CHAPTER 23: Battle Zone

8 0 0
                                    

CHAPTER 23: Battle Zone

            Samantala...sina Gio at Kyle naglalakbay pa rin. May sasakyan naman silang gamit. Owner ng tito ni Kyle. Ayaw kasing gamitin ni Gio ung kotse niya kasi baka may jungle pa raw na dadaanan at walang mapag-iiwanan nung kotse. Mahal daw kasi. Haha. Nakalagpas na sila ng limang probinsya, which is 3 hours nilang drinive. At wala pa sila sa kalahati ng nilalakbay nila.

‘‘Pare asan na tayo?’’ inip na tanong ni Kyle. Sino ba namang hindi maiinip? Eh kanina pa sila sumusuong sa malalalim na dagat at dumadaan sa kumukulong putik. Charot. Echos lang ang author. Tinotopak eh.

‘‘Tang’ina. Di ko rin alam pare. Di ba nga sinusunduan lang natin to?’’ asar naman na sagot ni Gio habang ipinapakita kay Kyle ang hawak nito.

‘‘Ano ba yan. Kanina pa tayo bumiyabyahe ah.’’ At ngayon asar naman ng sagot ni Kyle habang nakatingin lang sa daanan.

‘‘Liko sa kanan pare.’’ Sabi ni Gio habang nakatutuok sa hawak nito. At iniliko naman ni Kyle sa kanan.

‘‘Woah. Pare nagbibiro ka di ba?’’ nanglalaking mga mata ni Kyle na nakatingin sa daanan. Si Gio naman nakatutok pa rin sa hawak niya.

‘‘Hindi bakit?’’seryosong sabi ni Gio at napatungo siya.

‘‘HANGING BRIDGE!? O_______________O’’ biglang sigaw ni Gio.

‘‘Huwag mong sabihin sakin na idadaan ko tong owner dito?’’ tanong ni Kyle habang nakatingin kay Gio.

‘‘H-ha? Hindi ko rin alam eh.’’ Nangangatal na sagot ni Gio. Hindi pa rin maalis ang mukha niya sa hanging bridge. Paano na to ngayon? Problemadong saad ni Gio sa sarili.

‘‘Eh di ba wala pa tayo sa kalahati!? Alangan namang lakarin natin from here hanggang sa pupuntahan natin!?’’ sigaw na sabi ni Kyle.

‘‘Tang’ina pare hindi ko rin alam! Malay ko bang may hanging bridge dito! Wala naman dito un eh!’’ pasigaw na sagot naman ni Gio. Naasar na kasi ito.

‘‘Tss! Alangan namang iwan ko tong owner dito! Kahit naman ganito to may magkakainteres pa rin dito.’’ Seryosong sabi ni Kyle at nagpout.

‘‘Wahahahaha! Pfffffft! HAHAHAHAHAHHA! Pffffffft!’’ tawang tawang sagot naman ni Gio. Halos mapahawak na siya sa tiyan niya sa katatawa. Tiningnan naman siya ni Kyle ng masama.

‘‘Tawa tawa mo jan?’’ masungit na saad nito.

‘‘Pare nagbibiro ka bang may magkakainteres dito? Pfffffft! Hahahahaha!’’ at patuloy pa rin sa pagtawa si Gio.

‘‘Gago! Gusto mong bugbugin na kita ngayon? Ilaglag kita jan!?’’ sigaw ni Kyle habang itinuturo ang bangin malapit sa kanila.

‘‘Pffft. Hahaha. Pare chill lang. Chill lang.’’ Sabi ni Gio with hand gestures pa na sinasabing ‘oo na tama na suko na ako’.

‘‘Chill mo muka mo! Pano ako magchichill eh hindi ko nga alam kung anong gagawin ko dito!’’ sigaw uli ni Kyle. Makasigaw wagas?

‘‘Hi! Excuse me, narinig ko kasi ung problema niyo. Maybe I can help you? If you want to?’’ tanong ng isang babaeng mukhang manang at may hawak na mga pinamili.

‘‘Sure. Ano ba ung alam mong problema namin? Un bang ilalaglag niya ako jan sa may hanging bridge?’’ tanong naman ni Gio na nakangisi.

‘‘Oh. Haha. Nope. About the car?’’ sabi naman nung babae.

‘‘What about it?’’ masungit na tanong ni Kyle.

‘‘This hanging bridge eh para sa mga tao lang obviously. So there’s another route here.’’ Sabay turo sa left side. ‘‘Ang labasan ng bridge na to eh labasan din ng daanang yan.’’

‘‘Thank you.’’ At nagdrive na si Kyle papunta sa sinabi ng babae.

            After 30 minutes...

‘‘Ano? Tama ba ung sinabi nung babae? Palabas na to oh.’’ Tanong ni Kyle na nakatingin pa rin sa daanan.

‘‘Oo. Tama siya.’’ Ani Gio habang nakatingin sa hawak nito.

            Kinabukasan...

‘‘Gising na celti at rider!’’ sigaw ng isang maawtoridad na boses.

‘‘Bakit?’’ nag-iinat pang tanong ni Julian.

‘‘Ilabas niyo na sila. Dalhin niyo sila sa BZone.’’ Sabi ni Martin aka Gian sa mga megapixers.

‘‘Anong BZone?’’ nagtataka namang tanong ni Audrey.

            Hindi na lang sinagot ni Martin si Audrey. Hinawakan naman ng mga megapixers sina Audrey at Julian at dinala sa BZone (Battle Zone) kung saan nag-aantay sa kanila ang mga kakampi ni Abraham, si Abraham, Liza, Martin at libo-libong pixers. Naghihiyawan naman lahat habang papasok sina Julian at Audrey.

‘‘Ano to? Bat ang daming tao?’’ asar na tanong ni Audrey.

‘‘Katahimikan.’’ Maawtoridad na sigaw ni Abraham at itinaas nito ang kanang kamay at ikinuyom. At tumahimik lahat ng marinig ang boses ni Abraham.

‘‘Ngayon, nasa harapan natin ang celti at rider na pumipigil sa mga plano nating mga pixelates (mga kalahi ni Abraham). Ang mga pumapatay sa ating pixers. Matutunghayan natin ngayon ang kanilang kamatayan sa kamay ng ating mga kawal!’’ at itinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang sigurado na sa kalalabasan ng laban.

‘‘Abraham! Bakit kaya hindi tayo maglaro!?’’ nakangising sigaw ni Julian.

‘‘At ano namang laro ito rider?’’ nakataas ang isang kilay ni Abraham na nagtatanong.

‘‘Paunahang mamatay.’’ Nakangiti namang sagot ni Julian. Napatingin naman si Audrey sa kanya.

‘‘Julian!’’ pagsasaway nito.

‘‘Okay lang Audrey. Kaya naman natin to eh. Trust me.’’ At nginitian niya ng malapad at matamis at puno ng pagmamahal si Audrey.

‘‘HAHA! Kung iyon ang kagustuhan mo masusunod. Paunahang mamatay. Αt sisiguruhin kong mauuna kayo.’’ Nakangising sagot ni Abraham.

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderWhere stories live. Discover now