Chapter 30

490 7 1
                                    

Bree's POV

Nagtungo ako sa park kung saan ang daming memories na naiwan at hindi na muling binalikan. Ngayon lang.

Naglakad ako papunta sa silong ng isang malaking puno at umupo tsaka ko isinandal ang likod ko. Bumalik sa akin yung mga masasakit na salitang binitiwan nila. Unti-unti namang nagsilabasan yung mga luha ko at bumalik ang mga ala-ala namin noon.



We're not that rich before. No business and problems. We live like a normal people. Kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Naliligo araw-araw.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga natirang huling araw bago nagbago ang takbo ng buhay namin.

"Baby come back here!" Habol sakin ni Yaya Beth. Ako naman ay pilit na tumatakbo palayo sa kanya at tumatawa.

"Hahaha! No yaya! Come here and catch me if you can!" Tumatawang sabi ko sa kanya. Nakita ko naman sina mom and dad na palapit sa pwesto namin.

"Mom! Dad!" Napangiti naman sila nung nakita ako at sinalubong nila ako ng yakap.

"Hay naku! Ang bilis mong tumakbo!" Tinawanan ko si Yaya at inabutan ko siya ng tubig.

"Pawisan na naman tong baby girl ko. Halika nga at magpalit." Pinalitan ako ni mommy ng damit at pinanggigilan muna bago ako pinakawalan.

"Daddy!!!" Tili ko ng bigla akong kilitiin.

"Hahaha! Ano baby? Aasarin mo pang weak si Daddy ha? Ha?" Sabay sundot ni Daddy sa tagiliran ko habang tumatawa kami.


"Stop hahaha! No daddy! You're so strong kaya! You always protect me to my enemies. You're the best Daddy!" Sabay hug ko sa kanya.

Natapos ang araw na yun na masaya kami. Wala sina kuya dahil nasa States sila. Umuwi kami sa bahay at halatang problemado ang mga katulong sa bahay.

"Oh? What's with your face?" Natatawang tanong ni Mommy sa kanila. Napatungo naman ang lahat.

"Ma'am, sir. Mr. Gilbert Xiu is dead." Nakatungong sabi ng isang katulong namin. Ako mismo ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

S-Si Lolo?!


"W-What happened to my Dad?!" Naluluhang sabi ni Daddy si mommy naman ay umiiyak na.

"Inatake po siya sa puso sir." Yan ang sinabi sa amin at kami naman ay pumunta kung saan nakaburol si Lolo.

Alam naman nila Kuya ang nagyari kaya agad silang umuwi dito sa pinas.

Pagkadating namin sa venue ng lamay ni Lolo ay hindi ko maiwasang umiyak. Sa lahat ay ako ang naapektuhan sa pagkawala ni Lolo. Siya ang pinaka-close ko sa lahat.


Ni hindi ako kumakain kahit pinipilit ako nila Mom at Dad. Dito na nagsimula na magiba ang pakikitungo nila sa akin dahil siguro din sa stress.

"Ano ba Bree?! Do you want to eat or what?! Ang dami pang bisita na aasikasuhin namin!" Galit na sermon sa akin ni Mommy.

"M-Mom. I want Lolo! Please bring him back here!" Umiiyak na sabi ko sakanya. Umupo naman siya sa harap ko.

"Anak. Your Lolo is dead. He's now in heaven kaya kumain ka na." Pakiusap sa akin ni Mommy.

"M-Mom." Iyak ko. Napabuntong hininga naman si Mommy.

"Baby naman! Kumain ka na! Ang dami pa naming gagawin!" Sasagot sana ako kaso may lumapit na naka-business attire sa kanya at sumunod siya doon. Iniwan niya ako na parang wala siyang pinipilit kanina. Naiiyak na kumain nalang ako mag-isa.


The Rebel's Secret Where stories live. Discover now