PROLOGUE

22 2 0
                                    

Nanginginig ang kamay ni Karina habang palapit sa nobyong si  Antonio. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito oras na aminin niyang nagdadalan-tao siya.

"Mahal ko, bakit? May bumabagabag ba sa iyo?" masuyong tanong nito sa kanya. Karapatan nitong malaman ang katotohanan kaya aaminin niya na rito. Buong lakas siyang humugot ng hininga. Tumitig siya sa mga mata nito. Kay gwapo ng kanyang nobyo, ng ama ng kanyang anak.

"Antonio, huwag kang mabibigla pero sa palagay ko ay nagdadalan-tao ako. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng buwanang dalaw," mahina niyang pahayag, nag-aabang ng reaksyon nito. Matagal itong natigilan, nanlaki ang mga maamong mata at pigil ang hininga.

Galit ba siya?

Naghintay siya ng sasabihin nito.

"Mahal ko, wala ka man lang bang sasabihin?" tanong niya dito.

Lumaki ang ngiti nito kasabay ng pagningning ng mga mata.

"Magandang balita iyan, Karina. Magiging tatay na ako, magiging tatay na ako!" masayang sambulat nito. Binuhat siya at iniikot sa ere habang magkalapat ang kanilang mga labi. Masaya rin siya na tanggap nito ang magandang balita. May mga luhang kumawala sa kanyang mga pisngi. Maingat siya nitong ibinaba.

"Karina. mahal na mahal kita. Matagal ko nang hiling na magbunga ang ating pagmamahalan. Hindi na kita pakakawalan pa. Kaya kung mamarapatin mo, pakakasalan mo ba ako?" Lumuhod ito sa isang tuhod at naglabas ng isang kahita. Doon ay inilabas nito ang isang simple ngunit napakandang singsing. Isinuot sa kanyang daliri.

Labis-labis ang kanyang tuwa kaya't sunod-sunod ang kanyang pagtango. "Oo, Antonio, oo. Papakasalan kita. Mahal na mahal kita!"

NAIDAOS nang matiwasay ang kasal ni Karina at Antonio ngunit hindi iyon maluwag sa kalooban ng ama ni Karina, si Don Armando, isa sa mayayaman sa kanilang probinsya.

Pero wala na siyang magagawa. Iyon ang kagustuhan ng kanyang unica hija kaya lahat ng gustuhin nito ay pagbibigyan niya. Ito na lang ang nag-iisa niyang yaman sa mundo dahil yumao na kaniyang esposa.

"Anak, sana ay tumagal ang pagsasama niyo ni Antonio. Gusto ko nang makita ang aking magiging apo." malugod na sambit ng don habang niyayakap ang anak.

"Huwag kang mag-alala, Papa. Sandaling panahon na lang at makikita mo na ang apo mo. Salamat, Papa." buong pagmamahal niyang niyakap ang ama. Wala na siyang mahihiling pa.

MASAYA silang namimili ng baru-baruan ng sanggol sa isang mall. Maraming tao dahil na rin siguro kinsenas ngayon at araw ng sweldo.

"Ang daming tao, mahal. Pahinga muna tayo sa coffeshop." yaya niya kay Antonio.

"Tama ka, mahal. Silang mga one day millionaire." Tahimik na lang siyang natawa sa turan nito. Naniniwala kasi itong kapag may pera ka, tipirin mo. Laki ito sa hirap kaya nagsumikap itong makaahon. Naging magaling itong mang-uukit. Marami ang humahanga sa taglay nitong galing, at isa na siya roon.  Hinila na siya nito sa paborito nilang coffeeshop.

"Mahal, bawal na nga pala ako ng kape. Hmm, donut na lang ang i-order mo sa akin," paalala niya rito.

"Oo nga pala, mahal. Baby, bawal na ng coffee si mommy, kaya dapat donut lang ang bibilhin ko para sa kanya. Babawi si mommy pag nakalabas ka na." hinalikan nito ang nakaumbok na tiyan ni Karina pagkatapos ay pumila na.

Habang hinihintay ang pagbabalik nito'y binuklat niya ang ilan nilang pinamili. Mga panlalaking damit. Ang iba dito ay malaki para sa baby niya pero binili pa rin niya, baka mawala na sa susunod ang katwiran niya.

Kulay asul ang karamihan sa pinili nilang kulay. Ang saya niya. Excited na siyang manganak. Pero may mas excited pa yata kaysa sa kanya. Sumipa ang baby niya, si Wade. Noong una ay marahang sipa lang. Mayamaya ay kumikirot na ang kanyang balakang. Napakapit siya sa lamesa. "Ahh... manganganak na yata ako. Antonio!" malakas niyang sigaw, lingunan lahat ng nasa coffeeshop kasama na si Antonio na nang oras na iyon ay hawak na ang tray na may kape at donut, nanlalaki ang mga mata nito.  "Dalian mo, lalabas na yata si Wade!"

Tumapon ang kape sa pagmamadali nito.

SA OSPITAL...

Napakaputla ng nukha ng mahal niyqng si Karina pero wala naman siyang ibang magawa kundi ang kapitan nang mahigpit ang mga kamay nito.

"Kaya mo iyan, Karina. Nandito lang ako, mahal kita. Mahal na mahal," sabi niya dito para lumakas ang loob.

Napapairi na ito pero tumugon pa rin. "Mahal na mahal din kita, Antonio. Excited na akong makita si Wade. Sana ay maging kamukha mo siya." hirap na hirap na ito pero hindi pa rin inaasikaso ng mga nurse. Maliit pa daw, di pa daw pwede at huwag piliting umiri. Biglang nanlambot ang kapit ni Karina sa kamay niya. Nawalan ito ng malay!

"Nurse, doc! Nahimatay ang asawa ko! Tulong!" sigaw niya upang humingi ng tulong.

Dumating si Doctor Paredez, ang doktor ni Karina. "This is not good. Dalhin natin siya sa OR. Excuse me, mister. Pero hanggang dito ka na lang. Hintayin mong matapos ang operasyon.

Naiwan siyang nanlulumo sa waiting area. Dumating si Don Armando kasama ang kanang kamay nito, si Anne.

"Kamusta si Karina?" hinihingal na tanong nito.

"Nasa OR po siya ngayon, Don Armando. Hinimatay siya habang nagla-labor." agad niyang sagot.

"My God, my daughter. Anne, tulungan mo ako." Nanghihinang sambit nito, nanginginig ang mga tuhod. Tinulungan ko rin siya at inalalayang maupo sa waiting area.

"Thank you. I just hope nothing bad's going to happen to my daughter," mahinang usal nito, kinakalma ang sarili. Pinapaypayan naman ito ni Anne. 

"Sana nga po. Ayos lang po ba kayo? Tatawag ako ng nurse para ipa-bp kayo." Tumawag siya ng nurse at pina-check ang blood pressure nito. Tumaas nang bahagya, buti nasa ospital sila at mabilis lang mabibigyang lunas.

Nagpapahinga ang don sa isa sa mga ward doon.

Mahigit dalawang oras na ang lumilipas nang lumabas ang doktor ni Karina mula sa OR.

"Good news and bad news, Mr. del Rosario. We did our best pero masyado nang madaming dugo ang nawala sa asawa niyo. Hindi niya kinaya at tumaas ang kanyang blood pressure. But the baby boy's healthy. Time of death, 6:04 pm. I am very sorry for your loss." Iyon lang at tumalikod na ito.

Nanlulumong napaluhod siya sa sahig. Ang asawa niya. Ang ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim niyang mundo, ang buwan na nagbibigay ningning sa madidilim niyang gabi, ang hardin na nagpapaganda sa kanyang tahanan.

"Karina, mahal ko." Labis na kalungkutan ang lumulukob sa kanyang puso.

Bakit ang bilis? Bakit ang bilis mong nawala sa piling ko?

Iyak ng bata ang nagpanumbalik sa kanyang wisyo.

"Mr. del Rosario, your cute little baby boy." sabi ng nurse. Tahimik na umuungot ang bata.

"Wade..." nasabi niya. Kamukhang-kamukha ng sanggol si Karina.

"Mahal alam mo ba na kapag daw kamukha ng baby ang daddy ibig sabihin mahal na mahal ng babae ang asawa niya."

"At kapag kamukha naman ng mommy, ibig sabihin, mahal na mahal ng daddy ang mommy?" masuyong tanong ni Antonio kay Karina habang pinapakinggan ang pulso ng tiyan ng asawa. Tahimik silang nakikinig ng mahinang tugtugin sa kwarto nilang mag-asawa.

"Mahal na mahal kita," malambing na sabi ni Karina sa maliit na boses habang hinahaplos ang buhok niya.

"Kaya sigurado akong kamukha mo si Wade," puno ng kasiguruhang dagdag pa nito.

"Mali ka, mahal kong Karina. Mahal kita. Mahal na mahal. Na kahit ano pa mang mamahaling bagay sa buong mundo ang pagsama-samahin, higit pa roon ang pagmamahal ko sa iyo. Tandaan mo iyan."

"So kamukha ako ni Wade?" makulit nitong tanong.

"That I am sure of." At matamis itong ngumiti at yumukod upang maglapat ang kanilang mga labi.

BENEATH YOUR BEAUTIFULWhere stories live. Discover now