Chp. 1 "Stalking my Crush."

352 10 1
                                    

~

Libby's POV

OMG! Ang bandang the Chasers may concert na naman pala sa MOA! I need to be there! Papaalam na ako sa boss ko.

Agad akong nag ayos ng gamit ko at kinausap ko ang boss ko. Isa kasi akong working student at the same time may trabaho ako sa school na ito ayun ay, maging secretary ng Principal sa school na ito.

"O Libby, bakit parang nagmamadali ka ata?" Tanong agad sakin ni Sir Dizon. Yung principal namin.

"Ah eh, kasi sir. Nabalitaan ko kasi na may concert ngayon ang banda ng bebe ko eh. Payagan niyo po sana ako. Alam niyo naman po na, Nagsisipag akong mag aral at magtrabaho para dito diba po? Saka dun ko lang kasi siya nakikita eh. Please po."

"Hay nako Libby. Kailan ba ako nagsabi sayo ng bawal? Aba, free ka naman pumunta anytime eh. Alam ko naman kasing responsable kang tao at siya ang inspirasyon mo. Kaya ito o, Pera. Ibili mo ng ticket. Pandalawang tao yan isama mo na ang bestfriend mo." Napatalon ako sa tuwa.

"SIR! Thank you po! Maraming maraming salamat po talaga. Don't worry sir, malapit ko na naman din siyang maging boyfriend eh! Omeged! Kinikilig ako."

"Hahaha. Oo na. Sige na. Baka maubusan ka pa ng ticket."

"Ay sige po sir. Aalis na po ako. Salamat ulit sir!." At lumabas na ako.

Tinawagan ko kaagad sa phone ang bestfiend ko. Si Thalia Aryl Armela. Pagkasagot niya.

"Uy! Napatawag ka best? Talaga ikaw! Wrong timing ka talaga!"

"At bakit ano bang ginagawa mo?"

"Ito. Kausap ko si crush. Gosh! Ang pogi niya talaga! Kahit madami kami dito eh lahat kami kinakausap niya.  Ang bait niya talaga!" Hay naku. Ang butihin ko palang bestfriend namimingwit na naman pala.

"Hay naku. Tama na yan. Halika. Puntahan mo ako sa mini stop. Now na."

"Karakaraka te? Anong meron?"

"Basta pumunta ka na. Mamaya ka na mamingwit ng pang sampu mong crush. Hay nako! Di ka gumagaya sakin. Stick to one!"

"Che! Di na uso yan ngayon no! New generation na tayo te! Di na nag eexist sa mundo ang salitang LOYAL!"

"Gaga. Wag mo nga akong igaya sayo na nakikisunod sa uso. Basta. Pumunta ka na dito." Then in-off ko na yun phone ko.

Excited talaga ako! Galing galing pa naman niya sumayaw at lalong naiin-love pa ako sa kanya.

Paano ko ba siya nagustuhan?

Ito kasi yun.

Flashback~

Pakilala muna ako. Ehem. I'm Libby Azona Arcangel. Probinsiyana kaya lang may pangarap ako sa buhay kaya ko lumuwas sa Maynila. Nag working student ako as a waitress sa isang sikat na Condominium and Restaurant. Since ninang ko ang may ari ng C&R Hospitality Services ay pinag aral niya ako sa isang sikat na school. Pinagpatuloy ko doon ang kurso kong BSHRM. May lolo at lola pa ako na iniwan sa probinsiya. Yung mga magulang ko? Hindi ko alam kung nasaan.

First day ko pa lang sa university na pinapasukan ko. Hinanap ko kaagad kung nasan ang room ko doon sa bulletin board. Wala pang masyadong mga estudyante dito since maaga akong pumasok. Nang makita ko na ay agad ko yun pinuntahan ang kaso sarado pa.

Since, may isang oras pa ako ay naisipan ko ang mag ikot ikot muna. Ang ganda pala talaga kapag sa university ka nag aral. Kumpleto at halatang halata na pinaggastusan ang lahat ng makikita mo dito.

Habang naglalakad ako ay may napansin ako isang lalaki na nagigitara habang naka earphone. Nakaupo siya sa isa sa mga malalaking puno sa open field. Natulala ako.

Ang gwapo niya. Gusto ko siyang lapitan kaya lang nakakahiya. Saka mukhang ayaw niya madistorbo kaya di ko na lang siya kakausapin. Titingnan ko muna siya dito kaya umupo ako sa may bleachers.

Mayamaya may lumapit sa kanya na grupo ng mga babae at bigla na lang niya yun sinigawan. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko. Di siya gentleman, sayang.

Umalis yung mga babae, habang si crush ayun nakabusangot ang mukha at bigla na lang umalis sa pwesto niya. Nung tumayo siya ay tumayo din ako. Susundan ko siya kung saan siya pupunta.

Habang sinusundan ko siya ay maraming babae ang nagpapapansin sa kanya. Kung sabagay bakit ba naman hindi siya papansinin eh ang attractive niya kahit medyomay pagka maldito.

Nakita ko siyang pumasok sa....

HA??? SAME ROOM KAMI???

Napa stop ako, bigla akong nakarinig ng bulung bulungan mula sa mga ususera, chismosa, fangirl, etc.

"Ang gwapo talaga ni Earl, no wonder why he's the visual of their group."

Na-curious ako kaya naman that day ay hindi muna ako pumasok at nag search ako ng nag search about sa kanya.

Sa tulong ng internet at ng mga chismosang pinapakinggan ko kanina ay may nalaman ako sa kanya kaya lang konti lang.

Siya pala si Raven Earl Cuzon. BSHRM. Visual sa grupong The Chasers. At wala na. Naghanap pa ako sa internet ang kaso talagang lahat ay none. Masyado pala siyang misteryoso. At dahil diyan mas lalo ko siyang nagugustuhan o my gosh!

Maya maya pa ay inabangan ko siya sa labas ng gate at sinundan ko ulit siya pagkalabas niya ng gate. Lagi siyang naka earphone at hindi siya namamansin kahit kanino. Wow, totally an snobber naman ni crush! Nakita ko siya na pumasok sa C&R na pinagtatrabahuhan ko. DI kaya ay may Condo Unit siya diyan? O my gulay! Kapag meron? Talaga naman! Magahasa na ang dapat magahasa! Charot! Syempre joke lang yun.

Sinundan ko din siya sa loob. At tama nga ako. Since tapos na ang class hours ko ay nagpalit na din ako ng uniform ko para naman sa trabaho. Ako ang maghahatid sa kanya ng pagkain niya.  Waitress kasi ang trabaho ko dito. Lucky me! Oh my gosh!

Mayamaya nga ay nag order na siya ng food. Hinanda ko naman yun at agad akong nag ayos sa sarili ko at papasukin ko na siya sa kwarto niya. Haha! Pangit man pakinggan ay yun naman talaga ang gagawin ko.

Pagkapasok ko, wala siya. Nakita ko siya sa may sala. Pagkasabi niya ng pakilagay na lang diyan ay di na siya nagsalita. Para akong nabato dito sa kinatatayuan ko. Narinig ko na boses niya! Gosh!

"Ano pang tina tanga tanga mo diyan? Labas!" Nagulat ako nung sinigawan niya ako. Lumabas agad ako. Nakakatakot siya pero gwapo pa rin niya!

Simula noon lagi ko na siyang ini-stalk.

Meron pa kasi akong nalaman sa kanya kaya mas nagpupursige akong sundan siya at mapalapit sa kanya.

Siya ay NBSB, as in NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH!

Kaya naman sisiguraduhin ko na mapapasakin siya! Muahahaha.

End of flashback~

"Hoy! Bakit nakatulala ka diyan at parang tangang nakangiti pa? Siya na naman ang iniisip mo no?" Nagulat naman ako dun. Si Thalia Aryl na pala ay dumating.

"So? Masaya ako ngayon dahil makikita ko na naman ang Earl bebe ko kaya ikaw, sumama ka sakin. Concert nilang mamayang gabi at hindi pwedeng hindi ako makakadalo! So tara na!" Agad kong hinila si Aryl at nagpara na agad kami ng taxi.

Earl my Love. Ngayon pa lang ako magsisimulang makuha ka. At hindi ako titigil hanggat di ka napapasakin.

~

Comment?

Vote?

Please?


I Honestly Hate You Where stories live. Discover now