CHAPTER 3- THE AUDITION & TRYOUT

24 0 2
                                    

                  

Madaling lumipas ang mga araw at walang araw na di nagkakabanggaan sina MJ at Francis. Kahit isa sa kanila ay walang nagpapatalo. Isang galaw lang ni MJ ay may pang-inis si Francis. Kahit ang mga kaibigan nito ay walang magawa. Napapailing nalang ang mga kaibigan ni MJ kapag nagsisimula na si Francis.

Dumating ang araw ng audition ng cheering squad. Buong linggo din iyong pinaghandaan nila MJ. Sabay silang tatlo na sasayaw na sinang-ayunan naman ng captain ngayon sa cheerleading.


GABBY

Kasalukuyan kaming papunta sa gym para sa audition. Galing kaming girls CR para mag bihis ng oufit. Papasok na kami ng mamataan namin ang grupo ng 5 brothers kasama ang kakambal ni MJ na naglalaro ng basketball. At sa kasamaang palad ay madadaanan namin sila papuntang practice area ng cheering squad.

Pagkaraan namin ay sumipol ang ilang mga kalalakihang nadadaanan namin.

"sexy naman." Sabi ni Miguel ata. Isa sa 5 brothers

"ganda natin ah!" Jonathan

Dedma lang kami. "Ganyan purihin nyu lang kami" naka smirk kong sabi sa aking isip. Malalagpasan na sana namin sila ng magsalita si Francis na sana di nalang nya ginawa.

"Tsssss. San banda ang sexy dyan? Ang payat payat. Naghihirap na ba kayo bro?" tanong ni Francis kay Jonathan.

"Di no kahit nga pag nagka apo ako sa tuhod ay buhay prinsesa parin. Tigilan mo na nga kapatid ko. Haha" ang hangin no?

"tsk" sabi ni MJ



MJ

Nakakabanas talaga yung lalakeng yun! Sarap ipakain sa buwaya. Arghhhhhhhhhhhh. Nabalik lang ako sa aking sarili ng may sumiko sakin. Tumingin ako, si  Cel pala. Tinaasan ko sya ng kilay na parang tinatanong kong bakit.

"Tawag na tayo. Turn na natin. Wag mo nang isipin yung Francis na yun. Mabulunan sana" tsaka tumingin sa gawi ng basketball court. KAsalukuyan kasing umiinom ng tubig yung bakulaw na nagngangalang Francisco. "sana nga" wish ko na dininig naman agad ni God. I chuckled a bit.

We did our formation at nang mag start na ang music ay isinagawa na namin ang aming pinaghandaan na routine. Makapigil hininga ang pinaka finale naming routine which is konting pagkakamali lang ay paniguradong sa ospital kami babagsak.

Ng matapos kami sa awa ng Diyos ay nagpalakpakan sila. Napatayo narin yung mga judges na nakaupo kani-kanina lang.

"Oh my god, I didn't expect that you girls are that great. Wala akong masabi. I feel relief dahil I know that you can make our team to it's peak or baka lumampas pa. And because of that, you are in girls with no doubt. Diba guys?" tanong ni ate Ashley sa mga nanonood.

"Yes cap!"

"Ang galing talaga nila."

"Walang duda."

"Congratulations girls! Welcome to the team!" at isa isa kaming nakipag shake hands sa mga judges.

"We did it girls!" we squeal in delight.

Little did we know na may limang pares na mga mata ang di makapaniwala sa kanilang nasaksihan.



Morgan Jonathan

Kasalukuyan akong nag scro-scroll sa aking phone dahil break pa namin. Napatingin ako sa mga kasama ko. Naka nganga parin sila hanggang ngayon. Ikaw kaya makakita ng mga babaeng parang mga walang buto sa katawan kung makasayaw at parang lumilipad sa hangin. Minsan natatakot rin ako para sa kakambal ko pero masaya sya sa ginagawa nya eh kaya sinuportahan nalang namin.

"ano di parin kayo maka get over? Haha"

"pre ang lupet ng mga babaeng yun ah" Keven Anthony Montes o "Keven". Sya ang good boy sa grupo ng 5 brothers. Bagay nga sila ni Gabby eh. Hahaha.

"tao pa ba sila mga pre? Parang di eh!" di makapaniwalang sabi ni Kenneth Sil "Ken" Mendoza. Sya ang joker kahit minsan di nakakatawa mga joke nya. Peace bro hahaha

"ang sexy sumayaw ni Cel" nagsalita ang pinaka playboy na si Miguel Chun Ramirez o "Miggy". Nakilala ko sila nung minsang magkaaway ang team namin sa basketball noong gradeschool. At simula nun ay naging magkaibigan na kami pero nagtataka ba kayo kung bakit di sila kilala nang mga babaeng yun? Kasi di ko sila pinapapunta sa bahay. Hahaha. Baka magka-interes pa sa kakambal ko at sa mga babaeng yun. Bawal dahil mga playboy sila.

"tsk! Let's continue so that we can go home." Francis

"tara na nga"


FIELD~

Hanny

I'm still in the CR kasi katatapos ko lang mag tryout sa varsity and guess what? IM IN! I'm texting the girls that we should celebrate kasi naka pasok kaming lahat pati si Ven ay pasok din sa arts club. Yun pa? e naka ilang exhibit na rin yun. Mahihiya yung mga judges sa achievements na natanggap nya. Naka international exhibit na nga yung babaitang yun eh. Proud friend here!

Nakalabas na ako sa CR ng may makabunggo ako. Nako naman! Sisigawan ko na sana kung sinong ponciong pilato to kung di ko lang nakilala. Great! Sa lahat ba naming makakabangga ko eh yung pinaka iiwasan mo pa. yes he's my bastard ex. Si Michael Go.

"o anong tinitingin mo dyan? Alis nga. Wag kang paharang harang. Dadaan ang dyosa!"

"BABE-"

"wag mo kong ma babe-babe hayop ka! Pwede tigilan mo na ako? TAPOS NA TAYO! AS IN THE END" pinagdiinan ko talaga ang THE END. Ang kapal ng mukha pagkatapos akong lukohin may gana pang magpakita sa akin. Akala ko nag migrate na itong hayop na ito sa impyerno, di pa pala.

"let me explain kasi" parang naiinis na din ito.

"E explain mo yang mukha mo! Ang kapal din ng apog mong magpakita sa akin no? MABAOG KA SANA!" at tsaka sinipa nya sa pinaka iingatan nito! Serves him right!

Di pa ako nakakalayo ng may nagsalita sa gilid ko. "ouch that kinda hurt ha?" nakangising sabi ni Mckenzie ata. Yung isa sa 5 brothers kuno.

"ngayon? Baka gusto mong masample lan?" naiinis parin kasi ako sa Go nayun. Sarap ibitin patiwarik habang nakababad ang mukha sa muriatic acid. Harsh ba? Bagay lang yan sa mga walang hiyang kagaya nya.

"chill lang. I'm just saying." Kalmang saad nito

"paki ko sa saying-saying kuno mo!" sabi ko at dali dali akong umalis dun baka sa kanya ko mabunton yung inis ko.

Napapailing nalang habang nakatanaw sa Mckenzie sa amazonang babae. Napuno ng kuryosidad ang kanyang isip habang papalayo ito sa kanyang tanaw. Parang may nagsasabi sa kanyang "there's something more about her. And he will find out that sooner. Kabago bago palang nito kasama ng mga kaibigan pero nakuha na nila ang mga atensyon ng mga tao dito.





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Any violent reactions? hahaha

THANK YOU for reading guys :)

When A Guy falls In LoveWhere stories live. Discover now