[26] Courting Stephanie

9K 190 2
                                    

~Stephanie~

     Nung nasa garden na ako wala naman akong makitang tao , masaan ba si Kent? Bigla akong napatingin sa tabihan ko nung biglang lumabas si Kent dun na may dalang bulaklak.

     "Hi Crush!" tawag nya sa akin.

     "Hello." sagot ko naman sa kanya.

     "Flowers, para sayo." kinuha ko naman yung hawak na bulaklak nya.

     "Ano pala yung sasabihin mo?" bigla naman syang natigilan nung sinabi ko yun.

     "Seryosohin mo sana yung sasabihin ko sayo." biglang nawala yung ngiti sa labi nya at bigla na lang syang nagseryoso.

"Nalove at first sight ako sayo noon sa convinience store at simula nun crush na kita. Lalo kitang nagustuhan nung tinulungan mo ako sa bar, so can I court you?" bigla syang napapikit at hinintay ang sagot ko.

Alam ko may gusto sya sa akin dahil halata naman sa kilos nya. Wala pa akong balak na magsimula ng bagong relasyon sa ngayon na isa akong gangster but he's a gangster too. And when think about it wala naman na maaapektuhan sa amin maliban na laman sa pagpapanggap namin ni Nicolo.

"Okay I'll give you a chance but wag kang umasa baka masaktan ka lang," napamulat naman sya at bigla nya akong niyakap.

~

Next day nung pagkapasok ko pa lamang sa school ay nakita ko si Kent na hinihintay ako sa parking lot. Pumasok sya sa kotse ko at ibinigay ang dala nyang chocolate and flowers. Nagpasalamat naman ako at sabay na kaming pumasok.

"Nasaann pala ang buong gang?" tanong ko sa kanya.

"Nasa classroom na, maaga kasi silang pumasok."

Nung nakarating kami sa classroom inihatid ako ni Kent sa upuan ko at ibinigay sa akin ang bag na kinuha nya kanina. Narinig ko naman na naguusap silang apat tungkol sa akin kaya napangiti ako ng palihim.

~Grey~

I don't know what this feeling is. Whenever I look at Stephanie my heart is beating fast. Yes, I'm a cold guy but my heart is not frozen and It can fall anytime for someone.

Humiwalay sa amin si Kent nung pagpasok namin sa school at nakapagtataka dahil may dala syang bulaklak at tsokolate, may nililigawan ba sya?

"Sino kaya ang pagbibigyan nung siopao na yun ng mga flowers at chocolate?" tanong ni Renz sa amin.

"Baka may nililigawan sya." sabi naman ni Nicolo.

"Ang tanong sino?" tanong naman ni Renz.

Napatingin kami sa dalawang tao na pumasok sa classroom dala ni Stephanie yung flower na dala dala lamang ni Kent kanina. Nililigawan ba ni Kent si Stephanie? May biglang kumirot sa puso ko and I don't want to know what it is even though I know.

"Nililigawan mo ba si Stephanie?" tanong ni Renz.

"Yep and tinanong ko sya kahapon and pumayag sya." ngiting hanggang langit na sabi ni Kent. So totoo nga and napatingin naman ako sa katabi kong si Leader na nakayukom ang kamao nya. Mahal pa ba nya si Stephanie?

The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon