Fifth Stop

1.1K 47 10
                                    

Ikalimang Kabiguan

Lugar:     Sa canteen

Oras:      Labasan, mga alas-singko ng hapon

Kanino:  Sa kanya…

 

          “Pero ang ganda ni Merryl ngayon. Ang sexy niya. Blooming siya.”

          “Oo nga. Saka parang chicks na chicks siya ngayon. Buhay nga naman.”

          Tinapunan ng masamang tingin ni Denver ang dalawang kaibigan niya. Pag-usapan ba naman ng dalawa kung gaano kaganda ang ex-girlfriend niya matapos ang break-up nila? Inis na inis siya. Ano namang maganda kay Merryl? Ganun pa rin naman ito. Halata nga dito na affected pa ito sa naging paghihiwalay nila.

          “Ito namang si Denver, ayaw pang umamin na ang ganda ng ex niya ngayon. Samantalang nahuhuli ka nga namin na palihim na tumitingin sa kanya.”

          “Anong palihim na tumitingin ang sinasabi mo?”

          “Sus! Kapag tulala ka, ibig sabihin, kay Merryl ka nakatingin. Ilang beses ka na namin nahuli ‘tol. ‘Di ka pa ba nakaka-move on?” Nakangising siniko pa siya nito.

          “Balita ko, minsan umiiyak pa rin si Merryl eh. Pero mukha namang moved on na siya,” sabi pa ng isa niyang kaibigan.

          “Ako, moved on na ko. Matagal na. Baka nga siya diyan ang hindi pa,”sagot niya. Na medyo mapait ang lasa.

          “Ows? Hindi mo na mahal?”

          “Hindi na,” taas-noo pa niyang sagot.

          “Kahit may iba nang mahal?”

          “Sino naman?” tanong niya. Pero inasar lang siya ng dalawa niyang kaibigan. Bakit niya nga naman kasi natanong kung sino ang bago ng nakaraan niya? Bakit siya interesado? “Ano ba kayo, tapos na kami. Wala na ko kahit gatiting na nararamdaman sa kanya.”

          “Wow! Congrats!”

          “Saka kung may bago man siya, ano naman ngayon? Tinatanong ko lang dahil sinisigurado kong mas gwapo ako sa ipinalit niya. Sabi ko naman sa inyo, si Merryl talaga ang kapit na kapit sa ‘kin.”

          “Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ng isa niyang kaibigan. “Grabe, ang gwapo mo naman pala, Denver!”

          “Oo. Talaga. At wala na akong balak na makipagbalikan pa sa kanya. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko.”

          “Moved on ka na talaga, ‘tol! Apir!” Makikipag-high five pa sana ang kaibigan niya sa kanya pero tumayo na si Denver sa kinauupuan niya. Uuwi na lang sana siya. Pero hindi pa rin siya tinantanan ng dalawa niyang kaibigan. Talagang nakabuntot pa rin ito sa kanya, hanggang sa paglalakad niya sa labas ng paaralan.

          “Denver, pwedeng magtanong? ‘Di ba magaling ka sa HTML codes? Saan mas magandang ilagay ang CSS? Sa header o sa body?”

          “Sa header. Sabi ni Merryl sa ‘kin dati, mas ma-sho-shortcut ang CSS codes kapag sa header. Nung ginawa kasi namin sa body, humaba yung codes.” Magaling siya sa mga HTML, Java, Javascript, at kung ano-ano pang scripting language sa computer. Si Merryl ang nagturo sa kanya noon kaya siya gumaling doon. Nasa ganoong larangan kasi ang trabaho ng mga kapatid nito kaya master na ni Merryl iyon.

          “Eh, yung isang project ba natin sa computer? Yung gagawa ng pangalan gamit ang asterisks? Hindi ko talaga makuha ‘yon ‘tol. Ano ba talagang ilalagay? Buong pangalan? Ang haba naman nun!”

          “Hindi. Initials mo lang ang ilalagay mo. Halimabawa, Merryl Shelly Talavera. Eh ‘di MST lang ilalagay mo. Yun lang yung gagawan mo ng asterisks.”

          “Ah. Ganun ba yun. Ang hirap ng computer natin ngayon. Kung bakit naman mas mahirap pa ‘yan sa Math. HTML, Java, JaveScript, VB Sript. Psh!”

          “Madali lang naman yun ‘tol. May techniques na tinuro sa ‘kin dati si Merryl eh. Ituro ko sa’yo bukas.”

          “Sige, Denver. Salamat. Buti ka pa, ang galing mo na diyan.”

          Napangiti siya. “Eh kasi third year pa lang tayo, tinuturuan na ako ni Merryl nito. Saka sabi nga niya sa ‘kin, tiyaga talaga ang kailangan. ‘Wag kang susuko. Saka dapat, gawin mong excited yung sarili mo sa topics na yun. Kahit hindi mo gusto, magpanggap kang gusto mo hanggang sa maging totoo na. Parang kami lang yun ni Merryl eh. Naalala ko dati, do’n sa may playground. One time, may babaeng umiiyak tapos may kayakap na lalaki. Inis na inis ako. Doon ba naman mag-drama sa harap namin. Pero sabi sa ‘kin ni Merryl, kung gusto ko raw maintindihan yung nararamdaman nung babae, magpanggap ako na naiintindihan ko siya hanggang sa maging totoo na. In the end, na—”

          “Denver,”

          “Ha?”

          “May isa pa kong tanong.”

          “Ano yun?”

          “Ilang beses mong sinabi ang pangalan ni Merryl ngayon araw na ‘to?”

 

STOPOVER (Filipino One Shots)Where stories live. Discover now