". Tinatanggal niya 'yung braso ko sa balikat niya pero hindi ako nagpatinag. Kaya ayun, sinikmuraan niya ako, pero mahina lang.


"Alin? 'Yung post ba? Totoo naman iyon di ba?"


"Kapal ng mukha mo. Wag mo akong uumpisahan, Daniel."


Pakiramdam ko sobrang napipikon na itong "girlfriend" ko. Kaya mas lalo ko pa siyang inasar.


"O bakit ka namumula ngayon? Wag mong sabihing kinikilig ka na naman?"


"Tigil-tigilan mo na ako. Baka hindi kita matantiya diyan!"


Tinigilan ko na siya. Alam ko anytime sasabog na ito. Baka magalit na naman sa akin at pabilhan na naman ako ng maraming pagkain. Hahahaha!

Just a MonthWhere stories live. Discover now