Chapter 37

213 8 2
                                    

Seungcheol's POV

Nandito ako sa lugar na lagi naming tinatambayan ni Jihoon. Dito ko rin balak magtapat at magpaalam kung pwede ako manligaw ng pormal. Tama si Jeonghan di ko dapat hayaang mangyari sa amin ni Jihoon yung nangyari sa amin dati.

"Hyung ok na po lahat." Sabi ni Dino, nagpatulong kasi ako sa kanila para mag ayos ng lugar

"Salamat sa inyo ha? Di ko magagawa to ng wala kayo." Sabi ko at ngumiti ako

"Hyung ok na samin yung simpleng ty kaya wag kana ulit ngingiti ha?" Sabi naman ni Hao

"Oo nga hyung lalo nasa harap ni Jihoon hyung baka kasi imbis sagutin ka eh tumakbo sa takot" sabi naman ni SK

"Ha? Bakit naman?" naguguluhan kong tanung

"Eh kasi naman hyung gabing gabi tapos pag ngumingiti ka tinatalo mo sinag ng araw sa kinang ng gilagid mo." Sagot ni Vernon, tangina neto parang hindi magilagid amputa lakas manglait sakin -_-

"Nahiya daw ang stars sa gilagid mo hahaha" sabi naman ni DK

"Oo nga hyung nahiya ako at mga kauri ko." sabat ni Hoshi, feel na feel nya pagiging stars nya!

"HAHAHAHA" tawa nilang lahat. bakit nga ba ako nagkarun ng mga gantong kaibigan? -_-

Akmang babatukan ko na sila nang bigla silang magsitakbuhan at dahil nga kabayo si DK sya ang nangunguna. -_-

"HYUNG GOODLUCK MAHAMPAS KA SANA NG GITARA AY ESTE PAYAGAN KA SANANG MANLIGAW HAHAHAHA" sigaw ni SK

Di ko na sila hinabol kasi padating na din naman sila Wonu, Gyu at Jun kasama si Jihoon. Sila kasi inutusan ko sumundo kay Jihoon. Pinagmamasdan ko na lang ang paligid. Tahimik at ang peaceful, nasa itaas kasi kami ng burol kaya kita ang buong syudad tapos may punong malaki kung saan dinadapuan ng mga gamu-gamu (kung yun ba yung pangalan ng mga insekto na umiilaw pag gabi mwehehehe) na mas nagpaganda ng lugar tas naglatag nalang ako ng kumot sa ilalim at may basket na puno ng pagkain. Sariwang sariwa ang hangin.

"PUTANGINAA MALAMAN KO LANG KUNG SINO PAKANA NITO HAHAMPASIN KO NG SAGWAN HINDI NA GITARA PARA MAS DAMA NYA!!!" Sigaw ng nag iisang pandak na brutal este taong mahal ko tangina pero kinakabahan talaga ako. Gitara pa nga lang masakit na paano pasagwan diba?

"Tsk tsk kahit kailan talaga ang brutal mo." Sabi ko sa kanya habang kinakalagan sya ng tali sa kamay, umalis na din sila Gyu takot eh

"Tangina cheol pwede mo naman kasi akong ipasundo ng maayos hindi yun---" di nya na natapos yung sasabihin nya pa ng tanggalin ko piring nya sa mata. Halatang gulat na gulat

"Nagustuhan mo ba? Sorry ha kung simple lang alam ko kasing---" ngayun ako naman yung hindi natapos ang sasabihin ng halikan nyako sa LABI!!! Oo bes sa labi talaga sya!!!

~
so ayun pabitin muna is me hahaha. Just comment down kung gusto nyo ng part 2 pero within 24hrs at walang nagcomment ibang scene na sunod kung ipapublish. Sorry kung natagaln jusko nagloloko si wattpad nakailang beses nakong type sa charpter na to laging nawawala -_- ge yun lang thank you guys lamyu ol :*

My Pillow (Completed)Where stories live. Discover now