C H A P T E R : F I V E

4.1K 91 2
                                    

"May outing daw ang batch nyo." Sabi ng proffesor. Tumunog ang bell kaya lumabas na agad ako.

Hingal na hingal akong tumigil sa rooftop. May bumabagabag sa akin this past few days, hindi ko alam kung ano.

"Anong ginagawa mo dito?" Biglang sulpot nung lalaki.

"Tanga ka ba? O sadyang tanga ka lang? Malamang nagpapahangin." Pagtataray ko, umiling iling lang sya sa mga pinagsasabi ko. Uminom sya ng isang beer in can.

"Gusto mo?" Tumango ako at inabot sa kanya ang beer. Alam kong bawal to pero okay lang pampaalis ng bagot.

"Bakit ba ang sungit mo?" Napatakip ako sa bibig ko sa nasabi ko.

"Di ko alam." Baliw ba to?

"Galit ka ba sa mundo?" Para syang ganun eh. Baka pinaglihi to sa sama ng loob.

"Baka." Uminom pa ako ng konting beer na binigay nya. Light naman ito kaya hindi ka agad malalasing.

"Bakit?" Takang tanong ko. Wala din naman ako sa pwesto na magtanong, pero baka gusto nya lang mag share.

"I'm an adopted child. Akala ng mga tao na anak talaga ako ni Dad. Isa syang senador ngayon." Walang emosyon ang mukha nya, nakatitig lang sya sa kawalan.

"Walang tao na nakakaalam ng tunay na ako, even my dad hindi nya kilala ang tunay na Thunder."

"Nakakatuwa lang dahil nag open up ako sa isang tao na hindi ko kakilala. Ang hina ko talaga kahit kailan." Niyupi ko ang can ng beer dahil naubos ko na ito at itinapon ng basta basta sa sahig.

"Alam mo Thunder, hindi ka nag iisa. Ako mag-isa nalang ako na nabubuhay ngayon. Palaboy laboy nalang. Binubuhay ko ang sarili ko. Buti ka mga may ama ka pa na masasandalan. Eh ako? walang wala."

Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Oh ito panyo, wag kang umiyak. Pangit ka na nga papangit ka pa." Sinuntok ko sya sa braso at napatawa sa sinabi nya. Inabot ko ang panyo, pinunasan ko ang mata ko.

"Ang sakit mo naman manuntok, babae ka ba?" Hinihimas himas nya yung braso nya na sinuntok ko.

"Gago." Nailing iling kong sabi.

"Wag ka ngang ngumiti, ang pangit mo." Sinapak ko na sya, at natawa ako. Hinawakan nya ang pisngi nyang nasampal ko. Nanlaki ang mata ko ng gumuhit ang isang ngisi sa labi nya.

"Babawi naman ako." Bigla nyang pinagsusundot ang tagiliran ko.

"Hahahaha stop... stop stop..." Kikilitiin nya sana ako muli pero agad akong nag tumbling patalikod. Tatakbo sana sya papunta sa akin ngunit pinilipit ko na sang kamay nya.

"You're fast huh?" Bigla syang nagtumbling habang hawak hawak ko sya kaya ako na ngayon sang namimilipit sa sakit.

"Akala mo ah?" Pinakawalan nya ako, inunat unat ko pa ang braso ko.

"Magaling ka pala." Umupo sya at nagsimula muling mag inom.

"You too at mukhang magkakasundo tayo." Ngumiti sya sa akin, napangiti tuloy ako pabalik.

"Dude's?" Inextend ko ang kamay ko na nakaform ng fist. Kibit balikat lang sya at inilapat ang kamay nyang naka fist na din sa kamay ko.

"Wala namang masama sa pakikipag kaibigan diba?"

The Lost Mafia Lord: Eyes full of Emotions (1st And 2nd Half) #Wattys2016Where stories live. Discover now