Chapter 62

2.6K 69 0
                                    

PIPER'S POV

"Ms. Enrile! Stop day dreaming!" Nagulantang ako sa sigaw ng aking professor at napaayos ng upo aking upuan, napatingin ang lahat sakin at nagtataka sila kung bakit nagkakaganito ako. "Wag kang matulog sa klase 'ko kung ayaw mong mapunta sa Detention room!"

"S-sorry, sir." Paumanhin ko, nagpalipat ako ng section. Umiiwas ako kay Jill, puyat ako magdamag kaya't nakakatulog ako sa klase. Umiiyak ako buong gabi, at kaunti lang kung kumain. Nawalan ako ng gana sa buhay, maging si Adam at Timi, at iba pa naming kabarkada ay iniiwasan ko maliban kay Klare at Megan. Iniisip ko yung dati naming ginagawa, yung kaming tatlo lang. Yung tahimik pa buhay namin sa London, yung tahimik pa buhay namin sa Xian University. Nagbago lang naman lahat nung lumipat kami dito sa Javier University.

"Ok, wag mo ng uulitin." Tumango ako sa sinabi ng professor, at saka nakinig nalang. Nang tumunog ang bell ay agad akong tumayo. "Dismiss."

Lumabas ako at nagulat sa nakita. Si Jill yun, salubong ang kilay at diretsong nakatingin sakin. Diretsong diretso! Tagos ang titig niya!  Umatras nalang ako at saka tumalikod.

"Piper." Nanlamig ako nang sabihin niya yun. Napahinto ako pero nakatalikod pa rin. Kinda awkward. "Bakit ka lumipat ng section?" Malamig pa rin ang pagkakasabi niya nun, humarap ako at napasinghap.

"P-para naman-- m-mag improve a-ako." Nakayukong sabi ko, dinahilan ko lang yun, pero ang totoo ay gusto kong lumayo sakaniya. Gusto kong iwasan siya pero malabo dahil nasa iisang unibersidad kami.

Tumango-tango siya na para bang paniwalang paniwala sa sinasabi ko.

"If you say so..," sabi niya, ngumiti nalang ako ng pilit at saka tumalikod. Nakayuko akong naglakad.

Sobrang sakit.. Ang sakit sakit.

Dapat talaga ay itinago ko nalang ito. Dapat nagpaka-torpe nalang ako. Sobra akong nanghihinayang sa friendship namin, sobra. Yung mga alaalang binuo namin bilang magkaibigan, nasayang dahil sa lintek na nararamdaman ko. Ang hirap na layuan siya lalo pa't ngayong mahal ko na siya. Imbes na mabawasan yung nararamdaman ko ay lalong nadaragdagan! Sobra akong naiinis sa sarili ko sa pangyayaring iyon. Bawat panghihinayang ay sinisisi ko ang sarili ko.

Dumiretso ako sa Cafeteria, tutal ay vacant ko naman. Umorder lang ako ng juice at burger. Simpleng burger lang, di tulad ng binibili namin ni Jill na malaki, maraming palaman.

"Piper." Napaigtad ako at nabulunan. Sa totoo lang ay nagulat ako. Nakita ko si Timi na malungkot rin ang hitsura. Anong nangyari sakaniya? Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa. Na inipit sa kanluran tinapon sa silangan. "You look pale."

"You too." Simpleng sagot ko ngunit mahihimigan ang kalungkutan. "Vacant mo rin?"

"Yeah.., ano nangyari sainyo ni Jill? Nagpalipat ka rin daw ng section?" Tanong niya. Ito ang pinakaayoko sa lahat, ang buksan ang topic na to.

"K-Kain nalang tayo." Pilit na ngiti ang ipinakita ko sakaniya.

"Ang konti mo na kumain, ano ba talaga nangyari?" Nakangiwing  sabi nya.

"W-wala." Iwas tinging sagot ko.

"TJ." Shit, ang boses na yun... "Tara na, male-late na tayo sa next sub."

"Sige, Jill. Bye, Piper. See you around." Sabi nito sakin bago umalis.

Napatingin nalang ako sa pagkain ko. Wala pa sa kalahati nakakagatan ko nawalan na ko ng gana. Ang daya mo talaga, Tadhana.. Napakadaya mo.

Tumayo na ako at iniwan nalang ang pagkain. Sorry, Lord, wala lang talaga akong gana.

Pero nakonsensya ako at binalikan ang pagkain. Ibibigay ko nalang sa pulubi sa labas.

"S-salamat po, Ate! Pagpalain po kayo ng panginoong diyos!"

"Walang anuman." Sabi ko sa batang pulubi. "Mauna na ako." Sabi ko saka umalis at pumunta sa next sub.

Agad akong umalis pagkatapos ng klase. Gusto kong mapag-isa.

Sana maayos... Sana... Bumalik tayo sa dati, Jill.

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now