Chapter 78

2.5K 70 5
                                    

TIMI'S POV

Agad akong nanghina sa narinig, nanghihina ako sa nangyari kay Megan. Posible pang madagdagan!

"A-Anong..?" hindi ko matapos ang sasabihin. "A-Anong..ibigsabihin m-mo?" kinakabahan 'kong tanong.

"I... I-I don't know, t-too!" utal utal na sabi ni Piper.

Kumalabog ang puso ko, hinang hina na ako! Hindi ko alam kung papaano pa ako makakatayo. Hindi ko alam kung paano ako lalakas, si Megan ang kailangan ko. Siya ang lakas ko. Ngunit ang lakas 'ko'y ngayon ay nakahiga sa kama ng ospital at walang malay. Kahit pa sabihin mong ligtas na siya at wala na sa kapamahakan ay hindi ibigsabihin nong hindi na madaragdagan ang pangamba sa aking dibdib.

"Timi," matigas na sabi ni Blake.

"Timi," tawag rin sa akin ni Margarette.

"You are her strength," emosyonal na sabi ni Tita.

"Timi, you are the one who can make her awake," dagdag ni Klare.

Tumango naman sa akin si Jill at Adam.

"Anong gusto niyong gawin 'ko?" walang emosyong tanong ko.

"Kung hindi siya magigising.., o hindi mo siya magising, ikaw ang tatayong protektor," nakayukong sabi ni Tita.

Kinabahan ako agad.

"A-Ano?"

"Kailangang magising ni Megan," matigas na sabi ni Blake.

Napapikit ako ng mariin, hindi pwede ito.

Ilalaban na naman nila si Megan, ganoon ba? Hindi ba't kailangan niya ng pahinga? She's still woman! Oh God! What kind of people are they?

"God! Hindi ba kayo naaawa kay Megan?! She's still a woman! She need to feel safe, too!" napatayo ako sa sobrang inis.

"Calm yourself down, Timi, you're talking to my family, you're talking to Elizalde. A great mafia family," matigas na sabi ni Adam at saka ibinulsa ang parehong kamay sa bulsa.

God, wala bang nakakaintindi sa akin rito?!

"She's.. still a woman-"

"Yes, she's still a woman, but she need to protect this family, your family, their family, she approved it. And we want her to prove it. She's an Elizalde, Timi, she's not just nothing," matigas sa ingles na sabi ni Blake.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now