CHAPTER 7

12.1K 149 10
                                    

BENCH'S POV

" upo na po kayo, Sir. tatawagin lang po namin si Ms. Arianne."

sabi sa akin ng isa sa mga katulong. nakaupo ako ngayon dito sa malaking sofa nila at umiinom ng orange juice na inabot sa akin kanina. nandito ako ngayon sa bahay ni Ianne. sembreak na kasi di ba? tapos, sabi ko, ngayon na lang kami magtutor dahil kinabukasan ay araw na ng mga patay. syempre, kahit paano may mga kailangan din naman kaming gawin db?

" Tch. ang aga mo naman yata? Cecille, ikuha mo nga ako ng juice and some slices of cake. dun mo na lang dalhin sa dining."

utos ni Ianne sa katulong atsaka umupo sa katapat na sofa. ayos. napakaprimadonna talaga nito. nakacross legs pa syang naupo at nakatingin lang sa akin. Pssh. payo lang PB, wag mo akong gaanong tingnan, baka mainlove ka niyan. tsk. hahaha.

" so, paanong pagtututor ba ang balak mong gawin huh?"

---

nandito kami ngayon sa dining nila .. pero sa 2nd floor ito. ang laki naman kasi ng bahay nila eh. bale, sabi ko, yung mga subjects na pinakanahihirapan lang siya ang aaralin namin. syempre, bakit naman namin aaralin yung mga subjects na nadadalian naman siya di ba?

" Cecille, kunin mo nga yung gamit na nakapatong dun sa study table ko. bilisan mo ha."

utos na naman niya dun sa maid nila. ang tamad naman ni PB. ang lapit lang ng kwarto niya, hindi pa sya ang kumuha. =_=

" sige na. pwede ka nang umalis."

nailagay na yung mga books at ibang gamit niya dun sa table. tapos, inutusan na niya itong umalis  at sinunod naman ni .. errr? Cecille yata? medyo nasa 30s na yun sa tingin ko. anyway, bakit ko pa ba kinukwento un? haha.

" so, ito yung mga hindi mo maintindihan? hmm. sige. unahin natin yung Stat? okay lang? "

tanong ko sa kanya. apat na makakapal na libro yung nasa harap namin ngayon. tingin ko, puro math related yung mga books na yun eh. buti na lang, magaling ako sa math. at hindi ako puro yabang. Pssh.

" bahala ka sa buhay mo. basta, ituro mo sa akin yan ng maayos. "

pagkatapos, sinimulan ko na agad siyang i-tutor. pinapaliwanag ko sa kanya ng mabuti yung bawat topics. at kahit paano, mukhang naiintindihan naman niya. medyo nung una, naguguluhan pa siya pero nung tumagal tagal, nagegets na din naman niya.

" yan ha. sagutan mo yan.. tapos, chechekan ko mamaya. teka PB, san ang comfort room niyo?"

binigyan ko siya ng test.. sya naman, sumubo muna ng cake tsaka sinimulang sagutan yung ibinigay ko.

" turn left. and stop calling me PB.Tch."

tapos, tumayo na ako. sya nman, mukhang seryoso sa pagsasagot. hmm. mukhang gusto niya talagang magkaroon ng high grades ah? ganun siguro kahalaga para sa kanya ang ballet. pero, bakit sya tumigil dun? para talaga sa boyfriend niya? hmmm lalo tuloy akong nacurious!

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum