CHAPTER 20: The Trap!

9 0 0
                                    

CHAPER 20: The Trap!

            May nagdoorbell.

‘‘Teka, may tao ata. Bubuksan ko lang.’’ Sabi ni Gio at lumabas na siya ng bahay.

‘‘Magtago muna kayo.’’ Sabi naman ni Kyle para makasiguro sila.

            Sa may gate...

‘‘Sino po sila?’’ at sinilip niya ang taong nasa labas ng gate. Nasa 30s ang taon nito. At may kasamang isang lalaki at babae.

‘‘Nandito ba ang celti at rider?’’ tanong ng estranghero.

‘‘Celti at rider? Huh? Wala pong ganun dito. Sino po ba kayo?’’Sana makalusot ung pagsisinungaling ko. Teka, bakit nila alam? Sabi ni Gio sa sarili.

‘‘Uulitin ko tanong ko. Nandito ba ang celti at rider?’’ tanong uli ng mamang estranghero.

‘‘Eh hindi ko naman po alam kung ano yang mga sinasabi niyo.’’ Sagot ni Gio. Parang di lumusot. Sabi niya uli sa sarili.

‘‘Pasukin niyo na to!’’ sigaw ng mama.

‘‘Teka! Trespassing kayo. Sino ka ba ha?’’ sigaw ni Gio sa mamang nakapasok na.

‘‘Ako si Abraham.’’

            Sa may basement...

‘‘Bakit parang kinakabahan ako Julian.’’ Naluluhang saad ni Audrey.

‘‘Ako nga rin eh. Parang kinakabahan. Parang may mali.’’ Pagsasang-ayon naman ni Julian.

‘‘Kelan ba nung ininjectan moko Julian?’’ tanong ni Audrey.

‘‘Teka, Aug. 15 un nun.’’ – Julian

‘‘Oct. 15 ngayon? Oh di dapat may shield pa tayo.’’ Nagtatakang saad ni Audrey.

*FLASHBACK*

Ininjectan ko na si Audrey. Teka, anong oras na ba? Hm. 11:58. So September, October 14 dapat nakaalis na kami dito.Sabi ni Julian sa sarili.

*END OF FLASHBACK*

‘‘Shit! 11:58 nung August 14 kita ininjectan. Nawala sa isip ko un. >___________<’’ at nasampal ni Julian ang sarili niya.

            Biglang nagbeep ang UCL nina Julian at Audrey.

‘‘Nandito sila. Si Gio at Kyle!!’’ at wala pang isang segundo, nakaalis na sila sa basement.

Tumakbo agad si Audrey papunta sa first floor. Sumunod naman si Julian. Pagkarating sa first floor, nakatali na sina Gio at Kyle sa upuan. Andun sa Abraham at Liza, naghihintay sa kanila.

‘‘Sa wakas! Nagkita tayong muli, celti at rider.’’ At binigyan lang sila ni Abraham ng isang malapad na ngiti.

‘‘Pakawalan mo si Gio at Kyle. Wala silang kinalaman dito.’’ Malamig na pagkakasabi ni Audrey. Naramdaman ni Julian ang pagbabago ng aura ng celti.

‘‘Sila ang magiging pain namin. Para mapatay kayong dalawa. Hahahaha.’’ – Abraham

Sabay tutok ni Liza at Abraham sa leeg nina Gio at Kyle ng matatalim na kutsilyo na akma bang gigilitan sila.

‘‘Ano bang gusto mo ha Abraham!?’’ sigaw ni Julian. Hindi pwede. Hindi pwedeng mamatay sila. Hindi pwedeng may mamamatay uli! Sigaw nito sa sarili.

‘‘Simple lang. Ang mamatay kayong dalawa.’’ At tiningnan sila ng matalim ni Abraham.

‘‘Mauuna ka hayop ka!!’’ asar na sigaw ni Audrey.

At naging celti na si Audrey. Sinugod niya si Abraham. Nilabas niya ang mala’Wolverine niyang armas. Akmang susunggaban na ni Audrey si Abraham ay sinuntok siya nito. Tumilapon naman si Audrey.

‘‘Shit! Audrey!’’ Tinulungan ni Julian si Audrey.

‘‘Mmmm.. hmmmm..’’ Pinipilit magsalita ni Gio kahit na natakpan ang bibig.

‘‘Okay ka lang ba?’’ nag-aalalang tanong ni Julian.

‘‘Oo. Okay lang ako. Papatayin ko talaga si Abraham!’’ nag-aalburutong sabi ni Audrey.

‘‘Huwag kang aburido.. please. Magtulungan tayo.’’ At naging rider naman na si Julian.

‘‘Yan! Ang celti at rider kaharap ko na!’’ at pumapalakpak pa sa tuwa si Abraham.

            Biglang hinawakan ng dalawang megapixers sina Audrey at Julian. Sinubukan nilang kumawala pero hindi nila kaya. Mas malakas ang mga megapixers sa kanila.

‘‘Ano na naman tong inimbento mo Abraham!?’’ pagpupumiglas ni Julian.

‘‘I call that megapixers!! Bwahahaha *evil laugh with matching sound effect na kung gusto niyo. Haha.*’’ – Abraham

‘‘What the hell is that? Ang baho na nga ng pangalang pixers, nadagdagan pa ng megapixers. Psh.’’ Pang-iinsulto ni Audrey.

‘‘Shut up! At least ngayon may makakatalo na senyo. Tingnan niyo nga. Ni hindi kayo makapalag. Tutal nakuha na namin kayo, papakawalan na namin tong dalawang mokong na to!’’ at binatukan ni Liza sina Gio at Kyle.

            At biglang nawala sa paningin nina Gio at Kyle sina Audrey, Julian, Abraham, Liza, ang mga pixers, robopixers at megapixers.

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon