Chapter 28: The Wedding

24.1K 514 34
                                    

Sofia's POV
Ito na, ito na yung araw na pinakahihintay ng lahat. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit pero mas nangingibabaw yung saya.

"Gorgeous." Narinig 'kong sabi ni Ashley

"Binola mo pa ako Ashley." Ngumiti siya at yumakap sakin. "I'm happy for you ate." Ngumiti din ako.

Maya maya pa ay tinawag na kami dahil mag-uumpisa na ang kasal. "Where's Mom?" Narinig 'kong sabi ni Travis. Napalingon naman siya sakin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Hi baby. Where's Trinah and Trevor?"

"Papa." Maikling sagot niya. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanahimik si Travis. "Hey." Pagtawag ko sa pansin niya.

Nagtaka na ako kung bakit hindi pa rin kumikibo ang panganay ko kaya naman lumingon ako kung san nakatingin si Travis at nagulat ako nang makita ko ang isang batang babae na nakadress.

Now I know. "Baby? Do you like that girl?" I asked him while looking at the little girl. "Ofcourse not! I don't like her. Come on mommy. Papa is waiting." Hinila na ako ni Travis at nagpahila nalang ako.

Balang araw mawawala din sila sa'kin. Mapapalitan na ako sa kanila. Hindi na ako ang una sa kanila.

Pumunta na kami kung nasaan sila Kaizer. Nakita ko siya na inaayos ang damit ni Triah. "Hi baby." Sabay halik ko kay Trinah. "Mom! Tito Dale is so Handsome!" Masayang sabi ni Trinah. "Ofcourse, he's my twin." I said proudly. This is the day of their wedding, Kylie and Dale. I'm so happy for the both of them.

"Hon, are you okay? Why are you crying?" Tanong sakin ni Kaizer. Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo. "I'm just happy for Dale." I said.

"And I'm happy too for the both of us. Matagal 'kong hinintay na makasama ka ulit at ang anak natin, na hindi ko akalaing tatlo pala agad. Siguro nahirapan ka sa pagbubuntis mo sa kanila at sa panganganak mo. I'm really sorry for everything. Sorry for leaving you that day you needed me the most, sorry for being a jerk. Nung nawala kayo hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasalanan ko rin naman eh. Bagay lang sakin pero Sofie, please? Wag na kayong aalis sakin. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa kayo ulit sakin. Kayo ng mga bata." Naiyak ako dahil sa sinabi niya. "I love you...now and forever." Hinalikan ko siya habang hindi nakatingin samin yung tatlo. Nagtagal ng ilang segundo ang halik namin. "Ehem!" Napabitaw ako kay Kaizer.

"Sa pagkakaalam ko ay ako ang ikakasal at hindi kayo. Kulang nalang ay kayo na ang tumayo dito sa altar. Yung mga anak niyo oh, nakikita kayo." Nagulat ako sa sinabi ni Dale. Tumingin naman ako sa mga bata at nakita ko silang nakatingin samin at nakangiti. Nakita nga nila kami. "I'm sorry Dale. Sadyang mahal lang ako ng kambal mo." Sabi ni Kaizer. Kinurot ko siya sa tagiliran. "I love you too, hon." Dumadaing niyang sabi.

"Kapal." Sabi ko nalang at inasikaso ang mga anak namin. Maya-maya pa ay nagsimula na ang kasal. Napakaganda ni Kylie sa white gown niya. Tumingin naman ako kay Dale na hindi maialis ang ngiti niya habang nakatingin kay Kylie na nakangiti rin.

"Hon, wag masyadong mainggit. Di kana dalaga." Sinapok ko nga. Bwiset na 'to kanina pa ako inaasar. "Ganon? so ibig sabihin hindi na rin ako ganun kaganda?" Kunwari'y pagtatampo ko. "Wala akong sinabing ganyan ha. Ikaw nagsabi niyan. Tsaka kahit naman na matanda kana ay ikaw pa rin ang pinaka magandang babae sa paningin ko. Mahal na mahal kita." Kanina niya pa ako pinapakilig. Nakakainis na, baka maihi ako dito sa sobrang kilig.

"I love you too." Bulong ko sa kanya. Pagkatapos ng kasal ay pumunta na kami sa reception. Nakita ko si Monic. "Monic?" Tanong ko. Siya nga. Humarap siya sakin at agad akong sinalubong ng yakap. "How are you?" Tanong niya sakin. "I'm fine, how about you? Hindi na kita nakita simula nung nabuntis ako." Hindi na kasi ako nun pumasok muna diba at hindi ko na rin naman siya nakita non.

"Pinatapon ako ni Daddy sa Canada dahil napapabayaan ko na daw ang pag-aaral ko. Masyado akong naging pabaya." Hindi ko na siya masyadong tinanong sa nangyari sa kanya. Pinakilala ko sa kanya ang tatlo at tuwang tuwa siya sa mga anak ko. "Ang cute ng mga anak mo, manang-mana sa'yo." Ngumiti lang ako sa kanya. Namiss 'ko 'tong baliw 'kong bestfriend.

"Mommmmmmm! I want cake! I want cake!" Pangungulit ni Trinah. "Baby, diba sabi ko bawal ka muna ng sweets?" Pinagbabawalan ko muna siya sa mga matatamiss kasi yung ngipin niya madalas na sumasakit kaya naman iniiwas ko muna siya sa matamis. "But mommy I want that cake. Di naman po masakit yung ngipin ko." Talagang gustong gusto niya yung cake.

"Trinah." Pagbabanta ko. Ayoko kasi kapag nagiging mapilit siya. Ayoko lang na makita siya na umiiyak habang masakit ang ngipin niya. Para din naman sakanya ang ginagawa ko. "Hayaan mo na Bes, bata lang yan."

"Ayoko siyang pinipilit ang gusto niya." Sabi ko kay Monic na kandong si Trevor. Nanggigigil daw siya kay Trevor eh. Okay lang naman kay Trevor. Actually kanina pa siya behave. "Papa!" Narinig 'kong sigaw ni Trinah. Lumapit siya sa papa niya. "Bakit umiiyak ang baby ko?" Tanong ni Kaizer. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. "Hi Kaizer!" Bati ni Monic. "Hello, how are you?" Tanong niya. "I'm fine. You look great with your kids." Komento ni Monic. "Thanks."

"Papa..." Humikbi si Trinah. I guess kailangan kong patahanin ang anak ko. "Why baby? Bakit ka umiiyak? Do you want anything?" Humarap sakin si Trinah. Lumapit ako kay Trinah. "Baby, sorry na. Bawal kasi muna sa sweets okay?" Pagpapaliwanag ko. Tumango naman siya at yumakap sa papa niya.

"So that's it? Sweets?" Tanong ni Kaizer at humarap sakin. Tumango lang ako. "Ayoko lang na sumakit ulit ang ngipin niya." Pagpapaliwanag ko. "Hayaan mo sila Hon, bata pa sila. Come on, baby. Ikukuha ka ni papa pero konti lang okay? Brush your teeth when we get home." Tumango si Trinah at humalik sa pisngi ni Kaizer. Iniispoil kasi eh. Umalis na sila at nagpaalam na din si Monic na uuwi na siya. May pupuntaha  pa kasi siya.

"Ingat ka ha. I miss you." Sabay yakap ko sa kanya. "Oo naman. I miss you too." Umalis na siya at bumalik na ako sa table namin. "Mom! Mom!"

"Why?" Tanong ko kay Travis. "I want to go home." Sabi niya. "And why?" Ngumiti siya sakin at hindi sinagot ang tanong ko. "Fine, you win."  I said and kiss him. "Where's your papa? And Trevor?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Uhm, I don't know." Sabi niya. Nagtaka ako kung bakit parang di mapakali si Travis. "Hey, what happened?" Tanong ko. Maya-maya pa ay may narinig akong banda na tumutugtog. Tumakbo si Travis at balak ko sana siyang habulin ng biglang may mga bata na may hawak na card na may nakasulat na tig iisang letra.

W I L L    Y O U    M A R R Y   M E?

Yan yung nakasulat at kasabay nun ay ang paglabas ni Kaizer na may dalang card na may nakasulat na 'AGAIN?' Napatakip ako sa bibig ko. He's proposing.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Lumuhod siya at may nilabas na pulang kahon sa bulsa niya. Pagbukas niya rito ay nakita ko ang isang diamond ring. "Will you marry me? Again?" Tanong niya.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Yes." Sabay halik ko sa kanyang labi. "I love you." Bulong niya. "I love you too." Nagpalakpakan ang lahat ng tao pati na rin si Dale at si Kylie. Nakita ko ang mga anak namin na tuwang tuwa. Even Rence, nandito siya. I know, he's happy for me.

Naging malaking parte siya ng buhay namin ng tatlo at nagpapasalamat ako dahil hindi niya kami iniwan. Tatanawin ko yun ng isang malaking utang na loob sa kanya. Sana ay mahanap na niya ang babaeng para talaga sa kanya.

__________________________________________________________________________________

Thank you sa paghihintay!

Nakapag-update din. Wala akong masyadong masabi kasi may laban pa akong hinahabol so thank you!

Wait for my next update!

-Tine 🐰

My HUSBAND is my TEACHER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon