CHAPTER TWO

4 2 1
                                    


CHAPTER TWO

NAKAMIT ni Wade ang ikalawang karangalan para sa patimpalak na iyon para sa kanyang natatanging obra. Labis-labis ang kagalakan ni Aliyah dahil ipinagdasal din niya na makamit ni Wade iyon. Akala niya pasasalamatan siya ni Wade. Pero hindi nangyari. Ilang buwan na lang at magtatapos na sila. Kailangan na niyang kumilos kung hindi ay baka mahuli na ang lahat.

"Shanna, I really don't know what to do anymore.Sa tingin ko naman ay giinawa ko na ang lahat, pero bakit ganoon? Ayaw pa rin niyang pumayag," reklamo niya dito. Isa itong Hapon pero dahil tagal na ng kanilang pagkakakilala ay may natutunan na rin itong ibang salitang Filipino.

"You know, Ali. May mga bagay na hinihintay at darating iyon sa takdang panahon. You just have to trust in the art of waiting." Malumanay ang boses nito. Nakakamangha naman ang positivity ng Haponesang ito.

"I envy you, Shanna, for giving light to my graying hope." Kinapitan niya ang kamay nitong maliit. Sana, ganito rin siyang mag-isip.

"Don't worry, Ali. Everything will fall into place, I can feel it," nakangiting turan nito sa kanya. Hinahangin ang full bangs nito. Nakatambay sila sa malawak na garden ng school. Doon sila nakaupo at nagpapahinga, habang nasa kabilang gilid naman nakaupo sina Will at July na tila may pinapanood sa kanilang smart phones.

"Hey, look! Si Wade 'yon." Sinundan ni Shanna ng tingin ang binatang napadaan pero di man lang niya tinapunan ng tingin ang lalaki. Pwede namang magpahinga muna sa paghahabol. Napapagod na siya e.

"Oh, my. He looked at you," Shanna whispered. Napatingin siya kay Shanna. Neknek ni Wade, wala siyang tiwalang titingin ito sa kanya. Bakas sa mukha niya na di siya naniniwalang tiningnan siya ni Wade, a.k.a. the cold-hearted sculptor.

"Yeah, he really looked at you. And he was like," tumingin ito ng pailalim sa kanya at hinawi ang bangs. Hati kasi sa one side ang mahabang itimang buhok ni Wade. Medyo kuha nga nito iyon, saka pasimpleng ngumiti sa kanya nang malungkot. Umusli tuloy ang sungki nito sa itaas na ngipin. Ngumiti si Wade?

"He really smiled at me?" takang tanong niya.

"Yeah, pero you weren't looking kaya parang malungkot siya," nakalabi nitong sabi.

"Baka imagination mo lang iyon. Ba't naman ngingiti sa akin iyon? E asar nga 'yon sa 'kin kasi annoying daw ako." Annoying daw siya sabi ni Wade noong mga unang linggong kinukulit-kulit niya si Wade. Nasaktan siya kaya nag-lielow siya mangulit dito. Pero bumawi din, baka sakaling makuha sa pangungulit. Naalala niya noong sinundan niya ito sa 3D class ng mga ito. He was so engrossed in reducing a block of wood. Kahit nakakapagod at mabusisi ang magbawas ng kahoy, parang wala lang dito iyon. Parang ang saya pa nga nito habang ginagawa iyon. Marahil ay gusto talaga nito ang ginagawa nito. Tila may kumurot sa puso niya nang buong pagmamahal nitong tingnan ang natapos na sculpture.Ang bilis nitong gumawa.

Tumunog na ang bell. May klase na ulit sila sa Art history.

"ALIYAH!" tawag ng isang pamilyar na boses. Si Wade iyon! Dali-dali siyang lumingon kaya naman pagharap ng mukha niya ay gwapong mukha ng binata ang bumungad sa kanya. Halos magdikit na ang kanilang mga labi. Kuminang ang mga mata nito na tila ba natural lang sa kanila ang ganoon.

"Aliyah," mahinang bulong nito. Pero parang kiliti iyon na umabot sa spinal column niya.

"W-Wade," mahinang usal niya. "Pumapayag ka na ba?" nakatitig sa mga mata nitong tanong niya. Di mapigilan ang ngiting mamutawi sa kanyang mga labi.

"Yes, Aliyah. Pumapayag na ako. Sa iyo na ako," nakangiting tugon nito.

"T-talaga? Hindi mo na ako pahihirapan?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BENEATH YOUR BEAUTIFULWhere stories live. Discover now