Fourth Stop

970 36 4
                                    

Ikaapat na Kabiguan

Lugar:     Sa labas ng school

Oras:      Labasan, mga alas-singko ng hapon

Kanino:  Sa kanya…

 

          “I love you, Babe.”

           “I love you, too!”

          Niyakap ni Lianne si Marco habang naglalakad sila pauwi, habang wala pang tao sa paligid. Pero mabilis lang iyon. Agad rin silang naghiwalay.

           “Lianne, pwede ko bang hawakan ang kamay mo?”

          Saglit na tinitigan siya ni Lian. “Marco, alam mo namang hindi pwede ‘di ba? Nasa pampublikong lugar tayo.”

          Hinayaan na lang ni Marco. Sinabayan na lang niya si Lian sa paglalakad. Tinitigan ito. Ang ganda talaga ni Lian. Kahit hindi masyadong ngumingiti maganda pa rin. Para sa kanya, si Lian na ang pinakamagandang babae sa paningin niya.

           “Marco,” tawag sa kanya ni Lian saka siya pinigilan sa braso. “After five seconds,” utos nito saka naglakad.

          Tumigil saglit si Marco at nagbilang sa isip niya. ‘After five seconds’ naglakad na rin siya kasunod ni Lian. Iyon ang ibig sabihin ng ‘after five seconds’ nito. Pagkatapos ng limang minuto, saka siya maglakad. Para hindi sila magkasabay. Dahil nasa pampublikong lugar sila.

          Wala na siyang nagawa kundi huminga nang malalim. Ganun talaga si Lian eh. Bawal silang maging clingy sa isa’t isa kapag nasa pampublikong lugar sila. Kung minsan nga, pribadong lugar na, ang hirap pa rin maka-iskor kay Lian. Anak ng usang pampublikong lugar ‘yan. Panira sa relasyon nila.

          Binilisan ni Marco ang paglalakad. Para maabutan naman niya kahit hibla ng buhok ni Lian. Ganun na lamang araw-araw ang scenario nilang dalawa. Sabay nga silang uuwi pero hindi naman sabay ang paglalakad nila. Para sa kanya, walang sweet doon. Ganun na nga lang ang role niya bilang boyfriend ni Lian, second priority na nga lang siya, maging sa mga simpleng gawain ng magkasintahan ba naman, olats pa rin siya? Kaya’t binago niya. Naabutan naman niya si Lian. Halos dalawang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Naisip niyang higitin ito sa braso sabay yayakapin. Wala naman sigurong masama doon. Ngayon lang naman.

          Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya papunta sa braso ni Lian nang biglang nawala ito sa harap niya.

          Ayun naman pala. Nasa kamay na ng iba.

           “Lian! Dapat sinabi mong uuwi ka na. Sana sinundo na kita,” nakangiting sabi ni Archie kay Lian. Napunta ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay ng girlfriend niya. Kung ano-anong masasamang bagay na ang inisip niya kay Archie. Bobo siya. Dugyot. Lampa. Anong basketball player? Baka nga Chinese garter nilalaro niyan eh. Habulin? Ulul! ‘Yang pangit na ‘yan? Pero siyempre, imahinasyon niya lang ang mga ‘yon. Hiling lang niya. Bagay na hindi yata magkakatotoo.

           “Ah… Iniisip ko kasi na busy ka sa practice niyo,” nakangiting sagot naman ni Lian. Seryoso ang tingin na itinapon niya kay Archie, ang lalaking panira sa relasyon nila. Ang first priority.

          Napatingin rin sa kanya si Achie. Nagtataka. Sino ba namang hindi. Eh nag-uusap si Lian at Archie tapos nandoon siya sa tabi. Ano siya? Props?

           “Lian, kasama mo?” tanong nito sa girlfriend niya.

 

           “Ah…” Tiningnan siya ni Lian, saka tumingin ulit kay Archie. “Hindi. Kilala mo ba?”

           “Hindi rin. Tara na,”

          Inakbayan ni Archie si Lian saka sabay na naglakad ang dalawa papunta sa bahay nina Lian. Habang naglalakad ang mga ito, hindi nakalampas sa mga mata niya ang pagsulyap sa kanya ni Lian, ang panlalaki ng mga mata nito kasabay ang pasimpleng pagpispis ng kamay nito. In short, umuwi ka na, Marco. You’re done.

          Pero hindi pa man nakakalayo ang dalawa ay napansin niya ang jersey  ni Archie. Masama ang loob na tumalikod siya. Madapa ka sana, Archie! Napakasama ng ugali!

          Talagang number 2 pa ang jersey number nito! Pinaparinggan pa yata siya!

STOPOVER (Filipino One Shots)Where stories live. Discover now