Chp. 18 "Why he's so Cold?"

75 3 0
                                    

~

Libby's POV.

Nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin yung performance ng 'The Chasers'. Agad kaming dumiretso papasok sa malawak na dressing room dahil pagbaba palang namin ng van ay marami na agad na mga media ang sumalubong sa amin.

"Grabe, ang daming media at fans sa labas." Biglang nasabi ko ng nakaupo na ako sa may isang sofa sa loob.

"Naku Libby, masanay ka na. Bawat works and performance ng 'The chasers' ay maraming media ang nag-aabang sa kanila." Ang sagot naman sakin ni Mng. Jhonny.

Kung sabagay, celebrity nga pala sila kaya naman dapat talaga na masanay na ako.

Napatingin ako kay Earl na nasa terrace. Mag-isa lang siya doon habang may kinakausap sa phone. Lalapitan ko sana siya ang kaso nakita ko na tumatawa na siya at masaya siya habang kinakausap ang katawagan niya. at sa tingin ko ay iisa lang naman ang makakapagpatawa sa kanya ng ganun.

Si Nicole. 

Napayuko na lang ako saka nag-volunteer na ipaghanda sila ng makakain since ako lang ang pwedeng lumabas dito sa room. Inutusan ako ni Mng. Jhonny na bumili ng makakain ng 'The Chasers'. So, lumabas na ako at wala ngang nakapansin sakin kahit na isang media.

Buti naman, akala ko ay naaalala pa nila yung nangyaring kabaliwan ko noon. Napabuntong-hininga na lang ako at tinuon ang isip ko sa inutos ni manager.

Bumili lang ako ng mga hindi mabibigat sa tiyan na mga pagkain. As in pang-sakto lang saming lahat. Tamang burgers mula sa jollibee at waters. Ayaw kasi ni Manager na painumin ngayon ang 'The Chasers' ng softdrinks dahil mas kailangan daw nila ngayon ang tubig.

Napangiti ako kasi masyado pala talagang maalaga si manager sa 'The Chasers'. Kaya pala, parang pamilya na ang turingan nila sa isa't-isa.

"Libby?" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Vince pala. tinabihan niya ako dito sa sofa, habang yung iba ay busy sa pag-uusap at pagkain.

"Ah ikaw pala Vince." Ngumiti siya sakin.

"Kailan ka pa pumayag sa kasunduan niyo?" Biglang tanong niya sakin kaya napatigil tuloy ako sa pagkagat ng burger ko. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid.

"Medyo nung last week pa ata." Sagot ko. Umayon naman siya tapos ngumiti sakin.

"Pero bakit? Bakit ka pumayag?" Tanong niya ulit. Tumawa ako ng bahagya.

"Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ako sa inyo noong last concert niyo? Mostly sa kanya kasi nga diba.." Di ko tinuloy ang sinabi ko kasi, naiilang akong sabihin.

"Oo, naaalala ko yun pero dapat hindi ka pa din pumayag." Sagot niya sakin. Nagtaka tuloy ako.

"Salamat sa concern pero bakit mo sinasabi yan?" Tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti lang siya ng tipid saka tumingin sa direksyon ni Earl.

"Alam mo kasi, kilala ko si Earl. Pero sa pagkakataong ito ay para bang hindi ko gusto ang naging desisyon niya na gawin kang personal assistant namin." Sagot niya sakin.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumagat lang ako sa burger ko. Takang tumingin siya sakin. Napansin ko naman na nakanuot ang noo niya kaya tumingin ako sa kanya at natawa. 

"Ako din naman ang nagdesisyon sa sarili ko na pumapayag ako. Kaya wag kang mag-alala. Di ko naman ito tatanggapin kung hindi ko din gusto." Isa naman talaga sa mga pinapangarap ko ay ang mapalapit kay Earl.

Ngumiti siya sakin. "Halata nga na may gusto ka sa kanya." Sabi niya kaya naman bigla akong natigilan at namula. He chuckled at my expression.

"Ah eh, hehe." Yun na lang ang nasabi ko. Bakit ba hindi ako marunong magtago ng feelings ko?

Mayamaya pa ay tinapik lang ako ni Vince sa balikat at tumayo siya sa harapan ko saka dinuro ang isang burger na hawak ko. "Ibigay mo na yan sa kanya." Sabi niya sakin. Napatingin ako sa burger na tinuro niya. Oo nga pala, kay Earl pala ito.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Ngumiti lang din siya sakin saka na siya umalis at pumunta kina Xander.

Tumayo na ako at pinuntahan si Earl sa terrace at sakto kakatapos niya lang na kausapin yung kausap niya sa phone. Napa-stop ako sa paglalakad dahil tumitig siya sakin ng makita ako na nakatayo lang at nakatingin sa kanya.

Biglang napakunot ang ulo niya ng makita ako. Kaya naman iniabot ko na yung burger niya.

"Ah burger mo." Sabi ko pero umirap lang siya sakin at nilagpasan ako habang sinasabi niya na...

"Ayoko." Then umalis na siya sa harap ko. Dahan-dahan kong naibaba yung burger at napayuko ako. Ngumiti na lang ako ng tipid at inisip na lang na...

Siguro, binibigay na lang niya sakin. Naramdaman ko na nagingilid na ang mga luha ko. Pero pinunasan ko kaagad yun dahil dumating bigla si Mng. Jhonny at pinag-ready na sila.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko na nakatingin pala siya sakin. 

Pero wala akong ibang nakita kundi.. Coldness. 

Mayamaya pa ay nagsimula na ang performance nila at nandito lang ako sa may back-stage pinapanuod sila. Kasama ko si Mng. Jhonny  na nanunuod. Tahimik lang ako habang inaalala kung paano ako maging isang fangirl ng group nila. Pero ngayon, malapit na ako sa kanya. 

Pero...

So close yet so far...

Matapos ang performance nila ay binati namin sila ni mng. jhonny pero nung napalingon ako kay Earl ay tumingin lang siya sakin at inalis niya din. 

Nalungkot ako. 

Why he's so cold? Wala ba talaga akong pag-asa na maipakita sa kanya kung sino talaga ako?

O baka naman, ayaw niya akong makilala.

~

:)

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now