[54] The 2 Gangs

6.2K 123 0
                                    


     Sumilip uli ako sa mga tao sa likudan ng classroom, nakakagulat hindi na sila cold! Kaya lumabas na ako sa likudan ni Kuya at humarap muli. Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

     "Miss can I ask a question?" tanong nung isang lalaki. Isang lalaki na nasa unahan ko.

     "Yes."

     "Princess ang pangalan mo?"

     "Oo, yun ang alam ko."

     "Ha? Hindi ko gets." nagkamot naman sya ng batok.

     "Ahh, wala kasi akong maalala." tumango naman sya at biglang natahimik ang buong classroom. Napatingin uli ako sa likudan ng room, bigla kong nakita si Kent.

     "KENT!" sigaw ko kaya silang lahat napatingin kay Kent at sa akin. Tumakbo ako papaunta kay Kent.

     "Hindi mo pala sinabi na dito ka nagaaral edi sana natext kita kanina! Ang duga mo naman pakurot nga." sabay kurot sa pisngi nya, natutuwa ako sa kakyutan nya.

     "Princess, I need to go now," Sabi ni Kuya.

     "Sige Bye Kuya Bryan!" at kumaway ako. Naghanap ako ng bakanteng upuan at yun ay katabi nung mga cold na babae kanina. Inilagay ko yung bag ko sa upuan dahil hindi ko pa alam ang locker number ko,  puno pa ang bag ko.

     "Hi ako nga pala si Princess." pagpapakilala ko sa babaeng maganda sa tabihan ko. (Kayla) Natulala sya kaya umiwas na lamang ako ng tingin at tumingin sa harapan. Bigla naman tumahimik ang buong classroom.

     "Ma'am wag nyo sabihing walang pasok lagot kayo sakin tsutsumbagin ko kayo tingnan nyo." bigla naman natawa ang ibang kaklase ko kaya nakitawa na rin ako.

     "Okay let's start."

~Ring~

     Kanino ako sasabay pagkain ng break? Wala naman akong kakilala maliban kay Kent. Ting! Kay Kent ako sasabay! Lumapit ako sa upuan ni Kent. Kinurot ko yung pisngi nya kaya nagulat sya pati yung mga kasama nya.

     "Ken, pede pasabay sa pagkain? Wala akong kasabay, please?" sabay puppy eyes. Tumingin naman sya sa isa nyang kasama na parang leader ata. Napatingin din ako sa tinitingnan nya, ang gwapo naman nya. Nagningning yung mata ko. At nasabi ang hindi dapat sabihin.

     "Ang wafuuuuuu." nung narealize ko yung sinabi ko napatingin ako sa kanila. Nagawkward ng tawa at nauna ng tumakbo palabas.

~Kent~

     "Ang wafuuuuu," bigla namang lumabas si Princess at napatingin ako kay Nicolo. Namumula sya!

     "I can't believe that she's alive," sabi ni Ann nung dumating sila sa pwesto namin.

     "Me too, and I don't want to lose her again." sabi ni Nicolo. Yung cold na Nicolo ay bumalik na sa pagiging mahinahon.

     "Ang tagal nyo naman." saka nya nilibot ang paningin sa aming pito. Natigil yun kay Grey na malamig na naman ang titig. Nagulat ako nung bigla syang kumapit sa braso ko.

     "Natatakot ako sa kanya, Kent." natawa naman ako.

     "Halika na, wag mo akong pagtawanan dyan." sabi nya sabay hila sa akin. Napatingin ako kay Leader, leader pasensya na sadyang komfortable lang si Princess sa akin dahil nagkakilala na kami pero sana wag nyang sirain yung cellphone nyang hawak. Ang higpit ng hawak nya, selos?

     "Gusto ko nun, nun, nun, nun, nun at nun." sabay turo sa gusto nya at inorder yun. Nagbago yung ugali nya pero yung katakawan nya hindi. Napangiti ako dahil bumalik sya, thank god.

     "Ahh pasensya na, hindi ko kayo kilala pede ba magpakilala kayo?" sabay kamot sa ulo nya.

    Nagpakilala kaming lahat sa kanya at madali naman nya yung nasaulo. Kumain na kami ng maayos habang sya ay kwento ng kwento.

"May kilala ba kayong Stephanie?" bigla kaming nalungkot.

"Yes, and you're Stephanie," sagot ni Kayla sa kanya.

"Talaga? So kilala nyo ang pamilya ko?" tumango naman kami. But we can't tell her that. She need to remember that or we'll ruin her mind thinking about things.

"Yes, but sorry we can't tell you." napanguso naman sya. She really changed, cold to being childish at nakikipagusap na sya sa ibang tao. I want her memories back pero wag yung ugali nya. I don't want the cold Stephanie back.

~Stephanie~

     Kumain na lamang ako at nanahimik. Kanino kaya ako magtatanong tungkol sa magulang ko? Kay Kuya Bryan?

     "Kent may girlfriend ka na ba?" tanong ko kay Kent. Tinanong ko yun para pambasag sa katahimikan.

     "Wala naman ikaw ba meron?" Meron ba ako? Oo si Greg haha.

     "Oo naman." nanlaki naman yung mga mata nila.

     "Sino?" tanong uli ni Kent.

     "Hindi ba nakausap mo sya nung isang gabi sa convinience store?" tanong ko sa kanya.

     "Si Greg?!" sigaw nya.

    "Kilala mo ang boyfie koooooo?" bigla akong nakaramdam ng itim na aura nanggagagling yun kay Nicolo? Oo kay Nicolo.

     "Wahhh nakakatakot, wag kang ganyan." nagtago ako ulit sa likod ni Kent. Natatakot ako kay Nicolo!!!

~

     Bumalik na kami sa klase at nagaral syempre. Hanggang sa natapos yun at lumabas na ako. Bigla naman akong napatingin sa kanila nung sumabay sila sa akin.

     "Hindi pa ba kayo aalis?" tanong ko sa kanila.

     "Aalis na pero sino ang susundo sa iyo?" naaninag ko naman sa kalayuan si Kuya Bryan at Boyfie Greg?!

The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon