[60] The War

6.5K 99 1
                                    

Author's PoV

     "War of the Year, is the yearly war in Gangster World. It's a war which will determine who's the strongest gang."

     "Walang rule ang war, you can kill if you want. There's 10 platform in the Arena, the first platform is for rank 10, the second one is for rank 9 and so on. There's a superior in every platform if you want the rank you can fight whoever wants that rank. Until only one gang remains and that gang wins that rank. That's simple so let's get started!" paliwanag ng MC sa harap ng halos 30 gangs.

~Stephanie~

So this is how it works? It's our first time in the Yearly War so bago pa ang lahat sa amin ng Skilled Demotic Gang pero Demon Gang na kami ngayon. Biglang natahimik kaming lahat nung may biglang nagbukas ng main entrance dito sa Arena.

It's them, the Unknown Gang. They're strong I can see that. Wala kaming makuhang impormasyon tungkol sa gang nila at kung sino man sila. Napangisi ako nung humarap silang lahat sa direksyon ko.

Naka all black silang outfit katulad ng karamihan dito kasama na rin kami. Walo silang lahat at may mga babae rin. Kitang kita yun sa uri ng pananamit nila. Nakipagtitigan ako sa parang tumatayong leader nila. Parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan namin pero natigil yun ng may biglang nagsalita.

"Stop that Stephanie" napatingin ako sa tabihan ko. Nakaupo si Nicolo sa tabihan ko at hinawakan ang kamay ko, pinipigilan nya ako.

"Ang tsansing mo." sabi ko sabay irap at tanggal ng kamay ko sa hawak nya. Umamin sya sa akin nung isang araw na mahal na nya ako pero hindi ko pa sya si sinasagot.

~
     "Nag alala ka ba sa akin kanina?" tinutukoy nya ay yung pagpasok nya sa Hell Room.

      "H-ha? Hindi kaya alam ko naman na kaya mo yun!" halos pasigaw na sabi ko sa kanya.

     "Ahh, pero Stephanie may sasabihin sana ako sayo..."

     "Ok, ano yun?"

     "Ahm gusto kita, a-ah hindi pala mahal na kita." biglang nanlaki yung mata ko at hindi makasagot. Hindi ako makapagdesisyon nung araw na iyon dahil kinakabahan ako na baka mapahamak sya dahil sa akin.

     Oo, mahal ko na rin sya at alam kong pareho kaming gangster pero marami bagay ang dadating sa War of the Year pero after that sasagutin ko sya. Sasabihin ko na 'mahal ko' na rin sya.
~
"Let's go?" nagsimula na ang war kaya pumunta kami sa platform para sa rank 1. Kinuha nila yung name ng gang at pinahahanda, kami ang unang nakapunta kaya kami ang uunang lalaban. Hanggang may gang na naglakas loob na lumaban sa amin.

By the way, only 10 gangs can compete in every rank. Kaya kung hindi ka nakaabot hindi ka na makakalaban so until we defeat the 9th gang we'll win the first rank.

Rank 6 ang lalaban sa amin ngayon. I think this round is easy since sabi ni Nicolo they already defeated them almost seven times. Nagsimula ang laban kaya naghanda na kami. Gamit ko ngayon ay isang katana, ang personalized na ibinigay sa akin ng Gang ni Nicolo.

Puro tunog lang ng katana at iba pa ang maririnig mo, syempre ang daing ng mga kalaban namin. Hindi pa nila ako nahahawakan or nadadaplisan man lang. Madali lang ang laban at natalo namin sila within 3 minutes.

Mga apat pang gang ang lumaban sa amin at naging madali ang laban namin. Tumigil muna kami sandali para maghabol ng hininga and until now wala pa rin akong nakukuhang sugat galing sa mga nakalaban namin.

     "Anim na lamang na gang ang natitira so let's finish this." sabi ko sa kanilang lahat. Kalma pa rin kaming lahat hanggang naka walo kaming gang at natalo namin sila. Compared to us, nasa ibabang level sila they can't even touch me. 

     "Leader, the last gang is Unknown Gang." naramdaman ko naman yung tension sa amin. Nilabanan rin kasi nila yung mga nakalaban namin kanina at they're super strong. Sana ligtas kami pagkatapos nito...

~

     "So you're the infamous Princess Killer?" sabi nung tumatayong babae na leader.

     "Yep that's me, and you? I don't even know you." pabalang na sagot ko sa kanya.

     "Really? That's normal dahil pinaghandaan namin etong laban na ito for months."

     "One word that can describe you guys is... COWARD! Bakit hindi kayo kilala or nagpapakita man lang! Takot ba kayong matalo?" mataray na sabi ko ulit. Halos hindi ko na pagsalitain ang Demon Gang.

     "Talaga? Humanda ka, dahil ngayong gabi ko tatapusin ang buhay mo." nangilabot ako sa sinasabi nya pero hindi ko iyon ipinakita.

     "Then, let's start." naghiwa hiwalay kaming lahat at humanap ng kakalabanin, walo sa walo kaya isahan ang labanan. Syempre nakatapat ko ang leader nilang kaaway ko kanina lang.

     "Handa ka na bang mamatay?" sinabi nya yun habang nakaigting yung panga nya. Halatang galit sya dahil sa pinagsasabi ko sa kanya kanina.

      "Talaga? Papatayin mo ako? Simulan mo na kaya?" hinugot ko yung katana ko at tinuro sa mukha nya. Mas maganda ng sabihin sa maskara nya. Hinugot na nya rin yung katana nya.

     "Sige kung gusto mo." una syang umatake.

      Ikinumpas nya iyon sa may leeg ko pero tinapik ko yung katana nya. Patuloy ako sa pagatake sa kanya at biglang tumalon nung inatake nya ako sa paanan ko. Tumalon ako at hiniwaan sya sa braso nya.

      Natigilan sya kaya I tale the chance to slash her feet pero tumalon rin sya at ngumisi. Napangisi rin ako at inatake sya muli, hanggang nagkatapat ang katana namin. Naglalaban kami ng lakas ngayon, hanggang natalo ko sya at inatake ang tiyan nya. Nahiwaan ko naman yun.

     Hanggang nakaramdam ako ng hapdi sa braso ko, pero hindi ko yun idinaing at lumapit sa kanya. Nakatutok na yung katana ko sa leeg nya nung biglang tumapon yung katana nya, nung gumalaw sya idiniin ko pa iyon na nagpahiyaw sa kanya.

     No can ever defeat us, me the Princess Killer. Lalo na't magkasama ang parehong gang na nangunguna sa Pilipinas at Korea. I can't kill her pero kaya ko syang saktan na parang mamamatay ka sa sakit.

     Nanlaki yung mata ko nung bigla syang naglabas ng baril at itinutok sa puso ko. Oh god, wala akong panlaban sa baril nya! Ang meron lang ako ngayon is katana at ibang shuriken na naubos na.

     "Lumapit ka or ipuputok ko 'to!" umatras ako ng ilang hakbang papalayo sa kanya. Ngayon sya ang may hawak ng buhay ko, dahil wala akong kalaban laban sa baril nya but there's another way I can dodge it.

     "Go on, pull the trigger." sabi ko sa kanya. Kita ko naman na gumagalaw ang mga daliri nya kaya hinanda ko yung sarili ko sa pagilag. Bumibilang pa sya bago paputukin ang baril nya, hanggang hinugot na nya yun at nakaramdam ako ng katana sa leeg ko at kasabay nun ay ang pagputok ng baril na nagpatigil ng mundo ko.

     "NICOLO!" This can't be happening! No! It can't be!

~

     Hoh~ Last 1 chapter guys! Bukas ko po ipopost ang last chapter! Sana po magvote kayo para mainspire pa po ako sa pagsusulat! Thank you!

    

The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon