Chp. 4 "Aryl meets Vince."

147 5 1
                                    

~

Libby’s POV.

Its been 2 days passed pero di pa din ako ginaganahan pumasok. Alam ko na nagkalat na ngayon sa ibat ibang news feed ang mukha ko at ang pangalan ko dahil sa mga nangyari. My classmates hate me that much at pinagkalat nila sa social media ang pangalan ko. My goodness. Bakit kailangan mangyari sakin to. I didn’t meant to make that scene, i was just trap, hindi ko na alam gagawin ko! Paano pa ba ako kikilos nito?

Nakahiga lang ako sa kama habang naglalaro ng breakgame. Sorry, hindi kasi uso sakin ang mga ipad, ipod, at mga tablet na yan. Saka nag eenjoy ako sa laro ko kasi kahit out of generation na tong larong to. Atleast ito pa din ang unang sumikat at hinangad ng mga bata noon.

Ganoon na siguro ako kagaga para pati ang breakgame na to, i describe ko pa. Hayss, buhay nga naman! Napakahirap. Napabuntong hininga na lang ako saka ko tinigil ang ginagawa ko. Napatitig ako sa kisame at inalala ang mga nangyari nung concert. Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko na i’m his first kiss. Kaya nga lang ang pangit ng dating sa kanya at talaga namang di din katanggap tanggap sa publiko.

Napaupo ako bigla saka ko ginulo ang buhok ko. Ikaw naman kasi Libby! Napakagaga mo! Paano na ngayon yan? Paano ka mabubuhay ulit ng normal? Tss. Minsan naiiyak ako sa tuwing naaalala ko yung mga nabasa ko sa fanclub ng The Chasers. Napakadaming haters at bashers ang nang away sakin at inalis pa ako sa fanclub. Hindi ko matanggap ang nangyari pero wala akong nagawa. I deserve this.

"Libby? Tulog ka ba? Buksan mo nga ’tong pinto." Agad akong napatayo sa kama dahil narinig ko si Aryl na kumakatok. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

Pagkabukas ko. "Oh, Aryl. Ikaw pala napadalaw ka?" Tanong ko kaagad sa kanya pero sumimangot lang siya saka dirediretsong pumasok sa kwarto ko at naupo sa kama ko.

"Two days ka ng hindi pumapasok. I’m worried. Wala ka bang balak na asikasuhin ang trabaho at pag aaral mo? Sabi sakin ng tita mo, maghapon ka lang din daw na nakalugmok sa kama mo. Libby? Hanggang kailan ka magiging ganyan?"

Bigla akong napayuko at di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Agad namang hinagod ni Aryl ang likod ko.

"Shh. Libby, stop crying. Namamaga pa nga yang mga mata mo eh tapos iiyak ka na naman ulit. Walang mangyayari kung iiyak ka lang."

"Pero kasi Aryl, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Kailangan kong magtago dahil anytime na lalabas ako may makakakilala sakin. Isang ’Ugly Trying Die Hard Fan’ ang tingin nila sakin. Masakit lahat ng mga sinsabi nila, pero.. di ko naman sinasadya.. i was just.. i was just.. a big fan of Earl." Muli ay napaluha ako. Di ko lubos maisip na ganito ang magiging kahitnatnan ko.

"Libby, sabihin na natin na oo, mali nga yung ginawa mo. Pero sa tingin mo ba? Maitatama mo ang lahat kung magmumukmok ka lang sa kwarto mo at iiyak? Libby. Alam ko mahirap ang sitwasyon mo ngayon, but you don’t deserve to face this kind of trouble. Naaapektuhan ka na ng sobra. Mali na Libby, dapat may gawin ka." Napatahimik ako sa sinabi ni Aryl. She has a point, pero sa paanong paraan naman kaya?

"Tao ka lang nagkakamali, hindi ka isang hayop para tratuhin nila na para bang wala kang kwenta. Libby, you can do this. Everything will be alright and don’t worry i’m always here beside you." Napangiti ako at niyakap ko si Aryl. Im so lucky to have a best friend like her.

"Salamat talaga Aryl ah, pero paano ako magsisimula? Natatakot ako sa mga maaaring mangyari, marami akong makakaaway pag pumasok ako bukas."

"Wag kang mag-alala, gagawan natin bukas ng paraan yan. Saka isa pa, di ka nila pwedeng saktan, pwedeng pwede natin silang isumbong sa cyberbullying para tumigil sila." Pagpapalakas loob na sinabi sakin ni Aryl. Napangiti ako.

"Salamat Aryl."

"Wala yun ano ka ba, sige na Libby. Ayusin mo na ang sarili mo at kumain tayo sa baba. May dala akong ube halaya at bibingka sa baba. Diba? Paborito mo yun?"

"Aryl talaga, nag abala ka pa. Pero salamat talaga."

Ngumiti lang siya saka tumayo. "Sa baba na kita hihintayin ah. Mag ayos ka na." Saka siya lumabas at naiwan ako sa loob na nag iisip.

Desidido na ako sa pinaplano ko. Kakausapin ko bukas si Earl. Hihingi ako ng tawad sa kanya.

~

Aryl’s POV.

Nandito kami now ni Libby sa guidance office. Kasama naman si Mrs. Cornelia De Los Santos. Siya ang guidance councilor dito at isa sa mga mababait na staff ng school. Naikawento namin sa kanya ang nangyari kay Libby. At nalungkot siya dahil alam niya ang mga nangyaring balita. Nakiusap kami na kung pwede bang ipatawag si Earl sa guidance para makahingi na ng tawad si Libby dito.

Naupo ako sa sofa, naalala ko na naman yung mga sinabi ni Earl noon sa may parking lot. Kinabahan ako bigla. Napatingin ako kay Libby. Mukhang desidido na siya na kakausapin niya talaga si Earl. Napabuntong hininga ako, parang gusto kong puntahan ang studio room nina Earl. Gusto ko lang makasiguro na wala siyang binabalak o ano pa man. Ayokong mapahamak si Libby.

Agad akong tumayo kaya napatingin sila sakin. Nagdahilan na lang ako na pupunta ako saglit sa wash room, saka na ako lumabas ng guidance office.

Agad akong pumunta sa Studio nina Earl, sumilip ako sa bintana at walang tao. Napayuko ako at nag isip. Nasa’n naman kaya ang The Chasers? Nag angat na ako ng ulo at aakmang ng tatalikod ng may marinig akong boses mula sa likod ko.

"Excuse me?" Agad akong napalingon sa kanya, at tumambad sakin ang isang lalaki na nakasando ng grey at naka-cap, may dala siyang bottled water. Seryoso siyang nakatingin sakin. Nailang ako bigla kasi nagkatitigan kami kaya umiwas ako.

"I-I’m sorry, i was just pass by." Pagdadahilan ko. Nakatitig pa din siya sakin na parang bang hindi siya kumbinsido sa mga sinagot ko.

"Really? I guess miss, you are looking for someone?" Napaangat ako ng ulo at tiningnang ko siya.He is now smiling at me, umiwas ulit ako ng tingin. Geez. He is handsome.

"I-I think i need to go, excuse me." Aakma na akong aalis ng may biglan tumawag doon sa lalaki na kausap ko kanina.

"Vince!" Yumuko ako bigla dahil si Earl ang tumawag sa kanya. Kinabahan ako bigla, kailangan ko ng umalis dito pero may biglang humarang sa harapan ko. I gasped. Its Earl.

"I think i know you, you look familiar." Oh my gosh! What to do! What to do!

"You know this cute lady?" Eh? Cute? Do i look like a Stuffed Toy? Nilingon ko yung Vince, aba at nakangisi ang loko.

"Ah kailangan ko ng mauna." Agad akong tumakbo at sa ibang daanan ako dumaan. Nakakainis naman! Sino ba ang Vince na yun? Muntik na akong mapahamak dahil sa kanya. Tsk. Bumalik na lang ako sa Guidance Office. Agad akong tiningnan ni Libby.

"Ang tagal mo naman mag CR." Umupo ako sa tabi niya. "Sorry, nag ayos pa kasi ako."

"Nag ayos? Eh bakit parang tumakbo ka?"

"Ah, eh kasi ano. Nagmadali na ako kasi...." Naputol ang sasabihin ko dahil pumasok bigla si Mrs. Cornelia.

"Libby? Earl is now in room A-3IT. Hinhintay ka na niya doon. Sabi niya ikaw lang daw ang gusto niyang makausap." Nakita ko na kinabahan bigla si Libby. Humawak siya sa kamay ko.

"Don’t worry, susundan din kita doon." Yun lng naisagot ko, bago tuluyang tumayo si Libby at pumunta sa room A-3IT.

"Aryl? Wag kang susunod kay Libby. Sinabi sakin ni Earl na aayusin niya ang gulo kung si Libby lang ang pupunta."

"Im so sorry ma’am, i dont trust him."

Napailing na lang sakin si Mrs. Cornelia.

~

Comment?

Vote?

Thanks!

I Honestly Hate You Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum