Chapter One

3 2 0
                                    

CHAPTER ONE

"Please, Professor Callaghan. I need to know the name of the artist of this masterpiece," pangungulit ni Aliyah sa professor niya habang pinapakita ang print out picture ng isang obra. Ayaw kasi nitong sabihin ang pangalan ng artist ng mini sculpture na kinuhanan niya. Kasali iyon sa isang patimpalak sa kanilang university at sa lahat ng mga isinaling mga obra ay iyon ang pinakanatipuhan niya. Tila ba punung-puno iyon ng itinatagong kwento.

"I am so sorry, Ms. Contreras. But that information is very confidential.  I can't tell you who the artist is," matapat na sabi ng professor. Pero hindi siya susuko dahil kailangan niya iyong malaman. Malapit na ang graduation kaya naman balak niya na bago siya bumalik sa Pilipinas ay makontrata niya nang mag-exhibit ang magaling at misteryosong artist sa art gallery nila sa Pilipinas.

"Wait, sir. I know you mean well and that info is very confidential but I assure you. Nothing's gonna leak. I won't spill, promise. Just give me the name, please," pakiusap pa niya ulit dito. Pinaamo niya ang mga natural nang maamong mga mata, saka pumikit-pikit habang magkadaop ang mga kamay sa harapan niya.

Bumuntong-hininga na lang ang matandang propesor na may abuhing mga buhok, finally surrendering to her charms.

"Okay. But don't tell anyone, okay. He's from my class. Second period in the afternoon, Tuesdays." Yumuko pa ito para ibulong iyon sa kanya. Iyon lang at tumalikod na ito. Nagmamadali na para sa susunod na klase. Di siya makapaniwalang sinabi tin saw akas nito ang nais niyang malaman. Tumigil na rin siya sa pagsunod dito. Nanlaki ang mata niya. Muntik na niyang maging kaklase ang misteryosong sculptor!

"Thanks, Professor Callaghan! You're such a great teacher!" sigaw pa niya dito. Kinaway na lang nito ang kamay nang hindi siya hinaharap. Lumiko na ito sa isang pasilyo.

"Phew, piece of cake," sambit niya na ikinalipad ng bangs niyang halos matakpan ang kalahati ng maamo niyang mukha. Akala niya ay papahirapan pa siya ng matandang prof, pero napatunayan niyang mabait talaga ito at madaling lapitan. Dati kasi ay muntik na niyang hindi mai-submit ang kanyang narrative report tungkol sa art history ng Rennaisance Period. May nangyari kasi noon sa kapatid niya. Mabuti na lang at nadaan niya sa pakiusap. Akala niya mahirap kausapin ang mga 'kano. Mababait din naman pala.

Ngayon, kailangan na lang niyang hintaying mag-Martes para naman makausap niya na ang mysterious artist. Vacant period niya at magta-type ng isa na namang report sa subject niya.

Isa iyon sa mga huling subjects niya ngayong semester and she would graduate, she just didn't know if with flying colors. Nahirapan siya last sem at medyo pumalya ang kanyang grado. Lagot siya sa dad niya pag nagkataon. Kaya nga ngayon, bumabawi siya para naman bago siya umuwi sa Pilipinas, mayroon na agad siyang first project sa kanilang family business, ang Contreras Art Gallery na nakatayo sa Makati. Ang tiyuhin niya ang namamahala niyon ngayon dahil nag-aaral pa nga lang siya. Pero ngayong malapit na niya iyong pamahalaan, ngayon pa lang ay magiging malaking responsibilidad na iyon sa kanya. Kumuha rin pala siya ng minors in business, pangsuporta sa kanyang kaalaman sa management.

Habang naglalakad ay iniisip niya kung ano ang hitsura ng kanyang mysterious artist. Is he a man or a woman? Long hair? Short-tempered just like a typical artist? She was really excited to mee-

"Whoopsidaisies!" bulalas niya nang madulas sa kanyang paglalakad pero agad niya iyong nakontra kayat nakatayo pa rin siya. Ang laptop niya! Pumikit siya at hinintay niya ang pag-landing niyon sa kongkretong sahig. Pero wala siyang narinig na nadurog na laptop, sa halip ay mabining paghinga ng kung sinoman na malapit sa kanya ang kanyang naririnig.

"Supernova? 'You there? Buhay ka pa ba?" Nakapikit pa rin siya. She heard a male lowly chuckling.

Unti-unti siyang nagmulat at ganoon na lang ang pagbayo ng kanyang dibdib. Itim na itim na mga mata ang kanyang nabungaran. Malapit na malapit ang mukha nito sa kanyang mukha and she didn't even know this man.

BENEATH YOUR BEAUTIFULWhere stories live. Discover now