CHAPTER 12: Now, Cold The Julian Is

10 0 0
                                    

Author's Note:

Hi? Well, I know hindi maganda tong story ko. Hahahaha. Panget siya at maraming may ayaw. Wala naman akong magagawa. Hindi ko ipipilit na basahin niyo siya, or magcomment, or magvote. Basta ako, uhm, ipopost ko tong kwentong to! :D

Twenty five chapters lang naman ito. Hehe. Oo, alam ko walang kwenta.

Enjoy! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 12: Now, Cold The Julian Is

            Nakatulog na lang si Audrey sa tabi ni Julian. Makalipas ang dalawang oras, nagising si Julian.

‘‘Audrey... Audrey... gising.’’ At niyugyog niya ito.

‘‘Ha? Pasensya. Bakit? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang.’’ Gulat na sabi ni Audrey. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

‘‘Wala akong kailangan. Gusto kong mapag-isa. Sana naman dun pagbigyan mo ako.’’ Malamig na pagkakasabi ni Julian.

‘‘Hey. Julian. I’m sorry.’’ At papahina ng papahina ang pagkakasabi ni Audrey sa mga katagang iyon.

‘‘Sorry san?’’ hindi pa rin siya tumitingin kay Audrey.

‘‘Sa lahat ng nagawa ko sayo. I’m sorry Julian.’’ At may mga namumuong luha sa gilid na mga mata ni Audrey.

‘‘It’s okay. Pwede ka na bang umalis?’’

‘‘Julian, ayokong iwan ka ngayon.’’ Basag ang boses nito.

‘‘Hindi mo naman ako iiwan ngayon e. Hahayaan mo lang ako na mapag-isa.’’ Pambabara naman ni Julian.

‘‘Ayoko Julian. Ayokong umalis sa tabi mo. Nung ako ang mahina, lagi kang nagbabantay. Ngayon ako naman.’’ At niyakap niya si Julian.

‘‘Audrey, wag na tayong maglokohan. Umalis ka na. Gusto ko lang namang mapag-isa. Para makapagisip-isip.’’ Malamig pa rin ang pagkakasabi nito.

‘‘Makapagisip-isip para san?’’ at kumalas siya sa pagkakayakap niya rito. Punong puno ng pagtataka ang mga mata niya.

‘‘Nawala kasi ung pagmamahal ko para sayo Audrey sa mga pinakita mo sakin.’’ Sagot naman ni Julian ng hindi tumitingin kay Audrey.

‘‘Julian, ang nararamdamang pagmamahal minsan nababawasan, minsan nadaragdagan, pero kahit kailan, hindi nawawala. Un ang tunay na pagmamahal Julian! Hindi gaya ng lintik mong pagmamahal!’’ hindi niya napigilan ang kanyang mga luha at tuluyan ng umalis si Audrey.

‘‘Ang tanga ko talaga! Isss.’’ Batok nito sa sarili.

            Pumunta naman sa terrace si Audrey at tinawagan si Gian.

            ‘‘Hello Gian?’’

            (‘‘O napatawag ka Audrey? Bakit? May problema ka ba?’’)

            ‘‘Si Julian.’’

            (‘‘Bakit si Julian?’’)

            ‘‘Nasaktan ko kasi siya. Natakot lang naman ako kapag umamin din ako sa kanyang mahal ko rin siya.’’

            (‘‘Bakit? Umamin ba siya sayo?’’)

            ‘‘Ano ba Gian? Alam kong alam mo kung anong nangyayari samin. Wag ka naman ng magmaang maangan.’’

            (‘‘E sorry naman. Anong balak mo? Tsaka ano bang sinabi niya?’’)

            ‘‘Hindi na raw niya ako mahal Gian.’’

            (‘‘Sinabi niya yun!?’’)

            ‘‘Oo. Hindi ba’t siya ang nagturo sa akin na ang tunay na nagmamahal, minsan nababawasan, minsan nadaragdagan, pero kahit kailan, hindi nawawala. Bakit ganun siya ngayon?’’

            (‘‘Nadala lang siguro sa galit niya Audrey.’’)

            ‘‘Kahit na. Di ko na alam gagawin ko Gian:(’’

            (‘‘Calm down. Calm down Audrey. Hindi ka makakapag-isip ng mabuti niyan e.’’)

            ‘‘Sige bye.’’

Tut...tut...tut...

            Kinabukasan... naabutan nina Gio at Kyle sina Julian at Audrey na magkalayo sa isa’t isa. Si Julian nasa kama, samantalang si Audrey, nasa terrace naman.

‘‘Kelangan walang pansinan ganun?’’ takang tanong ni Kyle.

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderWhere stories live. Discover now